Horror: Panaginip

48 1 0
                                    


All Rights Reserved ©2015

This was from a man's POV

Nagising ako Alas Tres ng madaling araw na halos sasabog na ang pantog ko. Madilim ang buong kwarto ngunit dahil kabisado ko, naaninag ko ang daan patungo sa sarili kong banyo.

Pumasok ako ng banyo..

at pipikit-pikit ang mga mata na umihi habang prenteng nakatayo nang biglang..

bigla akong may naririnig..

Oo, tama, may naririnig akong mahinang ingay mula sa likuran ko.

Parang..

Nagsimulang manindig ng mga balahibo ko ng mapagtanto kung ano ang ingay na iyon..

Parang..

Langit-ngit ng pintuan..

Teka, hindi ko nga pala sinarado yung pinto..

Ibig sabihin..

Ibig sabihin..

Yung pinto..

Yung pintuan ng banyo..

Sumasarado ito..

Ng kusa.

At laking panghihilakbot at gulat ko ng bigla itong bumalibag pasara mula sa likuran ko.

Humahangos akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ko. Tagaktak maging ang pawis ko.

Ha! Ha! Ha! Thanks God panaginip lang pala.

Hindi pa humuhupa ang hingal ko ng bigla akong nakaramdam ng pamimigat ng pantog kasabay ng pagbundol ng kaba sa dibdib ko..

Dahan-dahan akong pumihit para tignan ang orasan..

Alas Tres ng madaling araw..

Shit! Usal ko

Pero sasabog na yata ang pantog ko kaya't pilit kong iwinaksi sa isip ang tungkol sa panaginip ko at iinot-inot na tumayo at nagtungo sa banyo.

Dahil hindi parin nawawala ang kaba ko, naisipan kong isarado ang pintuan ng banyo para hindi katulad ng napanaginipan ko.

Prente akong tumayo sa harap ng toilet bowl at pipikit-pikit na umiihi nang biglang..

May naririnig akong ingay mula sa aking likuran..

Shit!

Familiar ito..

Gumapang ang hilakbot at takot sa buong katawan ko ng mapagtanto..

Yung pintuan..

Yung pintuang isinarado ko..

Ngayon ay, bumubukas ito..

Bumubukas ito ng kusa mula sa likuran ko.

.....

Very Short Stories/Riddles CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon