All Rights Reserved ©2015
"Oh anak, bilisan mo na jan at male-late na kayo sa iskul ng kapatid mo!" Malambing at nakangiting wika ni Matilde sa panganay na anak na si Patricia. Habang inaalalayan ang bunsong anak na si Patrick.
"Opo mami!"
Nilapitan ni Matilde ang kanyang asawa at inayos ang necktie nito.
"Hon, tingnan mo nga tong necktie mo, tabingi oh!" Malambing niyang turan dito at pagkatapos hinalikan siya nito sa mga labi.
"Alis na kami hon, we're late! Hali na kayo mga anak!"
"Opo dy!" Tugon ng panganay na si Tricia. "Bye my!" Sabay halik nito sa pisnge ng naka ngiting ina.
"Mag-iingat kayo! Tricia itong kapatid mo ha, ikaw na ang bahala!" Bilin niya dito at humalik sa pisnge ng bunsong anak na si Patrick.
"Opo my! Bye po!" Sabay na turan ng magkapatid habang kumakaway sa loob ng kotse.
"Bye mga anak, bye hon! Ingat sa pagmamaneho!" Kaway niya pa sa kotse ng asawa na papalabas na ng kanilang malaking gate.
Ngingiti-ngiti siyang tinatanaw ang papalayong kotse ng asawa.
Siya si Matilde isang mabait at mapagmahal na maybahay at butihing ina. Ngunit kung gaano ito kabait at kabuti sa sariling pamilya ay ganun naman ito kasama at kasalbahe sa ibang tao lalo na sa mga mang gagawa ng sarili niyang pagawaan ng sapatos. Hanggang isang araw...
"Ikaw ha! Ang kupad kupad mong kumilos, paano ako kikita sayo niyan kung babagal bagal kayo?" Asik niya sa empleyadong babae habang dinudutdot ng hintuturo niya ang nakayukong ulo nito.
"Ikaw na nga tong puro absent ikaw pa tong tatamad tamad jan ha? Sige tanggal ka na! Hindi ko kailangan ng tamad na empleyado! Umalis ka na!" Bulyaw niya rito.
"Ma'am wag po, maawa po kayo sakin, nagkasakit po kasi ang nanay ko eh, kelangan na kelangan ko po tong trabaho nato!" Paninikluhod ng kawawang empleyado.
"Wala akong pakilam! Kasalanan mo yan dahil tatamad tamad ka gayong kelangan mo naman pala ng pera! Hala sige, alis!" Taboy niya pa rito. Nagawa niya pang sisihin ang kawawang babae.
Nagmakaawa pang muli ang babae ngunit binge na si Matilde sa paliwanag nito. Kinaladkad niya ito palabas ng pribadong establisheminto at pasalyang itinulak ito palabas ng malaking gate ng pagawaan. Huli na ng may tamaan itong matandang uugod ugod na hirap sa paglalakad, sabay na tumumba ang dalawa at halos madaganan ng babae ang kawawang matanda.
Alerto naman ang nakababatang babae at agad tumayo para alalayan ang matanda.
Patuloy na nagtatatalak si Matilde na animoy wala ng bukas. Hindi niya napansin ang matiim na pag titig ng matandang babae sa kanya at pabalibag niya pang isinarado ang dambuhalang gate.
"N-naku.. Lola, pasensya na po kayo. n-nasaktan po ba kayo?" Humihikbing tanong ng babaeng nawalan ng trabaho.
Hindi tumugon ang matanda at nagpatuloy sa mabagal na paglalakad habang panay ang tingin sa nakasaradong gate. Naglakad narin ang kawawang empleyado palayo sa naturang lugar, bagsak ang mga balikat nito.
Kinagabihan
Palabas na si Matilde mula sa factory para umuwi sa kanyang pamilya ng may mapansin siyang isang bagay mula sa sementadong sahig sa labas ng gate.
Salamin? Aba't mukhang luma na ito ah, pero napakaganda ng desinyo at pagkakagawa? Sino kayang nakaiwan nito? Totoo kayang ginto ito?
BINABASA MO ANG
Very Short Stories/Riddles Collection
Kurzgeschichtencollection of short stories in all category; drama, romance, horror, suspense, thriller, adventure , fantasy and Love❤. (some are maybe my own original stories but I'll surely get from other sources.) To God be the Glory