Fantasy: Be Grateful For Everything

34 2 0
                                    

Noong unang panahon

May isang kaharian na pinamumunuan ng mag-asawang Hari at Reyna na sadya naman talagang maawain at matulungin sa kapwa.

Nagbibigay ang butihing mag-asawa ng libreng pagkain para sa mga mang-gagawa linggo-linggo.

Isang araw, dalawang matandang lalaking mang-gagawa ang nakatakdang bumisita sa mahal na Hari at mahal na Reyna upang tumanggap ng pagkain para sa linggong iyon.

Ang unang mang-gagawa ay tahimik lamang at sadyang mahiyain samantalang ang pangalawa ay sadya namang pala salita at pala bati kung kayat ito ay kinagigiliwan ng husto ng mahal na Hari.

Hari: Ikinalulugod ko ang inyong pagdating! Heto at inyong tanggapin ang aking munting regalo para lang sayo!

Nag muwestra ito at agad na lumapit ang dalawang taga silbi na may kanya kanyang dalang tinapay, at iniabot ang tig-isa sa dalawang mang-gagawa.

Agad na kumunot ang noo ng pangalawang mang-gagawa

Mang-gagawa 2: M-mahal na Hari? T-tinapay po para sa buong linggong ito?

Mang-gagawa 1: Maraming Salamat po mahal na hari!

Ngumiti lamang ang mahal na Hari at muling nag wika

Hari: Oo, at bumalik na lamang kayong muli rito sa palasyo pag naubos na yan at muling magutom!

Yumukod ang dalawang mang-gagawa at agad nag paalam.

Ngunit napansin ng pangalawang mang-gagawa na mabigat ang kanyang tinapay, at naisip nitong marahil ay mali ang pagkakayari dito at malamang ay hindi rin ito masarap kung kayat naka-isip siya ng ideya.

Hinimok niyang makipag palit sa kanya ng tinapay ang unang mang-gagawa na agad namang pumayag dahil nabawasan narin nito ang sariling tinapay.

Kinabukasan

Muling nagbalik ang ikalawang mang-gagawa sa palasyo.

Hari: O? Bakit ka nag balik? Hindi ba naging sapat ang malaking diamanteng iniloob ko sa iyong tinapay?

____________×Djen×

Lesson: some blessings may disguise, you just have to learn to see every thing in a different way.

All Rights Reserved ©2015

Very Short Stories/Riddles CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon