Chapter 13

66 12 0
                                    

Avria POV

1 MONTH HAVE PASSED..

Isang buwan lang ang nakakalipas pero sa tingin ko ay parang isang taon na'yon punyeta. nalaman na ni lucifer na nag papart time job ako. hindi lang siya,maging ang dalawa niyang kaibigang asungot. buti nalang at nakombinsi ko siyang huwag niyang sabihin kay tita't tito.  si luke ay hindi ko na muling nakita after nong tawagan ako ni evan para papuntahin sakanila. ayon sakanya nagpaka lasing daw si luke.  sa loob ng dalawang linggo raw ay hindi siya okay. laging wala sa sarili at umiinom ng alak. ni hindi padaw kumakain ng maayos. kung nag-hirap ako, satingin ko ay mas nag-hirap siya.   kaya nong nagkasakit siya ay tinawagan ako ni evan. hindi raw niya kasi alam kung ano ang gagawin. after non ay hindi ko na siya nakita. pati sa school ay hindi narin sa'kin nag-paramdam o nag-pakita pa gaya ng ginagawa niya.





"Avriiiiia!"  napalingon ako kay amelsa ng lumapit ito sa'kin atska ako niyakap.

"hoi bitaw nga! ano ba nasasakal ako!"  singhal ko, hindi na'yon yakap, sakal na'yon nyetaa.

"myghaddddd amelsa why are you so clingy. just throw her avria out of this campus"  maarteng usisa sakanya ni alyn tsaka pa pinitik ang buhok sa likod at pinagcross ang arms.

"excuse me okay hinddi kayo magkatulad ni avria. unlike you na halos itakwil muna ako kapag ginaganon kita"  bara naman sakanya ni amelsa.  yes in 1 month  naging close friends ko na din ang dalawang 'to. buti nalang at nakakayanan ko ang pagiging clingy at madaldal ni amelsa at pagiging ka artehan naman ni alyn.

iniwan ko nalang sila don at nagpatuloy sa paglalakad. napabuntong hininga nanaman ako ng makita ko ang mga mind-child na'to!

"Avria!"  sigaw nila habang tumatakbo papalapit sakin.

"ano bayan avria 2days na pero hindi kana namin ganun nakakasama"  ani kyle. napahawak pa ito sa tuhod habang naghahabol-hininga.

"Oo ngaa friend, sabay kami sayo sa hapon ah"  si kero

"sabay-sabay nalang tayo kumain sa caf avria, medyo busy kasi narin tayo eh. malapit na second semester eh" singit ni gab.

"oo nga ang hirap pa ng mga thesis!"  ani kero, umaakto pang namamaktol.  hindi pa ako nakakapag salita ng sumulpot na 'yong dalawa sa likod ko.

"omg why are you talking to men avria, who are these guys"  maarteng ani alyn. tiningnan pa isa isa mga mind-child na ito.  pati sila ay napangiwi kay alyn.

nakita ko pang bahagyang nanlaki ang mga mata ng tatlong mind-child na'to ng makita si alyn. don't tell me hindi nila alam na may kambal ang malanding avyn na'yon.

"huwag ka nga oa diyan! malamang mga kaibigan rin to ni avie hindi baaa?!"  si amelsa. niyakap pa ang isa kong braso at hinihintay akong sumagot sa sinabi niyang iyon. hindi ko pa naipakilala ang tatlong ito sa dalawang 'to.

"sino ang mga 'to avria? tsaka bakit hindi kami nakikilala ni avyn"  si kyle. inis pang tiningnan tong dalawa.

"excuse me kaibigan niya kami. and i will never be avyn duh. at kayo?"  sagot sakanya ni alyn.

"tumigil nga muna kayo!"  sigaw ko sakanila tsaka pumagitna sa harapan nilang lahat

"Okayy... alyn, amelsa meet the mind-child squad"  kalmado kung saad.

"Anooo?!"

"What?!"

sabay-sabay pa silang nag-react. doon ko lang napagtanto ang lumabas sa bunganga ko. shit hindi pala alam ng tatlong 'to na mga isip bata ang turing ko sakanila. malamang ay tanging sa isip-isip kolang sinasabi 'yon.

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now