Chapter 35

55 11 0
                                    

birthday party..

ngumiti ako ng pumarada ulit ang sasakyan ni yhosh sa harapan nitong dambuhalang mall. akmang lalabas na sana ako pero ayaw bumukas ang pinto. naka lock. nagtatakang tiningnan ko ang depungal na'to

"hoy umayos kanga kailangan ko nang bumaba!" bulyaw ko pero ngumisi lang ito sa'kin

"bababa kalang? ganun ganun nalang?" tanong nito kaya naman napangiwi ako

"malamang ano pabang gagawin?!" naiinis kong singhal sakanya. napalunok ako ng biglang dumilim ang maamo niyang mukha. biglang sumeryoso ang awra niya!

nailayo ko ang sarili ko ng ilapit niya sa'kin ang sarili niya.

"a-anong ginagawa mo hoy!" nauutal kong sabi. akala ko kung ano na. tinanggalan lang pala ako ng seatbelt. mula sa serious mood niya ay napalitan ito blangkong expression

"bumaba kana amazona, susunduin kita mamayang hapon" wika nito sa malamig niyang boses. nagpakawala pa siya ng malakas na buntong hininga. muli niya akong tiningnan tsaka tinaasan ng kilay

"ano pang inaantay mo?" muli akong lumunok. sinubukan ko ulit buksan ang pintuan, this time ay hindi na nakalock.

pagkalabas ko ay agad nadin siyang umalis. nagpasya nalang din akong pumasok sa mall na'to

bumungad sa'kin si tristan na nakangiting nakatayo sa counter kaya sinuklian ko nalang din

"nasan si akera?" tanong ko ng makalapit ako sakanya.

"mukhang hindi ata ngayon makakapasok" malumanay niyang tugon. agad naman nangunot ang noo ko

"bakit? may fam problem na-naman ba?" saad ko. tumango naman ito.

umupo muna ako rito dahil mukhang wala pa namang customer.

"ano bang nangyari?" muli kong tanong. humarap nadin siya sa'kin pero nandoon parin siya sa pwesto niya

"ang daddy niya kasi napunta sa mental" sagot nito na mas lalong nagpakunot ng noo ko

"ha? papaano eh hindi ba nasa kulongan pasiya?" takha kong tanong. tumango naman ito. kita ko agad ang pagbabago ng expression ni tristan. mula sa kalmado niyang itsura ay napuno ito ng galit

"hindi niya nakayanan ang depression na nakuha niya mula sa pagkakakulong sakanya doon sa prisontohan, kaya mula sa kulungan ay nai-lipat siya sa mental" bakas sa boses ni tristan ang lungkot at the same time galit. galit dahil wala din siyang magawa sa mga nangyayari sa fam nila.

Melissa POV

kasalukuyan akong binabati ng mga ka sosyo nila dad sa company. narito ang lahat ng angkan namin. ang family ko sa side ni mom at side ni dad. napalingon ako sa bagong dating na si tito wilson kasama si tita

nag-paalam muna ako kina daddy para salubongin sina tito.

"hi po tita tito! thank you dahil nagawan niyo parin ng paraan dumayo sa birthday ko kahit na lagi kayong busy" magalang kong saad. nakipag beso muna ako sakanila bago ko sila inalalayan papunta sa isa pang table

"mapapalagpas ba namin ang importanteng kaarawan ng inaanak ko" malambing na sambit ni tita kaya nginitian ko naman siya

"btw hija melissa pasensiya kung hindi namin kasama--"

"don't worry tito, wala man siya ngayon rito pero ayon sa mga kaibigan niya ay dadalo daw siya doon sa ginawa kong party para sa mga kaibigan ko" nakangiti kong wika kay tito

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now