Chapter 20

60 10 2
                                    


Avria POV

CHARAAANN!!  field trip na namin!

tapos na'ko mag-impake. pillow,pagkain headphones at ibaa pa. sa pag-kakaalam ko ngayon din 'yong araw ng school trip ng school nina yhosh. hindi ko alam kung sasama ba ang kupal na 'yon. iyon ngalang hindi ko alam kung anong oras sila

basta kami exact 8:30 am ay kailangan nandon kaming sampung studyante sa school. bus ang sasakyan namin. si ms.karol ang prof na kasama naming mag-eexplore. nagdala nadin ako ng ballpen atsaka notes. sabi kasi ni prof magdala eh.

mabilis akong naligo at ginawa ang morning routine ko. pagkatapos ay kumain narin ako ng agahan. kinuha ko ang backpack ko sa kwarto ko at lumabas nasa bahay. 

nag-taas ako ng kamay ng may makita akong paparating na white taxi. huminto naman siya sa harapan ko kaya agad nadin akong sumakay.

minutes passed ay nakarating na'ko sa school. natanaw ko na din ang yellow  bus na sasakyanan namin. nakaparada na ito sa harapan ng gate. nandon nadin ang ilang studyante. satingin ko nga ay ako lang ang kulang.

"Avria!" bungad sa'kin ng mga mind child. may kanya kanya nadin silang  pack sa likod.

"ikaw nalang ang kulang halikana!" pag-aaya ni gab ng makalapit ito sila sa'kin.

"avie!" ngiting-ngiting ani amelsa tsaka niyakap ang isa kong braso.

"Omg im so excited na!" si alyn.naka pink shorts ito.  naka cross arms pa ito habang naka sabit sa isang braso ang maliit niyang pack. partidang may headphones na sa leeg  niya. nakapang sibilian kaming lahat. casual and comfortable

"wait kasama din sina avyn?" sabay kaming napalingon  sa direksyon kung saan nakatingin si kyle. si avyn kasama si akiesha

"baka, hayaan mona yan mas marami naman tayong magkakakilala rito eh diba friend!" wika ni kero.

"students please pumasok nakayo sa loob, kompleto naman na lahat?!" sigaw na tanong ni ms.karol energetic naman kaming sumagot

"YES PROF!!"

after non ay pumila na kami para pumasok sa bus na ito. umupo ang mga mind-child na'yon sa pinaka dulo.  sa sumunod na seat ay si avyn habang sa kanan naman si amelsa.

"friend dito ka nalang tumabi sa'kin!" alok ng kero na'to. apat kasi ang pwedeng umupo don. hindi naman kami ganun karami para mag siksikan pa. matic may matitira pang bakanteng upuan.

"dito ka nalang avie!" ani amelsa. wala na'kong nagawa ng hilahin niya ang braso ko papaupo sa tabi niya.

ng makaupo na ang lahat ay lumarga na ang bus. 

"kompleto naba ang mga gamit ninyo?" tanong ni ms karol. nakatayo ito sa gitna. sabay naman kaming sumagot

"at this bus, we have a first aid kit. sempre ito ang pinaka necessary. make sure na may mga dala kayong clipboards or notebooks" nagsimula nang i remind sa'min ni prof ang mga pangangailangan na dapat mayron kami sa kasulukuyan naming byahe.

"may dala tayong waterproof rito if ever na umulan. may possibilities na don tayo makapag lipas ng gabi if ever na sumama ang panahon. don't worry about the needed things kasi prepared na ang lahat. kaya nga limitado lang kayo"

"we have personal medication, make sure students na may dala kayong towel ninyo at water bottle"

tahimik lang kaming nakikinig kay prof. halos lahat kami ay nasakanya ang paningin.

"sun cream or hat,dapat may mga dala din kayong pagkain ah, atsaka pocket money"

"Yes prof!" sagot namin ulit.

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now