Impersonation
inaya na kami ni kyle sa dinner. naihanda naraw ang pagkaing kakainin namin ngayong gabi. kaya naman sumunod kaming lahat sakanya.
muli kaming pumasok sa loob nitong malaki nilang hotel. bumungad sa'min ang malawak na restaurant.
dere-deretsu lang si kyle kaya tamang buntot nalang din kami sakanya. sa may dulo kami pinwesto. kung saan may kahabaang mesa. dalawang mesa na pinagdugtong.
biglang tumunog ang tiyan ko sheemaay! ang daming pagkaing inihain sa table na'to!
halos lahat mamahaling pagkain. halata naman!
isa-isa na kaming umupo don.
"thank you chef" saad ni kyle doon sa lalaking naka pang uniform chef pa. nginitian naman siya nong lalaki
"as your order" sagot nito bago umalis.
"kumain na kayo, para makapag pahinga narin tayo mamaya" ani sa'min ng monggoloid na'to bago umupo. infairness ah, panandaliang nawala ang pagka mind-child niya.
nagsimula na'kong lumamon. grabe ang sarap ng mga luto! halos lahat ata ng pagakain natikman ko. kumuha ako ng fried chicken, hita ito ng napakalaking manok. grabe napaka crispy!
tahimik lang kumakain ang mga kasamahan ko. napalingon pa'ko sa harapan ko. si yhosh, nakangiwi siyang nakatingin sakin kaya binigyan ko siya ng nagtatakang look!
doon ko lang napagtanto na nakamay ko napala ang pagkaing kinakain ko! shit 'yong fried chicken kasi!
wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. ako lang ata ang hindi pang professional kumain!
iniling pa nang depungal na'to ang ulo niya bago nagpatuloy sa paglamon!
minutes passed..
kanya-kanya na kaming pumasok sa kwarto namin. pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa may kalawakang sofa na ito. malapit sa kama kung saan tuluyang bumagsak ang dalawa dahil din sa pagod. nakapag-bihis na sila ng pang tulog
tumayo ako at pumunta sa cr. matapos kong magbihis ay tsaka ako muling bumalik sa sofa. actually pwede na siyang gawing kama dahil sa lawak niya.
---
kahit anong gawin kong position sa sofang'to ay hindi parin ako makaidlip. hindi ako nilalamon ng antok!
pabagsak akong bumangon mula sa sofa na'to. bumuntong hininga ako tsaka naglakad palapit sa transparent glass na ito. hinawi ko ang kurtina, tumambad naman sa'kin ang kadiliman ng langit at dagat. may mga kaunting tao panaman akong nakikita roon, sa tabi ng dagat.
nagpasya akong lumabas muna at doon mamahangin sa veranda. hinila ko ang plastic chair at inilapit sa railing nitong verand atsaka ako umupo.mula rito ay nalalanghap ko ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat.
"hindi karin pala natulog friend!" napatingin ako kay kero ng sumulpot ito sa harapan ko. humila din siya ng isang upuan at umupo malapit dito sa kinauupuan ko. may dala pa itong headphone. kinuha ko iyon sakanya at mariin ko itong pinagmasdan.
"makakarinig kapaba once na nasuot mo na ito sa tenga mo?" tanong ko. muli kong inilipat ang paningin sakanya.
"depende, pero malabong makarinig kapa if sinimulan monang patugtugin ang kantang gusto mong pakinggan" aniya
"sige nga" sinout ko ito sakanya tsaka ko ito plinay. may mga ganito rin si yhosh doon sa instrument room niya noe. minsan panga lagi niyang dala-dala
YOU ARE READING
Ang Bespren Kong Amazona
Random"𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘐 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘭𝘦𝘵 𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘣𝘦 𝘢 𝘣𝘢𝘳𝘳𝘪𝘦𝘳 𝘵𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘳𝘦𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴𝘩𝘪𝘱?" -𝘓𝘶𝘤𝘪𝘧𝘦𝘳 "𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘧 𝘩𝘪𝘴 𝘣𝘳𝘢𝘪𝘯 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘰𝘵 𝘮𝘦, 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘩𝘪𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵 𝘳𝘦𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘮𝘦?" -𝘈𝘷𝘳𝘪𝘢 •UNEDIT...