Chapter 24

60 12 7
                                    

Avria POV

"grabe masaya to!" sigaw ng kyle na'to. nasa sofa siya. parang lumpiang nakapulopot sakanya ang pagkakapal kapal na kumot na dala niya.

"Avie pwede ba namin i on tong malaking tv ng kaibigan mo" saad ni amelsa. nasa ibaba sila ni alyn. nilatag ko sa sahig ang pagkakapal kapal na bed sheets ni yhosh, ayaw pa sana niya pumayag pero pinilit ko. may kanya kanya naman silang blanket.

oo pinag sleep-over ko sila rito! lahat sila pati sila gio. natakot ako sa mga dinaldal ng yhosh na'yon kanina.

"Oo nga friend manoud tayo ng horror movie!" suggest naman ni kero, nasa baba rin siya. sa dalawang sofa si kyle at gab. kasalukuyan kaming nasa sala

Grabe ang dadaldal nila!

"sige na i-on niyo na manoud kayo kung anong gusto niyo!" naiistress ang beauty ko sakanila myghad

agad agad naman tumayo si amelsa at nangunang kinuha ang remote

iniwan ko sila don. tinahak ko na ang kusina para gumawa ng dessert man lang nila. sigurado akong magpupuyat ang mga to

bago pa man ako magsimula ay kumuha muna ako ng mga foods na pwede manlang nila kainin habang nanonoud. binuksan ko ang isang ref kung saan pagkain lahat ang nakalagay. kumuha ako ng limang Pringles, iba't ibang chips, oreo at 'yong cookies na halos hindi na mabawasan. hindi ako ganun katakaw sa cookies at mukhang ganun din ang depungal na'yon.

dumilim sa sala. baka pinatay nila ang ilaw don. nilagay ko sa plastic basket ang mga 'to at dinala na sakanila

"oh ayan, lumamon muna kayo habang nanonoud" wika ko at nilapag ito sa pinagigit-naan nila.

"Woooah pringles akin nayang Isa!" mula sa kinauupuan ng kyle na'yon ay agad siyang lumipad sa gitna

"ang dami niyo palang pagkain friend!" si kero, partidang lahat ng pagkaing nandon kumuha ng tig-iisa

kanya-kanya na silang kumuha sa pagkaing dinala ko sakanila. muli akong bumalik sa kusina

magsisimula na'ko magluto ng dessert na gusto ko. matagal ko nang gustong i-try gawin ito pero hindi ko magawa kasi may mga kasambahay dito. at hindi ako makomportable.

kinuha ko ang gardenia bread sa ref. nilagay ko ang mga 'to sa plato. kumuha nadin ako ng dairy milk.

hinati hati ko ang mga 'to. habang busy ako sa ginagawa ay sumulpot si amelsa at sumunod si kero.

"anong gagawin mo avie?" tanong nito habang pinag-mamasdan ako sa ginagawa ko

"wala may itat-try lang akong gawin. basta dessert" sagot ko

"tulungan ka namin friend!"

katulad ng sinabi ni kero ay pinatulong ko sila. inutusan ko silang gawing bilog ang mga bread gamit ang baso. tapos ilagay sa gitna ang dairy milk na pinaghahati ko kanina. kumbaga pagtiklopin ang dalawang bread na nagawa nilang bilog habang may chocolate sa gitna. pagdidikitin nila iyon gamit ang tinidor, pipisain lang nila ito sa mga gilid-gilid para hindi bumoka

kumuha ako ng itlog. isa-isa ko iyon pinisa. i-nihiwalay ko ang yellow sa puti. yong yellow lang ang need ko no

matapos non ay sinaw-saw kona dito isa-isa ang mga natapos nila. nilagyan ko muna ito ng bread crumbs bago ko pinalangoy sa nag-iinit na mantika.

minutes passed...

natapos nadin lahat!

"grabe ang bango avie!" wika ni amelsa. kumuha pa ito ng isa tsaka nginuya nguya. ganun din si kero

Ang Bespren Kong Amazona Where stories live. Discover now