MQ 1

48 3 0
                                    

"Maayos na ang buhay ko dito sa Tokyo kaya hindi muna ako kailangang pa ibalik sa Pilipinas!" sabi ko sa kanya habang nakatalikod ako. Nandito kami ngayon sa labas ng condo unit ko. Tama nga talaga ako. Gusto niya paring kontrolado niya ako.

"Then get rid of that car racing." Napatingin ako ni Mommy. Eto na naman ang issue namin, that race. Matagal na naming pinag-usapan ang tungkol dito ah na magiging gangster ako pag pinabayaan niyang magr-racing ako. We already dealing it but now what happened.

"No way! Racing is my life! Ayokong isuko nalang yun at iwanan!"

"I won't change my mind, babalik ka sa Philippines for good." Arghhh! Nakakainis talaga siya! This wicked witch! Endearment ko yun sa kanya.

"Yun na nga eh. Maayos na ang buhay ko dito. Nakapagsimula na ako ng bagong buhay dito."

"Edi magbagong buhay ka sa Pilipinas." Pang-aasar niya. Tch. Nagagawa pa niyang mang-asar sa sitwasyon nato.

"B-but what about the deal? We had a dea---"

"I'm too wise enough to deal with it." She said in her sarcastic tone at nagwalk-out nalang. So ganun? Basta-basta nalang mawala ang lahat na parang bola. Kahit kailan talaga walang siyang pakialam sa akin. Sa mga plano ko sa buhay mas tinutuunang pansin pa niya ang city na yun. Mas importante pa nga yun kaysa sa akin eh. Sa city na yun suportado siya, natatakot siyang mawala yun sa buhay niya habang ako mas gusto niya pang ibuwis ang buhay ko para lang sa Afro na yan. Sariling anak nga niya ayaw niyang suportahan. Ang daya niya. Ang selfish niya. Hindi man lang niya kayang sumuporta sa desisyon ko at sa gusto ko. Hindi man lang niya magawang intindihin ako!

Pumasok na ako sa loob ng unit ko. Inilapag ko sa mesa ang susi ng kotse at ang bag ko. Nakakabadtrip talaga siya. Bakit siya pa ang naging ina ko? Yes, she is my freaking mother. Hindi naman kami ganyan dati eh napaka opposite nga kumpara ngayon. Dati kasi parati kaming naglalambingan ang sweet pa nga niya eh samin ni Daddy . Para ngang magbestfriend kami eh. Ang hirap paghiwalayin.

Pero nagbago nalang ang lahat nang namatay si Daddy 5 years ago dahil sa trahedyang naganap. Napatay siya hanggang ngayon hindi pa nahanap ang taong pumatay sa kanya. At dahil dun nagbago na si Mommy naging makasarili, at wala nang pakialam. Siya na ngayon ang namamahala sa Afro City ewan ko ba anong mayroon diyan at napakahalaga sa buhay niya kaysa sa sariling anak niya. At gusto niya sa susunod ako na ang mamamahala pero umayaw ako eh. Ayokong maging gangster noh. Never ever. Kaya ayun siguro ikinagalit niya kaya naging enemy na kami.

Pero I just had realized when pumasok na ako sa mundo ng car racing. Panahon na rin ata para pumasok na rin ako sa pagiging gangster not for because Mommy wants me to, but for my Daddy's death. Maghihiganti ako at papatayin ko ang pumatay sa kanya. Kaya nakikipagsundo ako kay Mommy na papayag ako sa gusto niyang maging gangster ako at kapalit nun ay hahayaan niya ako sa pagr-racing. Hindi ako nabigo naging sikat at napakagaling ang gang namin na tinatawag na Arch Mage na may 10 members na sina Anya, Rae, Fritz, Han, Dominic, Shiro, Happy, Shaw, Dyne at ako ang leader ng gang. Pero dinaya ako ni Mommy kaya sa galit ko I had decided na hindi ko na siya tatawaging 'Mommy'. Hindi siya karapat-dapat na maging ina kung hindi niya magawang ituring akong anak. Mas pinili pa niya ang Afro City na yan kaysa sa akin. Hindi anak ang turing niya sakin kundi isang babae lang na makakalutas sa problema niya. Kaya kahit nasasaktan na niya ako wala siyang pakialam dun basta naging maayos lang ang Afro City.

Pumasok muna ako sa bathroom at inilublob ko ang sarili ko sa bathtub. I sighed deeply. I want to calm myself from anger. Napakakumplikado naman ng buhay ko. Yes, I have everything pero hindi yun ang kinakailangan ko kundi ang masayang pamilya na punong-puno sa pagmamahalan. Aanhin ko ang kayamanan namin kung kulang naman kami sa suportado at paghahalaga sa isa't isa. Inaamin ko hindi ako suportado sa pamamahala niya sa Afro City pero ginawa ko parin ang makakaya ko. Ginawa ko parin ang gusto niyang maging gangster ako. Pero sana ganun rin siya sakin kahit kakaunting effort man lang na suportahan din ako sa gusto ko pero wala eh. Pinapaasa niya lang ako. Kung buhay pa sana si Dad eh at wala yang Afro City na yan. Hindi sana kami magkakaganito.

McQUEEN: Fast and CallousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon