Sa hindi inaasahang pangyayari ngayon na pala ang flight ko papunta Pilipinas. May private plane kami kaya dun ako sasakay sabi kasi ng witch kong magaling na ina. Nandito na kami sa airport kasama ko sina Rae, Fritz, Anya, Dominic, Shaw, Shiro, at si Happy. As usual, hanggang sa pag-alis ko wala pa rin ang dalawang magkakapatid. Hindi rin tumawag si Han sakin. Bahala nga siya sa buhay niya. Pag kami nagkita talagang hindi ko siya papansinin. Nagtatampo ako sa kanya.
"Gally, mag-ingat ka dun ha?" nag-aalalang sambit ni Fritz. Saan na naman kaya niya nakuha ang pagtawag sakin ng Gally?
"Gally? Anong pangalan yan, Fritz?" tanong naman ni Happy.
"Tumigil ka na nga diyan! Sinisira mo moment ko eh." Sabay hampas kay Happy.
"May moment ka rin din pala sa serye nato?" pang-aasar naman ni Happy. Napatss nalang si Fritz at tinaasan ng kilay si Happy. Lumapit naman sila Dominic at Anya sakin. Talagang sabay pa talaga ha.
"Gal, wag mong dadalhin ang ugali mo dito sa Tokyo sa Pilipinas ha. Wala kami para bantayan ka sa pinaggagawa mo dun." Paalala sa kin ni Anya. Nag-nod nalang ako. Wala akong binatbat kay Anya pag pinagsasabihan na niya ako. Daig niya pa talaga Mommy ko. Pero napakaswerte ko naman ata kung siya ang naging ina ko. Tinap naman ni Dominic ang balikat ko. Napaka mute niya talaga. Silent type lang. Pero kung makakatitig yan talagang matutunaw ka sa takot. Niyakap naman ako ni Rae. "Mag-ingat ka dun ha. Mamimiss ka namin" Sambit niya.
"Pasalubong namin Gal ha." Sabay sabi ni Shaw at Shiro. Ang magbestfriend talaga.
"Ulol!" sambit ko.
"Gally, hihihi makikisabay na rin ako sa tawag ni Fritz sayo. Basta ha bestfriend pa rin tayo wag mo kung ipagpalit sa iba." Sabi naman ni Happy with his puppy eyes. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Sinuntok ko siya sa braso. Agad naman siyang lumayo sa akin at hinaplos ang braso niyang namumula.
"Buti nga sayo." Sambit ni Fritz. Sumigaw na naman si Happy ng 'group hug' kaya niyakap nila ako. Nangunguna talaga siya sa kabaliwan.
"Heika" Lumingon ako sa pinanggalingan ng lalaki na naka business suit. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ngumiti naman siya sakin. [Heika=your majesty]
"Follow me. I'll lead to your plane." Sinundan ko na lang siya. Bago ako tuluyang pumasok sa hallway, lumingon muna ako sa kanila at nagwave. Ganun din sila. See you guys soon.
"Good evening. We have begun our flight into Philippines. Landing and departing runway 29. We will be arrive in about thirty minutes. We'd like the flight attendants to prepare the cabin for arrival. And we want to thank you for flying with us today.
"Welcome to Philippines, Miss dela Fuente." I just stared at the man in front of me. Nakababa na ako ng eroplano. I smiled bitterly and followed him toward the limousine. Sinundo pa talaga ako. Argghh! Namiss ko tuloy Ferrari ko na iniwan ko lang sa Tokyo. Well, bibili lang muna ako dito for temporary used. Ano na kaya ang mangyayari sakin kung ang pagr-racing ay nawala na sa buhay ko. Ang boring naman ata. Walang masyadong libangan dito. Saan din kaya ako titira? Sana hindi ko makasama ang Mommy ko.
"Nandito na tayo." Agad na din akong bumaba. Bahay namin 'to ah. Sa totoo lang namiss ko rin 'tong bahay na 'to. But, don't tell me talagang makakasama ko si Mommy. May babaeng nagbukas ng gate naka-maid suit.
"Welcome home, Young Mistress." Bati niya at nag bow. Pumasok nalang ako. Ganun parin ang bahay pero may pagbabago rin tulad ng mga disenyo sa labas, sa garden nagbago rin at pati ang kulay ay binago rin noon colorful ngayon naging white and black. Pati na rin yung bricks na wall. Iniba rin ang designs ng mga stones and tiles na nakalagay sa wall. Pumasok na ako sa loob ng bahay at bumungad sa kin si wicked witch.
"Mabuti naman at sumunod ka talaga." Tch. Ano happy? Inirapan ko nalang siya at Pumunta na sa magiging kwarto ko which is dati kong kwarto.
"Kumain ka nalang diyan." Pahabol niya.
"Kumain na ako." Sambit ko. Actually, gutom na gutom na talaga ako. Bakit ko pa kasi nasabi yun. Well, kailangan ko munang ipairal ang pride ko. Ayokong ipakita sa kanya na nagwagi na talaga siya. I opened the door at inilagay ko ang maleta ko sa kiliran. Maayos parin naman ang kwarto ko. Talagang inaalagaan parin at inaayos. Humiga ako at tinignan ko ang phone ko. Wala pa ring text galing kay Han. Wala ring messages galing nila Anya. Inilapag ko nalang ang phone ko sa bedside table. Bumangon ako at hinubad ang boots pati na rin ang sinusuot ko. Pumunta ako sa bathroom at nag-shower. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng damit na pantulog. Hindi nalang ako kakain. Magd-diet muna ako sa ngayon.
Nagising ako sa alarm ng phone ko. Nakatulog pala ako kagabi. 7:30 na pala. Bumangon ako mula sa kama. Pumunta ako sa bathroom para manghilamos at pagkatapos bumaba na ako papunta sa sala. Nandun si Mommy nagbabasa lang ng newspaper.
"Alam mo ba kung anong kahihiyan ang ginawa mo sa Tokyo?"
"Anong nakakahiya dun? O baka kinahihiya niyo 'ko?" I asked in sarcastic tone.
"I'm warning you, Gal."
"Nagugutom ako." Sambit ko
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Gal!" sigaw niya. Nilingunan ko lang siya at dumiretso na ako sa kusina. Kung sa ganun pinapauwi niya lang pala ako dito sa Pilipinas para bangayan, wawarningan, at sisisihin. Ewan ko sa kanya. Sana hindi niya lang talaga ako pinabalik pa.
"Young mistress, ano gusto niyong kainin?"
"Ako nalang." Ayokong umasa sa mga tao-tauhan ni Mommy. Binuksan ko ang ref. Kinuha ko nalang ang fresh milk may cereal rin naman.
Pagkatapos kong kumain. Pumunta agad ako sa kwarto ko. Nandun parin sa sala nakaupo si Mommy.
"Gal." tawag ni Mommy. Hindi ko lang siya pinansin. "Papasok ka sa ating unibersidad bukas na bukas." Sabi niya. Whatever. At sa paaralan pa talaga namin ha. Yes, we owned dela Fuente University sa Daddy ko iyun. Pinagpatuloy ko nalang ang pag-akyat sa stairs.
"And, you will be grounded. No credit cards, no cars. May magiging butler ka na siya ring hahatid at susundo sayo." What! This will be a big NO WAY! Paano ako mabubuhay ng walang credit cards at walang sariling kotse? I hate her a lot.
"You can't do this to me." Sabi ko at iniyukom ko ang kamay ko.
"Yes, I can."
"Pinagsisihan ko na ikaw ang naging ina ko." At tumakbo na ako papunta sa room ko. Nanginginig na ako sa galit. Arggghhhhh! Gusto ko yung dati. Na ako lang ang. mag-isang namumuhay.
Naligo ako at pagkatapos nagbihis na. Kinuha ko ang phone at wallet ko at lumabas na.
"Where are you going, Gal?!" hindi ko na siya pinansin at lumabas na sa bahay. Luckily, may taxi'ng dumating. Pinara ko at sumakay na ako.
"Sa park po, Manong." Gusto ko pumunta ng Park. Sa park ako parating nagpupunta pag nalulungkot, nasasaktan, at kapag nagagalit ako. Dun kasi nakakapagrelax ako. "Ito po, keep the change." Binigyan ko ng 1000 pesos si Manong. Lumabas na ako sa taxi. Umupo ako sa bench na katapat dun ay isang malaking puno. Reminiscing my old memories at binabaliwala ang ang galit at sama ko. Gusto ko munang mag-relax. These past few days lang nas-stress na ako masyado.
BINABASA MO ANG
McQUEEN: Fast and Callous
ActionShe no doubt on occasions had to fulfill her role as a leader and if one of her friends had been humiliated and beaten, she had to step in to support and avenge.