MQ3

18 1 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm clock I'm used to it tulog mantika kasi ako. Ohyeah ngayon na pala ang araw na papasok ako. Hate to say. Pero kakayanin ko 'to. Pag-aaral lang naman 'to but I have to be a top student parin noh gaya ng dati. Ang aga naman mag-start ng class dito di tulad doon sa Tokyo sa ngayon bakasyon parin doon. Kung andun lang sana ako nagr-racing na ako ngayon kasama sila. Paano panira 'tong witch kong Mommy.

Bumangon na ako at bumaba na papunta sa kusina. Bumungad sakin ang maid na naghahanda ng mga pagkain. Himala wala dito yung witch kong ina. Umupo na ako at kumain na. Pagkatapos kong kumain dumiretso agad ako sa kwarto ko naligo, nagsipilyo, at nagbihis na rin as usual naman noh. Second year college na ako kahit 16 years old palang ako. Hindi muna ako magsusuot ng uniform as if naman may uniform na ako eh baguhan palang ako. Bahala na sila sa trip ko. Walang basagan kundi pagbubuhulin ko silang lahat.

Paglabas ko ng bahay. Andun na agad ang magiging butler ko.

"Goodmorning po, Young Mistress." Bati niya na naka-PA suit na nasa mga 40's. Ngumiti lang ako sa kanya. Hays, hatid sundo pala ako nito. Nakakainis talaga.

Pumasok na ako sa loob ng limousine. Limousine talaga noh may mga kotse dito dapat sakin yun gagamitin ko sana pero grounded ako eh. Kilala kaming dela Fuente na apelyido ng Dad ko at Chua apelyido naman ng Grandparents ko bilang isa sa pinakamayaman na angkan sa iba't ibang bansa. Kilala rin ako ng lahat bilang 'Mcqueen' at bilang tagapamana ng isang dela Fuente . Goodluck nalang sakin mamaya. I'm sure pagguguluhan ako nito. Well, may haters din naman ako kasi naiinggit sila sakin ewan ko sa kanila kaya hindi ko nalang pinapansin hindi ang mga ganyan hindi naman ako mawawalan eh. Bahala sila sa mga buhay nila.

"Young Mistress, andito na po tayo." Sambit ng magiging butler ko. Tumingin ako sa bintana ng limousinen at bumungad sakin ang napakalaking University. Napakalaki ng dela Fuente University in short DFU. Para na 'tong mall. Aside sa malaki talaga siya kumpleto na rin sa loob may iba't-ibang clubs, restaurants, bars etc. Mayroong dormitory rin for girls and boys. Gusto kasi ni Dad. Naalala ko tuloy~

*Flashback*

A Few Years Ago

Nandito kami ngayon ni Dad at Mom sa Macau. Nàgbabakasyon lang. Family day kasi namin. Ganito kami parati pupunta sa ibang bansa para doon i-celebrate ang family day namin.

"Baby, paglaki mo saan mo gusto mag-aral?" Tanong sakin ni Daddy. At kinakandung naman ako ni Mommy.

"Gusto ko po sa university natin." Sagot ko naman.

"Really?" Tumango lang ako kay Daddy.

"Opo, basta if I will turned 16 sa DFU po talaga ako papasok." Sabi ko kay Dad at itinaas ko ang right hand ko na namamanata.

"Promise mo yan ah. Kasi ang ganda at napakalaki ng university natin. Daig pa ang mall dun."

"Talaga?" My eyes widened nabigla lang ako ni Dad. Tumango naman si Dad.

"Oo ginawa ko talaga yun para sa'yo, anak." Naeexcite tuloy ako sa sinabi ni Dad. Gusto ko na tuloy mag-16 years old.

"Wow! I promise po talaga." Masigla kong sabi

"I love you, baby." Dad kissed me on my forehead.

"I love you too, Dad. Love na love ko kayong dalawa ni Mommy." nilapitan ko si Dad at hinug. Tiningnan ko din si Mommy I smiled at her at hinug ko rin siya.

"I love you, Mom." Bulong ko sa kanya. She cupped my face and kisses my forehead.

"I love you too, Baby."

McQUEEN: Fast and CallousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon