Hindi ko na alam kung ipagpatuloy ko pa 'tong buhay ko o matutulog nalang panghabang buhay. May issue na nga ako kay Mommy sa Ashleigh pa na yun na kahapon ko lang nakilala. Lalo't-lalo na kina Anya hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam. Ewan ko nalang sa buhay ko. I want to go back to Tokyo.
Bumangon na ako. Same routine parin. Bumaba na ako sa kusina at nakita ko si Mommy. Well, sasabay kaya ako? Hindi nalang baka pagsabihan pa ako eh. Nakakairita pa naman.
"Gal, you caused trouble yesterday." Tama nga naman ako. Kahit anong iwas ko sa kanya puputak talaga bibig niya.
"And then? The hell you care about me?"
"Ofcourse I will! Ano nalang ang sasabihin nila kung ganyan ka? Ang isang Dela Fuente?"
"Oh no! You didn't care about me but them."
"Gal! Saan ka pupunta?"
"Punta na 'ko. Dun nalang ako magbreakfast." Sambit ko at lumabas na. Hindi naman siya nag-aalala sakin eh kundi sa kahihiyang ginawa ko. Yan naman gusto niya eh ayaw niya mapahiya. Hell I care!
"Manong, ihatid niyo na 'ko." Pumasok na ako sa loob ng limousine. I put on my headset. Nakakainis talaga! Argggghhh!
After 30 minutes nakarating na kami sa DFU. Traffic kasi eh kaya natagalan. Bumaba na ako sa limousine at pumasok na-- wait! Bakit baguhan na dito yung security guard? Nasan na kaya yung Bryan Santos na yun? Teka?! Tama ba 'to? Kailan pa ako nagkainteres sa isang tao eh hindi ko man lang kakilala ng masyado.
"Bespren! Bespren! Sigaw ng isang babae. Sino naman kaya tinawag niya?
"Bespren!" Aish! Sino pa ba naman edi yung babaeng nakikipag 'bestfriend' sakin kahapon. Hiningal ata siya sa kakatakbo. Buti sa kanya. Tsk.
"Sabay na tayo." May nilalaman pa siyang paakbay-akbay sakin ah. Sila Happy lang dapat ang may kayang gumawa niyan eh.
"Hindi na. Kaya ko naman eh kahit wala akong bestfriend kahit wala ka." Umalis nalang siya bigla. Bakit may nasabi ba akong mali?
Nandito na ako ngayon sa room. Hindi siya namamansin nor tumingin man lang sakin. Parang hindi lang ako nage-exist sa kanya. Bahala na nga! Mas mabuti pa nga yun kaysa nangungulit siya parati sakin. Nakakairita kaya. Everyday two subjects lang ang naka-sched sakin. Kaya nga II-A eh kasi special class. Ayos nga yun eh hindi na ako nangangalay sa pag-uupo at sa pakikinig ng mga non-sense discussions.
Dumating na Prof namin. He already started the discussions. Oo nga pala, I forgot to eat breakfast. Nagugutom tuloy ako. Ito naman kasing babaeng 'to eh sunod lang ng sunod sakin ayun tuloy di na ako nakakain. Nakakadistract siya masyado. Tiningnan ko siya sa direksiyon niya. Aba! Umiiwas talaga siya sakin ah. Bakit ganito? Parang nakokonsensya ata ako sa nasabi ko sa kanya? Tama ba 'to? Nakokonsensya ako sa di ko palang kakilala? How come? Ano ba kasing meron sa kanya. Sige na nga. Kakausapin ko siya mamaya. I will say sorry kahit labag man sa kalooban ko.
"Class dismiss." Ang bilis ata mag-dismiss ng Prof namin? Sakto naman ang oras ah o sadyang sa kahabaan lang ng kwentuhan sa isip ko kaya hindi ko na namalayan. Well, matagal-tagal pa naman ang pangalawang prof namin pupunta muna ako sa kanya para humingi ng paumanhin.
"Sorry." Sambit ko. Hindi lang siya kumibo at pinatuloy lamang ang pagsusulat.
"Sabi ko sorry." Arghh! Ano ba 'tong ginagawa ko. Nakakahiya. Ang choosy naman niya. Makaalis na nga atleast nag-sorry na ako. Aalis na sana ako kaso parang pinigilan ako ng konsensya ko. Konsensya kung wala ka sana hindi ko talaga gagawin to.
"Bestfriend." Tama ba 'tong sinabi ko? Ano raw? Tumingin siya sakin at ngumiti pati gilagid niya nakikita na sa laki ng ngiti. Ang arte naman. Naghintay pa tawagin kong 'bestfriend'.
"Ano sabi mo? Did I just heared it? Bestfriend?" Tss. How deaf. Tinaasan ko lang siya ng dalawa kong kilay.
"As in? Drama ko lang yun kanina." Ano?! What the?! At nagpapadala naman ako sa kadramahan niya? Pwede sabunutan?
"Pero wala nang bawian!" At niyakap niya ako. Umalis ako sa pagkayakap niya. Sobra naman makangiti ng babaeng 'to pati gilagid pinapakita na.
"Tss." At bumalik na ako sa upuan ko saktong dumating na rin ang pangalawang Prof namin. Blah blah blah. Inaalala ko parin ngayon ang kadramahan ng babaeng yun. Nakakainis! Naiisahan niya ako eh.After 12345 hours of discussion ay dismissal na rin, my favorite 'subject'. Pupunta muna ako sa cafeteria kakain pa ako noh kanina pa kaya ako nagugutom yung Ashleigh kasi eh edi siya na 'best actress of the year'. Tss. Buti nalimutan niya ako ngayon. Wala ata siya.
"Huli ka!" Shocks! As usual nandito talaga siya. Inakbayan pa nga ako eh. Pwede putulan?
"Sabi ko sayo sabay tayo diba?" Arghhh! Ang babaeng 'to! Sino siya para utusan ako? Hindi ko lang siya pinansin.
"Miss, change po niyo." Sambit ng cashier. Kinuha ko na ang change ko at ang inorder ko. Wala nga akong credit cards peri may naipon rin kaya ako.
"Ano yan? Parang masarap ata ah. Gusto ko ata ganyan din para pareho tayo." Seriously? Sunod ng sunod nga siya sakin pati rin ang pagkain ko gustong gayahin? Umalis nalang ako at naghahanap ng mauupuan.
"Yipee." Masiglang sambit niya dalang dala ang isang tray na mga pagkain naman talaga na ka pareho sakin. Adik ba siya? Hindi ko nalang siya pinansin. Kinuha ko nalang ang phone ko I put on my headset. Puno kasi sa kadakdakan ang babaeng 'to nakakairita sa tenga. Putek! Ano na naman trip niya? Kinuha ko ang phone ko sa kanya pero ayaw magpaawat. Kinuha din niya ang phone niya.
"Okay, may number na ako sayo bestfriend." Sabay abot sakin ng phone ko at nandun na nakalagay sa contact ko ang number niya. Kapal talaga ng mukha. Mamaya buburahin ko talaga 'to.
"One thing. Wag mo ring subukang burahin number ko or else~" Or else what? Hinintay ko ang susunod na sasabihin niya pero parang nag-iisip pa siya eh kaya bigyan muna natin ng time.
"Magtatampo talaga ako sayo na kahit anong sorry hindi ko matatanggap." She pouted! Hay nako! Parang si Han kung makaasta sa 'kin eh. Pero bakit kaya ganun? Wala man lang akong magawa para pigilan ang babaeng 'to atsaka sinusunod ko rin siya? Ganito na ba talaga ang epekto sakin ni Han? Or talagang nakikita ko lang si Han sa kanya.
"Kain na tayo bestfriend." Ang takaw rin pala ng babaeng 'to. Pinagmasdan ko lang siyang kumain. Tumingin siya sakin and she smiled. Tsk. Umiling nalang ako at kumain na rin.
"Ikaw!" Lumingon ako sa lalaki. Matipuno, matangkad at maputi. Lumapit ang ibang kasamahan niya sa direksyon namin. Ano na naman problema nila? Tinitigan ko lang sila.
"Pwesto namin 'to ah!" Aba?! Ganun pala ha? Bakit may pangalan ba nakalagay na sa kanila 'to. Hindi ko nalang sila pinansin. Sayang sila sa oras.
"Aalis kayo o I will fvcking kill both of you?" Binabantaan niya pa ako ah. Hindi niya ata kilala binabangga niya. Tatayo na sana ako para turuan sila ng lection nang hinawakan naman ni Ashleigh ang kamay ko para pigilan. Aish! Bitawan mo 'ko babae ka. "Umalis nalang tayo." At hinila na niya ako palabas sa cafeteria. Waaiit! Hindi ko pa naubos pagkain ko eh. Sayang naman. Nagtitipid pa ako.
"Bakit mo ako hinila?!"
"Basta." Anong problema niya?
"Takot ka sa mga lalaking yun?"
"Hindi mo sila kilala at talagang kinatatakutan sila." Exactly. Hindi ko nga sila kilala but they messed up with me. At hindi pwede yun sakin.
"Why?" I asked.
"Nevermind." Teka! May hindi ba ako alam sa University na 'to?
"Just tell me! Why they're fvcking such a terror?! Galit kong tanong sa kanya na ikinabibigla niya kaya napaatras siya.
"K-kasi Gal."
A/N: Konnichiwa! :) What will be the next revelation? Ano kaya ang mayroon sa University na hindi alam ni Gal? May kinalaman ba dito ang Mommy niya? Well, see you on next update. Thank you and Godbless ^_^
BINABASA MO ANG
McQUEEN: Fast and Callous
ActionShe no doubt on occasions had to fulfill her role as a leader and if one of her friends had been humiliated and beaten, she had to step in to support and avenge.