Noon kuntento na ako sa buhay ko,
Sapat na sakin ang lahat ng meron ako...
Na hindi ko na kailangan ang iba pang mga bagay..
At wala nang puwang sa buhay ko ang pag ibig dahil kahit kailan alam kong hindi ko ito mararamdaman...
Noon kuntento na ako sa mga paniniwala ko...
Pero wala nga palang permanente sa mundo...
Na yung mga paniniwala ko maaari rin palang magbago...
Na kapag hinayaan mo ang pag ibig na pumasok sa buhay mo, ay dapat maging handa ka...
Na kapag hinayaan mong may magpahiwatig ng pag ibig sayo at sinuklian mo ito...
Binigyan mo na sya ng karapatan na saktan ka..
Dapat nakahanda ka, dahil darating ang oras na yung taong akala mo ay tutulong sayo...
Sya pa ang magiging dahilan ng kalungkutan mo.
---------
Papunta akong theater hall nang biglang may makabunggo sa akin nagkalat lahat ng mga dala ko sa sahig.
"Nako Sorry po talaga nagmamadali lang po ako late na ko e. Sorry!"
Matapos nun ay umalis na sya. Tumakbo na palayo.
At hindi ko akalain na sa pagkakataong yun hindi lang pala yung mga dala ko ang nahulog.
Hindi lang yun ang kailangan kong pulutin.
Hindi.
---------------------------
A/N Anneong! ^______^
I am yannie the epal author of this Story. Mehehe. Hope ya like it! Enjoy!! Godbless!!
XOXO
