Chapter 5.

643 16 1
                                    

Kathryn's POV

"Oh, buti nakatakas ka sa boss mo." Biro ni Pamu at nagtawanan sila.

Umupo ako at tumingin sa menu.

"Lunchbreak eh. Buti na lang, nagyaya ang mga investors na mag-lunch kasama ng boss ko. Atleast 'di ako ang sasakit sa ulo kakaisip kung anong lunch papakain ko 'dun."

Tumawa sila. "Ex mo naman, alam mo na favorite food 'nun. Kayo naman, parang wala kayong pinagsamahan." Nanga-asar na sabi ni Arisse.

Hinampas ko siya ng kamay ko. "Aww." Nakalimutan kong may sugat pala ako.

Hinawakan ni Chiena ang kamay ko.

"Anong nangyari diyan?"

Hinimas ko ito. "Wala, nabuhusan lang ng kape. Don't worry, bumili na ako ng cream before magpunta dito. Apply ko na lang later."

"Mag-ingat ka naman, Kath! You're clumsy pa naman. Hindi ka na nagbago."

Tumango na lang ako naging abala sa menu na hawak ko.

Pamu, Arisse, Chiena and I are college friends. Magkaklase kami sa halos lahat ng subjects noon pero iba-iba kami ng course.

Si Pamu, Accountancy ang course niya noon. While si Arisse and Chiena ay fashion designing but hindi sila same ng working place ngayon. Samantalang ako, marketing ang natapos ko pero secretary ang naging bagsak ko. Blame, Arisse & company.

---------

Hingal na hingal ako pagdating sa opisina. Muntikan na akong malate para sa next meeting ng boss ko.

Pagkarating ko sa mesa, nadatnan ko si Karen sa table ko.

"Andyan ka na pala! Nag-lunch ka na?"

Tumango ako at binitawan ang bag ko sa may table ko.

"Pinapasabi pala ni Sir Daniel, tapusin mo 'daw to ngayon. Kailangan niya 'raw para bukas ng umaga."

Nanlaki ang mata ko.

"Ang d-dami." Tambak-tambak na namang mga papel ang nasa harap ko. Parang doble ng sa iniabot niya kanina.

Nagkibit-balita lang siya. "Pumasok na kasi siya sa conference room. Nakasalubong niya lang ako. Sakto na wala ka pa, sa akin ibinilin niya 'yan."

Tumango ako. "Salamat."

Ngumiti siya at nag-paalam na para bumalik na sa table niya.

Napabugtong-hininga ako at tinitigan ang kabundok na papel sa harapan ko.

Tinali ko ang buhok ko para umpisahan ang papel na 'to. Aja, Kathryn!

9pm.

Nahuhulog na ang mata ko sa sobrang pagod. Halos wala na akong pahinga dahil diretso na ako sa pagtapos ng mga ito. Hindi ko pwedeng hindi tapusin 'to dahil kailangan ni Boss 'to bukas.

Nag-stretching muna ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Kaka-out lang ni Karen at ng iba kong ka-floor kaninang 8pm. Ako na lang ang natitira dito at paminsan-minsan ay may napapadaan sa floor na ito para kumuha ng ibang papers.

"Hoy!" Biglang sigaw ng kung sino mang grupo ng kulto na naging dahilan para...

"Aaaaaaah!" Nahulog ako sa upuan ko dahil sa gulat. Sa pangalawang pagkakataon ng buhay ko sa kumpanyang ito, nasubsob na naman ako.

Maraming salamat ha? #ArawKoTo

"Kath!!!" Sabay nilang sabi at tinulungan akong tumayo.

Nilingon ko sila habang hawak ko ang balakang ko.

Si Katsumi, Seth at Lester pala. Gaya nina Arisse, mga college friends mo sila. Himala at wala sila Pat and Alex. Baka kasama mga girlfriends nila. Ohh, Alex is Chiena's boyfriend since college.

"Okay ka lang?" Tanong ni Katsumi. Binatukan ko siya at umupo na naman.

"Kung hindi niyo ba naman ako ginulat. Malamang, ayos ako!"

Nag-high five silang tatlo at nagtawanan. Umirap ako mula sa kalawakan. "Easy! Balita ko, secretary ka?" Maang-maangan na tanong ni Lester.

"Painosente effect! Alam ko namang kasabwat kayo nina Arisse. Kapal niyo!" Wala na silang dapat pang ilihim sa akin. Inamin na ni Arisse ang lahat-lahat.

Sinabi niya na nang makiusap akong i-hanap ako ng trabaho dahil alam kong madami siyang connections sa mga malalaking kumpanya dito kaya nanghingi ako ng tulong.

Sa kasamaang palad, si Pat ang nakabasa ng message ko kay Arisse at ginawang kasabwat pati mga kaibigan kong babae kasama ng mga mokong na 'to para mapunta ako dito.

Tumawa si Seth. "Magpasalamat ka na lang. Asan pala si Daniel?"

Umiling-iling na lang ako sa kalokohan nila. Kung itinatanong ninyo ang mga trabaho ng mga mokong na 'to? Ipinagpatuloy nila ang business ng mga pamilya nila. Sana ay hindi ito malugi dahil sa kalokohan ng mga lalaking 'to.

"Umalis na. Mga 7pm ata." Isa pa 'tong maayos kong boss. Dire-diretso lang umalis. Hindi man lang ako nilingon para sabihin kung anong oras kailangan ang mga papers na 'to. Ako namang si Shunga, hindi nagtanong. Kaya dapat ko ng tapusin ito. Para makauwi na ako.

Napakamot sila ng ulo. "Peste talaga 'yun. Ikaw, hindi ka pa uuwi? Tara hatid ka na namin."

Umiling ako. "Hindi pa ako tapos, mauna na kayo."

Tinignan nila ang papel na inaayos ko.

"Ang dami naman! Gago talaga 'to si Daniel. Pahirapan ka ba naman. Parang wala naman kayong pinagsamahan!" Reklamo ni Lester.

Nagtawanan sila. Hindi pa 'rin sila nagbabago. Mga gago pa 'rin. I wonder kung paano sila pinagkatiwalaan ng mga parents nila na ipa-handle ang mga business nila? Nakakasira kasi ng tiwala mga mukha nila. I swear.

Binato ko siya ng ballpen. "Tumigil ka ha! Lumayas na nga kayo dito. May dala akong sasakyan 'wag magpaka-gentleman. Hindi niyo bagay."

Sumimangot sila. Natawa naman ako sa mga mukha nila. Isip bata talaga.

"Sama mo talaga. Sige, mauna na kami. Bye, Kath! Labas tayo minsan?"

Tumango ako at umalis na sila.

Nagtagal pa ako ng isang oras bago natapos ang ginagawa ko.

Inaantok na lumabas ako sa building namin. Buti na lang at mabait ang guard dito. Hinintay pa ako.

Napatalon ako nang makita ko si Boss na nakatayo at parang inip na inip na. Tumayo siya nang maayos nang makita ako.

"S-sir, a-ano pong ginagawa niyo dito?"

Umiwas siya ng tingin at may iniabot sa akin na isang brown paper.

"A-ano po to?" Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay doon ang paper bag.

"Tss." At dali-dali siyang naglakad papunta sa carpark. Iniwan akong gulong-gulo at tulala.

Nang mawala na siya sa paningin ko, binuksan ko ang paper bag.

May laman iyong, cream.

Alam niyang napaso ako sa kamay? Kaya binilhan niya ako? Hinintay niya 'rin akong mag-out?

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon