Chapter 8.

661 17 4
                                    

Kathryn's POV

Nagising ako at naramdaman kong nakahiga ako sa kama. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Daniel na nasa tabi ko.

Na-alarma siya nang nakita akong gising.

"Shit, Kath!" Hinawakan niya ang kamay ko at sinuri akong mabuti.

Umupo ako at mabilis niya akong inalalayan. Naramdaman kong wala ng masakit sa tagiliran ko. Napahinga akong malalim.

"Baka mainit lang." Pagsisinungaling ko.

Yumuko siya at hinawakan ang kamay ko. "Sht. Dapat sinama na lang kita. Dapat hindi kita iniwan. I'm sorry."

Napangiti ko. Hinawakan ko 'din ang kamay niya. "Okay lang."

Nang maramdaman niya ang haplos ko sa kamay niya, umiwas siya ng tingin at tumayo.

May kinuha siyang tray ng pagkain at lumapit sa akin. Pinapanood ko lang ang maingat niya galaw habang nilalapag ang pagkain sa harap ko.

"Kumain ka na muna. Nilipasan ka ng gutom." Kinuha niya ang kutsara at tinidor para subuan ko.

"Oo nga pala, pina-move ko ang pag-uwi natin. Bukas ng hapon na lang tayo uuwi instead of umaga. Baka hindi mo pa kaya ang bumyahe." Kwento niya. Linunok ko ang pagkain ko at uminom sa hawak niyang tubig.

"Kaya ko na po. Okay lang talaga ako. Kaya ko naman mag-byahe." Pag-aalinlangan ko. Hindi naman malala ang nangyari sa akin. Konting pahinga lang.

Umiling siya. "No buts. Sige na kain ka na."

Tinapos ko ang pagkain ko. Pansin kong may suot akong puting t-shirt. Alam kong kay Daniel 'to. Hindi na ako nagtanong pa. Malamig 'rin kasi sa villa. Baka isinuot niya sa akin 'to.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya pagkatapos iligpit ang pinagkainan ko at umupo sa tabi ko.

Ngumiti ako. "Ayos na."

Tinignan niya ako. "Ano ba talagang nangyari sayo? Umalis lang ako para i-meet si Marco. Nagpasya silang mag-lunch together kaya tinawagan kita. Hindi ka sumasagot kaya nagpasya akong puntahan ka. Nagulat na lang ako at nakita kitang nakahandusay sa sahig at walang malay. At nagkalat pa ang gamit mo."

Umiling ako at ngumiti. "Ayos lang ako."

Tinignan ko siya. Ayaw niyang maniwala sa akin. Iba ang tingin niya sa akin kaya winala ko ang usapan.

"Anong oras na?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung gabi na o hapon? Nakasara kasi ang kurtina sa sliding door ng villa.

"5 pm." Napa-tango ako. Mahaba-haba 'rin pala ang tulog ko.

Napangiwi ako ng maramdaman kong sumasakit na naman ang tagiliran ko. Namutla na naman ako.

Napansin kong naramdaman ni Daniel na nag-iba ang mood ko. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan akong mabuti.

"Kath! Okay ka lang?"

Kinagat ko ang labi ko at sinubukang ngumiti.

"I-inaantok a-ako." Nahihirapang sabi ko. Naiiyak na naman ako sa sakit. Ang tigas naman kasi ng ulo ko.

Inalalayan niya akong humiga. Kumikirot na naman ang tagiliran ko pero tiniis ko para hindi na magtanong pang muli si Daniel.

Pumikit ako at nagdasal na sana makatulog na ako para malimutan ko ang sakit.

Daniel's POV (FIRST POV)

Pinapanood ko ang payapang pagtulog ni Kath.

Inaamin ko, sobrang kaba ko ng makita ko siyang nakahiga, maputla at walang malay kanina. Natakot akong sobra.

Masakit ang dinulot ni Kath sa akin. Sobra.

Mahal na mahal ko siya. Kaya kahit minsan hindi pumasok sa isip ko na iiwan niya ako.

Si Kath, hindi siya mahirap mahalin.

Maalaga kasi siya.

"Oh Ivan! Pawis ka na naman? Kapag ikaw hinika o inubo. Nako! Tigas ng bungo mo!" Inis na sabi ni Kath sa akin.

Nagbasketball kasi kami ng mga pinsan ko. Iniwan ko muna siya sa bahay namin kasama nina Ate Roanna.

Kumuha siya ng towel at tubig. Pinupunasan niya ang likod ko habang sinesermonan ako. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Ang kulit mo! Hindi ba sabi ko 'wag magpapawis? Nako, Daniel Ivan Padilla! Nako!"

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Namula siya. Ang cute naman ng baby ko.

Si Kath, selosa 'yan. Ang cute kayang mag-selos niyan.

"Dukutin ko kaya mata mo?!" Sabay pingot niya sa'kin.

"Tama na! A-aray! Joke lang naman! Nag-hello lang naman siya e-eh. A-aray!" Page-explain ko habang tinatanggal ang kamay niya sa tenga ko.

Nakita ko kasi ang magandang babae na may gusto sa akin dito sa mall. Nag-hello lang naman sa akin. Eto namang si Kath.

"Nako, ikaw ha! Ewan ko sayo! Bahala ka. Maghe-hello 'din ako sa mga admirers ko. Sinasabi ko sayo." Sabay cross ng arms niya.

Tumawa na lang ako at niyakap.

Si Kath, mahal na mahal ko 'yan. Siya ang nakikita ko sa future ko. Siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Maayos naman kami eh. Masaya nga kami. Hanggang sa bigla na lang siyang nakipaghiwalay sa akin.

Pilit kong tinatanong sa sarili ko kung saan ako nagkulang, nagkamali. Bakit niya ginawa 'to?

Naging miserable ako simula ng hiwalayan niya ako. Naglasing ako, nawalan ng saysay sa buhay.

Pero tuwing naalala ko si Kath.

"Ivan, dapat galingan mo ha! Kaya mo 'yan!" Cheer niya sa'kin.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko kaya 'yun! Ang laki kaya ng company ni Papa."

"Kaya mo 'yan! Ikaw pa? Best boyfriend ka kaya! Wala ka pa ngang ginagawa sa company niyo, proud na ako! Paano pa kaya pag naging successful ka? Aba, magpapa-party ako!"

Siya pa 'rin ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Nagsumikap ako para maabot ang kalagayan ko ngayon.

Masaya ako dahil nasusuklian ko ang paga-alaga nina Mama at Papa sa akin. Masaya ako dahil sa natatamasa ko ngayon.

"M-ma, mama. M-ma."

Napatingin ako ng marinig ang boses ni Kath. Kumunot ako noo ko nang makita ko siyang umiiyak.

Pinunasan ko ang luha niya at hinawakan ang kamay niya.

Siya pa 'rin si Kath. Pinipilit maging malakas pero sa kaloob-looban, mahina.

Kailangan kong malaman kung bakit iniwan niya ako. Kailangan kong buksan ang isip kong tulog na tulog sa loob ng dalawang taon.

Aalamin ko kung bakit ako iniwan ni Kath.

---
Flashbacks po ang naka-italics. :)

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon