Chapter 9.

649 20 5
                                    

I'm sorry. May problem po email ko still can't activate my account. Baka biglang mawala account ko. My bad :( babawi po ako

Kathryn's POV

"Hindi bagay!"

"Bagay!"

"Baduy!"

"Baka iyong sayo!"

Napatakip ako ng tenga dahil sa sigawan ni Arisse at Chiena.

Nandito ngayon sila sa condo ko para bisitahin ako.

Ilang araw matapos ang pagpunta namin sa Palawan, naging normal na ang lahat. Nagbalik na sa malamig na pakikitungo sa akin si Daniel.

Kinalimutan niya na 'rin ang kanyang ginawang pagtulong at pag-aalaga sa akin nang mahimatay ako. Nagbalik na siya sa pagbibigay sa akin ng katambak na trabaho na kinasanayan ko.

Day-off ko ngayon. Oo, tama kayo. Wala akong trabaho ngayon dahil anim na araw lang every week ang working days ko. Sunday is my free day.

Kaya ngayon naman ay ginugulo ng dalawang babaeng ito ang buhay ko. Nag-aaway sila sa mga pinamili nilang damit na tinambak at kinalat sa sala ng condo ko.

"Bakit hindi na lang kasi kayo magpunta sa mga boyfriend niyo at sila ang guluhin niyo? Nananahimik ako!"

Pero parang wala naman silang narinig at nagpatuloy lang sa pagbabangayan. Napailing na lang ako. Titigil 'din sila.

Basta ako, may isusuot na ako mamaya! Mayroon kasing pinagusapan ang magbabarkada na mag-reunion at magkikita-kita mamaya. Kaya naman natataranta sina Arisse kakaisip ng isusuot.

**

Inayos ko ang suot kong jogger pants at halter top. Hinila ako nina Arisse papasok sa bahay ni Lester. 7pm ang usapan na magkikita sa bahay ni Lester.

Nang makapasok kami, agad namang sinalubong ng yakap nina Alex at Pat ang kanilang girlfriend.

"What took you so long?" Malambing na sabi ni Pat at ninakawan ng halik si Arisse.

Umiwas ako ng tingin at lumapit kina Les, Seth at Katsumi na nagtatawanan.

Nasa garden kami nina Les at mayroong nakahandang pagkain doon. May mga alak 'din na never nawala sa bawat celebration namin. Pansin kong wala pa si Daniel. Baka nasa trabaho pa iyon. At maya-maya pa makakadating.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagi-ihaw ng bbq. Masayang tawanan ang naririnig ko sa mga kaibigan ko na hindi na nagbago simula pa ng college.

"Pare! Ngayon ka lang?"

"Workaholic ka masyado!"

"Kaya pala tanda na ng mukha mo!"

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Daniel na kakadating lang. Nakatupi ang kanyang longsleeves hanggang siko na nangangahulugang kakagaling lang niya sa trabaho. Halata ang pagod sa kanyang mata pero mukhang naibsan nang makita ang kanyang mga kaibigan.

Kinuha ko ang bbq at sinerve ko na sa table. "Kain na guys!"

Napalingon naman sila sa akin. Agad na lumapit si Lester at hinawakan ang bbq para kumuha.

Pinalo ko ang kamay niya. "Gross! Gumamit ka nga ng tinidor!"

Binelatan niya ako. "Arte mo."

Isa-isa na silang nagkainan. Pansin kong wala pa si Daniel sa table kaya nilingon ko siya. Nakita kong nakatitig siya sa nagiisang bakanteng upuan sa tabi ko.

Tinapik ko si Seth na nasa tabi ko. "Palit tayo. Tabi kami ni Pamu."

Walang sabi-sabi ay tumayo ito at nagpalit kami ng upuan. Doon lamang umupo si Daniel. Pasimple akong ngumiti ng mapait.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa tawanan at kwentuhan ng mga kaibigan ko. Hindi ko 'rin masyadong pansin ang pagkain ko.

"Kath, ayaw mo na bang kumain? Konti pa lang nakakain mo." Sabi ni Pamu sa akin.

Nginitian ko siya. "Busog pa ako."

Bigla namang tumayo si Seth na may hawak ng empty coke bottle.

"Truth or Dare!"

At tumakbo na siya sa gilid ng pool kung saan may nakalatag na blanket. Sumunod naman kami sa kanya.

Nakapabilog kaming lahat. Nasa left side ko si Chiena at nasa right side ko naman si Pamu. Katapat ko si Daniel kaya palaging nasa baba lang ang tingin ko.

"Game!!!" Sigaw ni Kats at inikot ang bote.

Tumapat ito kay Arisse.

"Truth." Matapang na sagot ni Arisse.

"Kailan mo gustong magpakasal kay Pat?" Tanong ni Seth.

Lahat kami ay nakatingin sa kanilang dalawa at naga-abang ng sagot. Nabigla kami ng hawakan ni Pat ang kamay ni Arisse at itinaas ito.

"Soon. We're engaged!"

Nabalot ng hiyawan ang paligid. Lahat ay natutuwa dahil sa wakas! Ikakasal na sila. Nakangiti lang akong nakatingin sa kanila. I'm so happy.

Napansin ko namang nakatingin si Daniel sa akin. Nang makita ko iyon ay umiwas siya ng tingin.

Nagbalik na ang lahat sa pwesto at inikot muli ang bote. Tumapat ito sa akin.

Tumawa si Lester at nag- high five sila ni Kats.

What's with their evil smile?

"Lester, ano ba! Palabasin niyo kami dito!" Kalampag ko sa pinto.

Kaya pala iba ang ngiti ng mga loko dahil balak nila kaming ikulong ni Daniel sa isang kwarto.

"Hindi! Mag-usap muna kayo. Kung talagang wala na kayo, dapat may closure na. Kami nahihirapan sa inyo. O di kaya'y magkabalikan na lang kayo. Tanda niyo na uy!" Sigaw ni Seth sa labas.

Napahinga na lang ako ng malalim at lumingon kay Daniel na tahimik na nakasandal sa pader at nakayuko.

Lumapit ako sa kama at umupo. Wala naman kaming magagawa eh. Hindi naman nila kami palalabasin kahit na maglumpasay ako.

Matinding katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa magsalita si Daniel.

"So they want closure? Yeah. I guess. Basta ka na lang kasi umalis ng walang paalam. Basta ka na lang nang-iwan and then what? Sasabihin mo sa'kin na sawa ka na? Great." Sarkastiko niyang sabi. Ibinaling ko na lang ang ulo ko at nagpasyang manahimik.

Alam kong wala akong karapatang sumabatan siya dahil ako ang mali. Masaya kami at walang problema tapos bigla akong aalis? I know. Kaya handa akong tanggapin lahat ng masasakit na salita na ibabato niya sa akin. Handa ako.

"Two years kang nawala tapos bigla kang magpapakita? Bigla kang pupunta dito para ano? Balikan ako? Tapos iwan ako?" Seryosong sabi niya. Tinignan ko siya at nakita ko ang galit at hinanakit sa mata niya.

Umiling ako at pinunasan ang luha na nanggaling sa mga mata ko. "H-hindi ko gagawin iyon. Hindi k-ko alam na sayo pala ako magt-trabaho. W-wala akong a-alam."

Ginulo niyang ang buhok niya. "Shut it!"

Napatalon ako sa gulat. Hindi ako alam ang magiging reaksyon ko sa nakita kong mukha ni Daniel.

"May iba ba? May naging lalaki ka ba nung tayo pa? Sumagot ka Kath!"

Gulat na tumingin ako sa kanya. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang magmahal ng ibang lalaki habang kami pa ni Daniel. Kahit kailan hindi ko naisipi iyon dahil wala akong ibang makita kundi si Daniel. Si Daniel lang at wala ng iba.

"Aaminin ko, I tried to find out kung anong dahilan kung bakit mo ako iniwan. I'm stupid, right? But then again, I stopped. Dahil isa lang ang gusto kong mangyari. I want you out. Out in my life."

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon