Chapter 6.

555 11 0
                                    

Kathryn's POV

"Magkakaroon po kayo ng assembly with Mr. and Mrs. Gumabao sa Palawan for two days." Basa ko sa notepad ko.

Pinagsiklop niya ang dalawang kamay niya. "Anong assembly?"

Tinignan ko siya at bumaling sa notepad ko. "Assembly po para sa proposal ninyo sa park na itatayo sa resort nila."

Tumango siya. "You'll come with me. We'll leave within this week. Prepare the papers that will be needed for the proposal."

Napatingin ako sa kanya. "A-ko po? Sir, bakit po?"

Kumunot ang noo niya. "Isn't obvious? You're my secretary. Kailangan kung nasaan ako, naroon ka."

Kinagat ko ang labi ako at hinarap siya. Pakapalan na ito ng mukha. Curiosity kills. Ikamamatay ko at kung hindi ko malalaman ang ginawa niya kagabi.

Huwag madumi isip niyo. Yung pagbibigay niya ng cream ang ibig kong sabihin.

"Sir?" Tawag ko sa kanya.

Hindi niya ako hinarap sa halip hinarap niya ang papel sa mesa niya. "What?"

Pumula ang pisngi ko at biglang nakaramdam ng kaba. "Ano po, uhm. Salamat po sa cream. U-hh, yung sa kagabi po--"

"Ms. Bernardo. I'm a professional businessman. Kahit papaano tinatrato ko ng maayos ang mag empleyado ko. Hindi lang ikaw ang ginanyan ko. Don't expect more."

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa puso ko. Masama bang magpasalamat? Masama ba iyon? So kapag in-open ko, ibig sabihin naga-assume ako? Ganoon ba iyon?

"S-sorry. Uhh, may iu-utos pa po kayo?" Mahinang sabi ko.

OO NA. HINDI NA AKO MAGSASALITA. PURONG TRABAHO NA LANG.

Hindi niya ako tinignan. "Just go back to your desk."

Hindi na ako umimik. Dahan-dahan na lang akong umalis.

Basta ang alam ko, natagpuan ko ang sarili ko na naiyak bago pa isarado ang pinto.

Ang sakit ha.

Daniel's POV

"Good evening, Danilo." Niluwagan ko ang necktie ko at hinalikan sa noo si Mama.

Dumiretso kami sa Dining at nadatnan ko si Papa at Magui na naroon na para kumain.

Tatlo kaming magkakapatid. Si Ate Roanna, Ako at si Magui.

Kasal na si Ate Roanna at may anak na siya kaya kami na lang ni Magui ang nakatira kasama nina Mama.

Hindi naman malayo sa company ang bahay kaya hindi ko na kailangang mag-condo. At isa pa, ayaw ni Mama. Wala na nga 'raw si Ate Roanna dito sa bahay, aalis pa daw ba ako? Mama talaga.

"Kumusta ang company, iho?" Tanong ni Papa.

Hindi pa naman retired si Papa. Pero mas madalas na siya sa bahay kaysa sa company. Madalang na lang siyang bumisita sa company. Hindi ko naman kasi hinahayaang magka-problema ng malaki ang kumpanya namin.

"Maayos naman po. Nasa Palawan po pala kami this week. Kailangan kong asikasuhin ang proposal ko sa isang resort."

Tumango naman si Papa. "Magui, put down your phone. We're eating." Saway ni Papa sa kapatid kong babae.

Kumunot noo ko. "Hoy Magui, hindi porket madalas akong wala sa bahay, pwede ka ng mag-boyfriend."

Hinawakan ni Magui ang kamay ko. "Ate Kath is here in the Philippines, Kuya?"

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Eat."

Nag-pout lang siya at hindi na nagsalita.

Pinalo naman ako ni Mama. "Aray Ma!"

"Nako, Danilo. Sinasabi ko sayo ha, wag na wag kong malalaman na pinapahirapan mo si Kath sa trabaho. Tatamaan ka sa akin."

Nag-smirk ako. "Ma, propesyonal ho akong tao. At isa pa, wala namang dapat ipagalala. Hindi ako ganoon."

Dahil sa kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang makapasok ulit sa buhay ko si Kath. Hindi ko kailangan ng taong iiwan lang ako. Wala na siya sa akin. Walang-wala na.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon