Chapter 3.

565 10 0
                                    

Kathryn's POV

"Kapal ah! Bakit? Hindi ko ba kayang pulutin mga papel na 'to na ako lang? Hindi ko kailangan ng tulong niya! Pero kung makapagsalita kala mo nagpapapansin ako." Hinampas ko ang table ko. "AND FYI! Ano 'daw, hindi kama ang floor niya? Bakit tinatanong ko ba? Kainis!"

"Miss Bernardo."

Napatalon ako sa gulat. Luminga-linga ako para tignan kung nasaan si Daniel. Sht. Narinig niya?

"Miss Bernardo?"

Napatingin ako sa right ko. Yung speaker pala. Akala ko nasa likod ko siya.

Pinindot ko yung button at sumagot. "Yes, Sir?"

"Pakitimpla mo ako ng coffee."

"Okay, Sir"

Habang papunta ako ng pantry, nag-ring ang phone ko.

Si Arisse.

"Hello?"

"Hi Kath! How's work?" Kumuha ako ng coffee at nilagay sa coffee mixer na may water.

Habang hinihintay kong tumunog ang mixer, sumandal muna ako sa may sink at masinsinang nakipag-usap kay Arisse.

Umirap ako. "Okay lang? First day ko pa lang pero tambak na trabaho ang binibigay sa'kin!"

Tumawa siya sa kabilang linya. "Baka naman gumaganti sayo? Iniwan mo kasi noon."

Umirap ako. "Shut up."

"Chill, anyway.. Coffee tayo? We missed you!"

"Miss ko na 'rin kayo. Hayaan mo, dalawa lang ang meeting ng boss ko. Maaga akong mago-out. Sana wala siyang ipapagawa sa'kin."

"Okay, sana nga. Gosh, ibang klaseng boss naman niyang si Daniel ha? Siguradong matatawa si Pat sa pinaggagagawa ng mokong na 'yan."

Pat is Arisse' boyfriend. Since college, sila na. Bilib 'din ako sa dalawang 'yan. Getting stronger and stronger. I can't wait na ikasal sila. Iyan ang pinakahihintay kong mangyari sa kanilang dalawa.

"Ohh, Kath! I have to end this. May incoming call kay Pat. I'll see you later. Bye!"

Magsasalita sana ako peri agad niyang pinatay. Babaeng 'yun. Palibhasa inlove.

Pagkatunog ng coffee maker, binulsa ko ang phone ko at mabilis na kumuha ng tasa para ibuhos iyon.

Sa kasamaang palad, nabuhos ko ang kape sa kamay ko.

"Aray ko! Sht! Aaaaaah" Tinignan ko iyon at sobrang pula. Lumapit ako sa sink para hugasan ang kamay ko.

Ang sakit putek. Napakamalas na araw naman! Nung una, nasubsob ako... Ngayon naman, nabuhusan ng kumukulong kape. Ano pa susunod? Baka 'di ako umabot ng isang linggo dito. Burol agad aabutin ko. Mahal ko pa life ko.

Mabilis akong naglakad papunta sa office ni Daniel na hindi iniinda ang namumulang kamay ko.

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto ng office niya.

Nakatingin na naman siya sa papers niya kaya nilapag ko na lang ang kape sa tabi niya.

"May kailangan pa po ba kayo, Sir?"

Uminom siya sa kape niya at napatalon ako sa gulat nang iniluwa niya ito.

"S-sir, okay lang po ba kayo?"

"Miss Bernardo! Is this a coffee or water?"

Nanlaki ang mata ko. "P-po?"

"Bakit ang tabang?"

"S-sorry po! Papalitan ko na lang po."

Akmang kukuhanin ko ang kape pero pinigilan niya ako.

"No! It's okay. Just go."

Tumango ako at mabilis na lumabas sa opisina niya.

Epic na naman. Kausap ko kasi si Arisse kanina kaya hindi ko nabigyang pansin yung kape na tinimpla ko. At isa pa, wala akong alam sa kusina. Usually, si mama ang nagtitimpla na coffee ko or minsan, bumibili ako ng 3-in-1. Kaya 'di ako marunong.

Makapag-search 'nga mamaya.

Napansin ko na naman ang kamay kong pulang-pula.

Kinalkal ko ang cream ko sa bag pero hindi ko mahanap. Hindi ko dala? Oh god!

Dali-dali kong kinuha ang wallet ko para bumaba saglit at maghanap ng malapit na drugstore ng biglang bumukas ang pinto ni Daniel.

"Where are you going, Miss Bernardo?"

Binitawan ko ang wallet ko at tumayo.

"May bibilhin lang po sana ako."

Inayos niya ang necktie niya. "It's not yet lunchbreak. Anyway, come with me. Nasa conference room na ang mga investors. Bring that papers."

At nauna ng naglakad sa akin. Pakshet. Pinapahirapan ba ako nito?

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon