Chapter 11.

656 19 10
                                    

Kathryn's POV

Flashback:

"Last christmas, I gave you my heart!! Yeah!! But the very next day, you gave it away!!" Kanta ko habang tinatanaw ang view ng Taal Volcano. Christmas Vacation na at sinama ako nina Tita Karla dito para daw makapagrelax kami dahil sa super duper stress na happenings sa school.

Naramdaman kong may yumakap sa likuran ko. Napangiti ako dahil alam ko kung sino iyon.

Tahimik lang kaming tinatanaw ang view hanggang sa binali ko ang katahimikan.

"Nag-wish ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.

Hinalikan niya ang buhok ko at mas niyakap ako ng mahigpit. "Naman! Ikaw?"

"Oo naman! Anong wish mo?" Tanong ko sa kaniya habang inilalagay ko ang kamay ko sa braso niyang nakayakap sa akin.

"Ikaw." Hindi ko mapigilang mapangiti. "Sana forever na talaga tayo." Naramdaman kong natawa siya sa ka-cornyhan niya.

"Wala naman kayang forever." Biro ko.

Pinaharap niya ako sa kanya. Hinalikan niya ang ilong ko. "Meron. Pero sa atin lang. Merry Christmas Georgina, I love you."

"Merry Christmas, Ivan. I love you too."

*END*

Mabilis na nagdaan ang araw at pasko na nga. Maaga akong nagising upang makausap sa skype sina Mama at Papa. Naiyak ako dahil miss na miss ko na sila. Masaya ako dahil okay na ang lahat. Maayos na si Mama. Okay na ang business namin. Okay na ako roon, masaya na ako.

Tinawagan ako nina Arisse at sinabing mag-ggrocery kami ngayon at sama-samang magpapasko dahil lahat ng parents namin ay malayo sa amin. Since college ganoon na ang nakakagawian namin. Pero syempre, mas madalas pa 'rin naman iyong kasama namin ang pamilya namin. Ngayon lang talaga kami nagpasya na magkasama ngayong pasko dahil matagal din kaming hindi nakapag-bonding.

"Cheese? Ano pa ba?" Tanong ko kina Arisse. Balak ko sanang magluto ng lasagna. Request nila iyon dahil matagal na daw nang huli ko silang ipagluto. Napagpasyahan din nina Chiena At Pamu na magbake ng cookies habang si Arisse naman ay siya nang bahala sa dinner namin.

"Okay na iyan. Let's go." Aya nila sa counter. Napagpasyahan namin na sa condo ko na lang kami magce-celebrate ng pasko. Overnight, food trips & many more na sobra kong namiss na gawin kasama ng mga kaibigan ko.

Alam ko kasing pagkatapos ng pasko, magiging abala na si Arisse sa kasal nila ni Pat. Kaya nga lahat ginagawa namin para maisingit sa work ang bonding namin dahil baka hindi na namin ito magawa before ng wedding ni Arisse.

"Nako, ipu-push ko talaga ang party bago ang kasal ni Arisse!" Singal ni Pamu habang naglalagay ng chocolate chips sa kanyang cookies na ginagawa.

Napailing na lang ako sa kalokohan ng pervert kong kaibigan. "Mag-boyfriend ka na kasi." Biro ko.

Hinampas naman niya ako. "Ayaw ko! Mas gusto ko ang nagbo-boy hunting. Sakit sa ulo iyang mga lalaki!"

Natawa na lang kami sa kanya at nagsimula na namang magluto. We have to make it before midnight.

"Finally! Tapos na tayong mag-prepare!" Nag-high five kaming lahat at nagsimulang kumuha ng pictures sa food na inihanda namin.

"Girls, bihis muna kaya tayo? It's already 10pm. Mamaya countdown na?" Suggest ni Chiena.

Isa-isa kaming nagsiligo at nagsuot ng kanya-kanyang damit. Pinili kong magsuot ng isang puting laced dress above the knee at vans. Nagsuot din kami ng friendship bracelets. Cartier.

Hindi ko 'rin kinalimutan na uminom ng gamot para hindi ako sumpungin. Paskong-pasko, ayaw kong abalahin ang mga kaibigan ko. Masyado nang madaming oras ang naabala ko sa kanila nang mangyari iyon. Ayoko ng maulit iyon. Kaya nangako ako sa kanila na aalagaan ko ang sarili ko.

Nagstay muna kami sa may sala at nagkwentuhan habang kumakain. Maya-maya ay narinig na naming nagsisimula na ang mga nagpuputukang fireworks.

"Merry Christmas!!!!" Kanya-kanyang bati, yakapan, halikan at kung ano-ano pa ang ginawa namin nang sumapit na ang 12 midnight.

Pagkatapos kumain ay naging abala ang mga kaibigan ko sa kanilang mga cellphone para bumati. Nagmessage ako sa pamilya ko sa facebook. Hindi ko 'rin kinalimutang batiin ang pamilya ni Daniel at iilang kaibigan ko mula sa States at syempre sina Lester na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakusap magmula nang magpunta kami sa kanila. Nangako ako na isang araw ay kakain kami sa labas para makapagbonding na matagal 'din naming hindi nagawa.

Nabigla ako nang may tumawag sa akin. Nakita kong unregistered number ang naroon. Alangan man ay sinagot ka pa 'rin ito.

"Merry Christmas, Georgina"

Naiyak ako ng marinig ko ang boses ni Daniel sa kabila. Matagal na panahon na 'rin mula nang tinawag niya ako sa second name ko. Kami pa noon. Sa mga nangyari, alam ko sa sarili ko na siya parin. Kahit malamig ang turing niya sa akin, kahit ayaw niya ako... siya parin. Sana mabago ko ang fact na gusto niyang umalis na ako sa buhay niya. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana hayaan niya muna akong ipaintindi sa kanya ang mga nangyari sa loob ng dalawang taon. Sana pwede pa.

"Merry Christmas, Ivan."

————

Ano kayang meron kay Kath? Bakit siya umiinom ng gamot? Bakit sumasakit tagiliran niya? Comment niyo! Share niyo sa akin Hihihi ♥

May new story ako. "Art of Possession" sana basahin niyo :) KathNiel din! 😋 Thanks! Mwa!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon