CHAPTER 1

17 1 0
                                    

SEBASTIAN’S P. O. V.

‘Omg! Siguro siya na yung bagong prof dito sa university?ʼ

‘Oo nga, kaso lang mukhang masungit at istrikto ‘te!ʼ

‘Medyo nakakatakot nga ang aura ni sir!ʼ

Ilan sa mga bulong-bulungan na narinig ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate ng unang paaralan na aking papasukan as a professor.

What should I expect?

I’m on my way now to my advisory class. I am expecting na maaga ang lahat ng estudyante ko ngayon dahil unang araw ngayon ng pasukan. Bago muna ako pumasok sa room ay tumanaw muna ako sa pinaka-baba ng building, ang advisory class ko ay nasa 4th floor, wala ng mga taong pakalat kalat sa baba dahil malapit ng magsimula ang oras ng klase. May five minutes pa before class. Akmang aalisin ko na ang pagtanaw ko sa ibaba ng mapukaw ng atensyon ko ang isang babaeng estudyante na tumatakbo, hingal na hingal siyang tumanaw dito, at sa di inaasahan ay nagtama ang paningin namin na agad ko naman iniiwas. Hindi ko namalayan na nakatitig na akong muli sa kaninang kinatatayuan ng babae. Nang matauhan ako ay agad na akong pumasok sa classroom.

.
.
.
.

“SHARMAINE VILLANUEVA!”

“Present, sir.” Kasalukuyan akong nag-a-attendance ngayon ng mapansin kong halos lahat ay natawag ko na ngunit may isa pa dito sa class list ko ang wala, madali ko lang mapansin iyon dahil madali akong mag-familiarize.

“ROSEMAR------”

“PRESENT SIR!” Malakas na sigaw nung Rosemarie kuno habang hingal na
hingal na nakatuon sa kaniyang mga tuhod at nagpupunas ng pawis gamit ang likod ng kanyang kamay.

ROSEMARIE’S P. O. V.

“HOY, BULAKLAK BUMANGON KA NA DIYAN ANONG ORAS NA?!
UNANG ARAW NA UNANG ARAW NG PASUKAN MALA-LATE KA NA
NAMAN!” Sigaw ni mama kaya agad akong napakusot ng mata, sinulyapan ko ang orasan para tingnan kung anong oras na ganun na lamang ang panlalaki ng aking mata ng makitang 6:30 na. Agad akong napabalikwas ng bangon at dumiretso ng CR para maligo. Mabilisang pag-ligo lang ang ginawa ko, dahil anong oras na. Pagkasuot ko ng uniform na pangschool ay patakbo na akong bumaba ng hagdan, muntikan pa
akong madulas mabuti na lang at nakontrol ko ang aking katawan.

“WALA KA TALAGANG MARARATING SA BUHAY MO KUNG GANYAN
KA LAGING BABAITA KA! WAG KA NG MAG-AL-------

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni mama, paniguradong masasakit na naman na salita ang ibabato niya sa akin. Hindi na ako nag-almusal sanay na naman ako sa gan’on, sermon pa lang ni mama busog na busog na ‘ko. Haha.

Mabilis akong naglakad mabuti na lang at walang gaanong sasakyan kaya
nakatawid ako ng mabilis sa kalsada, walking distance lang naman ang school mula sa bahay namin… 6:45 na…

Patakbo na ang ginawa ko hanggang sa nasa gate na ako ng school namin.
Nakangiti akong papasok sana sa loob ng bigla akong pinahinto ng guard. 6:50 pa lang naman ah may ten minutes pa. So, hindi pa ‘ko late!

“I.D. mo?” Ay sheyt kinapa ko ang sarili. Malas naman, oh! bakit ngayon pa? Agad kong binuksan ang bag ko at nagbakasakaling nasa bag ko iyon, laking pasasalamat ko ng nasa bag ko nga.

Ayan sige puyat pa self!

Hingal na hingal muna ako huminto at tinanaw ang hallway sa may room namin, agad namang bumilis ang tibok ng puso ko na may matanaw akong isang nilalang na sobrang gwapo. Sheyt! Tao pa ba siya? Sa hindi inaasahan nagtama ang paningin namin, kaya agad siyang nag iwas ng tingin. Dahil sa kahihiyan ay patakbo na akong umakyat sa building namin ilang floor pa ang tatakbuhin ko. Nakakainis naman kase, nag-alarm naman ako eh! Pero bakit hindi tumunog yung alarm?!

“PRESENT SIR!” Pasigaw kong sabi pagkapasok na pagkapasok ko ng room
dahil narinig ko na ang Rose. Ako lang naman kase sa amin ang may Rose sa name. Oh, diba! Sanaol, unique.

“Sorry po sir, I’m late.” Nakayukong pagpapaumanhin ko dahil sa hiya, halos
lahat kase ng classmate ko nakatingin sa akin.

“It’s alright, you’re just on time… you may now take your seat.” Agad akong
napa-angat at ngumiti nawala rin iyon at napalitan ng gulat bakas din sa mukha niya ang gulat. Siya yung nakita kong lalaki kanina muli na naman kaming nagkatitigan, kaya mabilis pa sa alas-kwatrong humanap ako ng upuan, sakto namang nakita ko si Joseph, ang bakla kong kaibigan. May bakante pang upuan kaya doon ako umupo, napalingon naman sa akin si Joseph at ngumiti. Inirapan ko lang siya, dahil wala ako sa mood ngayon para makipag-ngitian. Pero ang cute niya kapag ngumiti. Nagpapakita kase yung isa niyang dimple sa kaliwang pisngi niya. Naku! Kung hindi lang siya bakla, baka mapagkamalan kong nag-pa-pa-cute siya sa’kin. Pero, yak,
iwww, kadorti, di kami talo! Pero infairness mga dzaii ang gwapo niya ngayon. Oh! Well, ewan ko ba sa baklang ‘to mas piniling masira ang lahi nila, ang gwapo niya pa naman sana…

Napatingin muli ako kay sir pero ngayon iba na ang tingin niya mukhang galit na siya… anyare? Parang kanina lang ang kalmado niya ah. Nginitaan ko na lamang siya, yung akward na ngiti, basta, tapos bigla niya na akong inirapan, luh, attitude ka sir? Napasinghap naman ang mga kaklase ko at agad nabaling sa akin ang tingin
nilang nagtataka.

OMYGASHHHHH! Baka ma-issue na naman ako nito. Agad ko na lang din silang nginitian, laking pasasalamat ko ng tumikhim si sir. Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko kapag naririnig siya?

“Good morning.” Malamig na malamig, mas malamig pa sa yelong pag kakasabi
ni sir. At ang weird sa feeling mga ‘te, dahil ngayon lang nagtaasan ng ganito ang mga balahibo ko.

“G-Good morning, sir!” Utal utal na pagbati nila, natakot din siguro kay sir. Yes, nila. ‘Di ko na kase magawang ibuka ang bibig ko ano na bang nangyayari sakin nagiging abnormal na ‘ko. Himala sobrang tahimik, tanging ingay na lang yata ng electric fan at tunog ng mga nagsasayawang puno sa labas ang naririnig namin. Feeling ko ang lutang lutang ko ngayon.

“I’m Professor Sebastian Kleo Montereal, you can call me Prof or Prof Montereal.” Nang magpakilala siya ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko. Bigla namang napatingin sakin si Joseph.

“Hoy, sis, ok ka lang ba? May sakit ka ba? Ano sumagot ka? Mamamatay ka
na ba?” Naku naman kung may paligsahan sa pagiging OA na BFF naku baka nanalo na ang isang ito. May pahawak hawak pa siya sa noo ko, pinunasan na rin niya ako ng pawis. Pero bigla na lang akong nakaramdam ng hilo ng biglang sumakit ang tiyan
ko, kaya napahawak ako sa kamay ni joseph na nasa noo ko.

“You two at the back! What do you think you’re doing?! Sa loob pa talaga ng klase ko kayo naglalandian!” Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si sir, kaya naman lahat ng kaklase ko ay nagtinginan sa amin. Ano ba naman ‘to si sir?! Napakamaling akala. Kami ni Joseph naglalandian? Biglang para bang tumunog ang tiyan ko dahil sa naiisip kong yun, yakkk!

“Eh, prof, mukha po kaseng masama ang pakiramdam ni Marie-----” agad ko
namang pinutol ang sasabihin ni Joseph, nang biglang mandilim ang paningin ko.
Hindi na maganda ito kailangan ko ng pumunta sa clinic.

“Sir, baka pwede pong pumunta muna ako ng clinic, nahihilo po kasi-------” Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong natumba naramadaman ko namang may sumalo sa akin. Bigla talagang nandilim ang paningin ko.

“Class, gawin niyo na ang nakasulat sa board. I will just bring Ms.
Bugambilya to the clinic. Kapag time na pumunta na kayo sa next subject niyo at paki-excuse si Ms. Bugambilya, dahil may sakit siya. Is that clear?” Natigilan
na lang akong napatitig sa mukha ni sir na sobrang lapit sakin hindi ko namalayang siya pala ang nakasalo sakin oh diba sanaol sinalo ang bilis niya naman yata parang kanina lang nasa harapan siya eh. Bigla na namang nagtambol ang aking puso. OHMYGASHHH, mamamatay na ba ako?!

TO BE CONTINUED..........

✍︎✍︎✍ By: CN-writes

My Future Engineer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon