CHAPTER 5

3 0 0
                                    

ROSEMARIE'S P. O. V.

Hindi pa kami nakakalabas ng pintuan ng bahay nila ay, binawi ko agad ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Na agad naman ulit niyang hinawakan.

"Sir, dito na lang po tayo kumain." Agad namang nag-igting ang panga niya sa sinabi kong iyon.

"No. We're not going to eat here. Baka mamaya kung ano pang lason ang inilagay ng babaeng 'yan sa pagkain." Matigas na sabi niya at sinulyapan ng matalim ang nanay niya.

"Grabe naman kayo magsalita, sir. Nanay niyo pa rin naman siya. Ang

suwerte mo nga eh, kase may ganyan kang ina. Eh ako? Pinalayas nga ako sa amin eh." Hindi pa rin siya nagpatinag.

"Sige na kase, sir! Kung hindi tayo dito kakain, hindi na lang ako kakain. Kapag hindi ako kumain, malilipasan ako ng gutom. Kapag nalipasan ako ng gutom, sasakit ang tiyan ko. Tapos baka magka-ulcer na ako. Kapag nagka ulcer ako, baka mabutas ang tiyan ko. Kapag nabutas ang tiyan ko, mag kakaroon ako ng cancer sa stomach. Kapag nagkaroon ako ng Cancer, kakalat sa buong katawan ko yung cancer. Tapos kapag lumala yung cancer, matetegi boom boom na ako. Gusto niyo ba iyon sir?" Pangongonsensiya ko sa kanya. Tumingin pa siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Sige dito ka kumain, ako na lang ang kakain sa labas." Pagkasabi niya nun

ay, akmang pipihitin na niya ang door knob, nang pigilan ko ulit siya.

"Hindi naman yata maganda yun, sir. Para sa inyo yung mga niluto ng nanay niyo eh. Kapag hindi ka kumain dito, hindi na ako kakain habang-buhay." Malalim siyang napabuntong hininga. Tsaka niya hinarap ang nanay niya.

"Fine. Dito kami kakain. But that doesn't mean na ayos na tayo." Pagkasabi niya nun ay hinila niya ulit ako, papunta sa dining area yata ito. May mahabang lamesang may napakaraming pagkain.

"Meron po bang may birthday? Hehe!" Halos pabulong kong tanong, habang pa-upo sa upuan.

"Walang may birthday ngayon, hija. Ngayon na lang kase umuwi ulit------

"'Wag ka ng magtanong nang magtanong, kumain ka na!" Pag-putol ni sir sa sinasabi ng mama niya. Ang bastos naman nito ni sir, nagsasalita pa yung tao eh.

Akma namang magsasalita ulit yung nanay ni sir, nang biglang may tumawag sa cellphone niya.

"Hmm... May importante lang akong pupuntahan, kaya kailangan ko

munang umalis. Kayo na muna ang bahala rito." Pagkasabi niyang 'yon, ay bumeso siya sa akin.

"Just leave." Malamig na pagkakasabi ni sir, nung bebeso din sana sa kaniya ang mama niya.

"Ingat po kayo!" Pahabol kong sabi.

----------------FAST FORWARD---------------

Mag-gagabi na pero wala pa rin ang nanay ni sir.

"Sir-----" Pag-basag ko sa katahimikan. Nandito kami sa sala ngayon.


Tutok na tutok si sir sa laptop niya, habang ako nagbabasa ng libro na nakuha ko sa bookshelf nila.

"I said, 'wag mo na akong tawaging 'sir'" Seryosong sabi niya habang di pa rin inaalis ang tingin sa laptop niya.

"Eh, anong itatawag ko sa'yo? Kleo?" Bigla naman niyang natigilan. May

nasabi ba 'kong mali? Pero sumagot din siya.

"Sebastian!"

"Bakit ayaw niyo po sa 'Kleo'? Eh mas madali pong banggitin yung Second

name niyo kaysa dun sa 'Sebastian' ang haba!" Reklamo ko. Pero di na siya nagsalita ulit.

Sabi ko nga Sebastian.

"Sebastian... Bakit parang ang laki ng galit mo, sa mama mo? Ang bait-bait

naman kase tingnan ng mama mo, parang hindi makakagawa ng kasalanan." Haist. Bakit ko ba 'to tinatanong, nakakahiya. Baka sabihin ni sir na pakielamera ako.

"Because of her, I lost someone important to me. At hanggang ngayon hindi pa rin siya nakikita."

"Mas mahalaga pa po ba yung taong 'yun, kaysa sa sarili mong nanay?"

Tanong ko pero nanatili lang siyang nakatutok sa laptop niya.

Bigla namang may tumawag sa cellphone niya, pero saglit niya lang tinapunan ng tingin ang cellphone tapos binalik niya na ulit ang tingin niya sa laptop. Wala ba siyang balak sagutin yung tawag? Nag-ring ulit, nakita ko na ng malinaw kung sino ang natawag. Yung mommy niya. Pero tiningnan niya lang ulit. Paano kung importante pala yung tawag? Tapos hindi niya sinasagot. Hindi na lang ulit ako nag-salita at nagbasa na lang ulit ng libro, baka sabihin niya sobra na kong nange -

ngealam.

Mga tao nga naman, mas mataas pa yata sa presyo ng bigas ang pride. Hindi marunong magpatawad. Hay! Kung ako yun... Kung tatawagan ako nina mama, at sabihing umuwi na ulit ako. Uuwi ako. Hindi pa sila nag-so-sorry pero forgiven na sila.

Napa-buntong hininga na lamang ako.

"Basta, sir. Kahit ano pong ginawang kasalanan ng nanay niyo sa inyo, nanay niyo pa rin siya at lahat ng tao deserving na patawarin, lalo na kung sincere naman yung tao na bumawi. At sigurado rin po ako na makikita niyo rin yung hinahanap niyo. Alam niyo, sir. Sobrang liit lang ng mundo, kaya hindi malabong nagkita na pala ulit kayo. Baka nga po nasa malapit na lang po yung hinahanap niyo eh. Parang yung suklay po namin sa bahay, kung saang-saang sulok ng bahay ko na po hinanap, nasa buhok ko lang pala. Hehe." Pero, what if, sir? Ako pala talaga yung hinahanap niyo? Charot.

'Telelet-telelet-wawayuy-wawayuy-ayie-yah-ieyayy~ I'm your little butterfly~~~' Nagulat naman ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Pati si sir napatingin. Sareh, sareh. Hahaha.

Tumatawag si mama!!!

➪TO BE CONTINUED..........

✍︎✍︎✍ By: CN-writes

My Future Engineer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon