SEBASTIAN’S P. O. V.
F*ck! What the hell is happening to me?! It’s very unusual for me to act this way, dahil kay mommy lang ako ganito kalala mag-alala.
I’m here at the Hospital. Oh, yes Hospital! Hindi ko namalayan na naisakay ko pala siya sa kotse ko at nakapagmaneho ako papuntang Hospital.
-------------------FLASH BACK------------------
Hindi ko alam, pero tila ba huminto ang oras, habang pinapanood ko siya na pinupunasan niya ang sarili niya at nililipad naman ng hangin ang kaniyang mga buhok.
Pero laking gulat ko na siya yung babae na nakita ko kanina, muli na naman
kaming nag katitigan but this time siya na ang naunang umiwas at madaling nag - hanap ng upuan.Bigla ko na lamang naikuyom ang aking kamay ng mapili niyang umupo katabi
nung Joseph, if I’m not mistaken. Nag-ngitian pa sila na ikinasama ng mukha ko.Wait, why am I feeling this way?! Muli siyang tumingin sa gawi ko maging ang
mga estudyante ko ay nasa akin ang atensyon. Pero siya lang ang tanging nakakuha ng atensyon ko.Do I like her? ‘Oh, she’s your student, Seb! Mariing ipinagbabawal ang Teacher-Student relationship! At saka may hinihintay ka pa diba?’ but she seemed very familiar to me, napairap na lamang ako sa aking iniisip.
Nag-singhapan naman silang lahat, na mariin kong ikinapikit.
Nagpakilala na lamang ako sa kanila. Sa hindi inaasahan bigla na namang muling napadako ang mata ko sa kanila, pinupunasan na nung Joseph na yun si Rose.
“You two at the back… What do you think you’re doing?! Sa loob pa talaga ng klase ko kayo naglalandian!” Sabi ko na nagpatigil naman sa kanilang ginagawa.
“Eh, Prof, mukha po kaseng masama ang pakiramdam ni Marie-----” What? Bakit pa siya pumasok kung masama pala ang pakiramdam niya?
“Sir, baka pwede pong pumunta muna ako ng Clinic nahihilo po kasi-------” Di na natapos ni Rose ang sasabihin niya ng muntikan na siyang matumba, buti na lang nasalo ko siya agad.
“Class, gawin niyo na ang nakasulat sa Board, I will just bring Ms. Villa to the Clinic… kapag time na pumunta na kayo sa next subject niyo at paki-excuse si Ms. Villa dahil may sakit siya… Is that clear?” Ramdam kong natigilan siya sa aking ginawa. Binuhat ko siya ng walang alinlangan palabas ng classroom.
--------------END OF FLASHBACK-------------
“SIR!” Napabalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang pag-sigaw ni Rose.ROSEMARIE’S P. O. V.
“Sir!” Tawag ko kay Prof. dahil nakatingin siya sakin.
“Sir!” Muli kong tawag dahil ‘di siya umiimik at titig na titig lang sa’kin. May dumi ba ‘ko sa mukha?
“SIR!” Pasigaw ko tawag sa kanya, dahilan para matauhan na siya.
BINABASA MO ANG
My Future Engineer
RomanceRoses are red Violets are blue You're my professor but I can call you my Boo. Roses are not all red Violets are never be blue Gusto kong maging Engineer pero kung di papalarin... maging future na lang ng Engineer. (Date Started: July 21, 2022 Date...