ROSEMARIE’S P. O. V.
Nagising ako sa isang malambot na kama, sa sobrang lambot parang gusto ko na lang mahiga at matulog habambuhay. Charot!
Inilibot ko ang aking tingin sa buong kwarto. Shala! Kuwarto na pang Prinsesa. Naalala ko ang nangyari kanina bago ako mawalan ng malay, siya na ba talaga ang totoo kong nanay? Kung ganun, ibig sabihin dito na ‘ko titira? Wow! Parang naging instant richkid ako ah.
Napukaw ng atensyon ko ang dalawang litratong nakapatong sa cabinet na katabi lang ng kama. Ang isa ay isang solong litrato ng batang babae, pinagkatitigan ko ito ng mabuti dahil parang pamilyar.
Teka, ako ‘to ah?!
Nabaling naman ako sa isa pang picture ko nung bata na may kasama namang
batang lalaki. May kapatid ako? Sana makasundo ko siya. Pero parang ayaw
tanggapin ng sarili ko na kapatid ko itong lalaki na ito. Ang weird. Ilang minuto ko pa itong pinagkatitigan, bago ko naisipan na magpalit ng presentableng damit. Siyempre ‘di naman pwedeng habang buhay ako dito sa kwarto, kaya lalabas ako. Sa kwarto pa lang ang ganda-ganda na. Paano pa kaya yung buong bahay? Baka nga mansyon na ‘to eh.Nang makatapos akong magbihis, ilang beses pa akong huminga ng malalim bago mapihit ang door knob ng pinto. Ahhh! Parang ‘di ko pa kayang lumabas… Naupo na lang muna ako at sumandal sa may likod ng pinto.
Narinig ko naman na may paparating na yabag. May narinig din akong bumukas
na pinto. Akala ko naman dito papunta.“Sige na naman anak! Minsanan ka na lang din umuwi dito. Kahit ngayon
lang, ipinagluto pa naman kita ng paborito mong mga pagkain…” Tumayo ako at sumilip sa silipan ng pintuan, may katapat pa na kuwarto itong kuwarto kung nasaan ako, magkatapat din ang pintuan ng mga ito. Nakita ko yung ginang na nakakita sakin sa may kalsada, nakasunod siya sa lalaking hindi ko na nakita ang mukha nakatalikod na kase ito at papasok na ng pinto.“You know how much I hate you, Mom! Kaya kahit ano pa yang ibigay mo sa'kin wala na akong pakealam! Just stop bothering me!” Naiinis na sigaw nung lalaki, susunod na rin sana papasok ng kwarto yung ginang, pero bigla niyang pabagsak isinara ang pinto. Napakasama naman ng ugali ng lalaking ‘yon, pasalamat nga siya ang bait-bait ng nanay niya eh.
“Anak naman! Kahit ngayon lang, sigurado akong matutuwa ka sa regalo ko sa’yo ngayon!” Mahinahong sambit ng ginang kahit naiyak na siya. Hinintay niya pa na sumagot yung lalaki, pero ilang segundo na din ang nakalipas ay wala ng nagsalita pa. Kaya humakbang na siya paalis, pero binalingan niya muna ng tingin ang pintuan ng kwarto kung nasan ako, kaya mabilis akong napabalik sa pagkaka - upo. Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ang papalayong yabag nito.
Mamaya na lang siguro ako lalabas? Kaso baka kailangan ng taga-comfort nung babae eh. Bigla naman tumunog ang tiyan ko dahil siguro sa gutom, sign na siguro ‘to para lumabas ako, grabe namang sign ‘to. Final na talaga, lalabas na ko. Pagbukas ko ng pinto ay sakto ring pag bukas ng katapat nitong pinto.
“Sir?!” Gulat pero mahina kong sabi na sapat lang para marinig niya. Nagulat din siya, pero agad din nagseryoso ang mukha niya.
Wait siya ba yung lalaki kanina? O to the M to the G! Kung totoo kong nanay
yung babae kanina, ibig sabihin magkapatid kami? No! Hindi! Ayoko! Buti di ako umamin kay sir na may crush ako sa kanya, huhu!From crushicakes to kapatid. Real quick.
“What are you doing here…?” Kunot noong tanong niya. Bakit parang ayaw
niya ‘ko dito.“Especially, in that room? You’re not supposed to be in that room. I am not
allowing anyone to enter that one!” Seryoso niyang tanong, na para bang nagawa ko ang pinakamasamang bagay sa mundo.Sasagot na sana ako ng bigla na namang tumunog ang tiyan ko, panira naman nakakahiya.
“Did you skip your meal again?” Inis niyang tanong.
Ang lala naman ng mood swings ni sir, nung una gulat, tapos biglang nagalit,
tapos ngayon nag-aalala na naiinis. Ang hirap na talaga intindihin ng lahat ng tao.“Hehe. May nangyari po kase kahapon sir eh, mahabang kwento po.”
“Drop that ‘sir’ and ‘po’, I’m no longer your teacher. Just stay here and wait
for me, I will just change my clothes, kakain tayo sa labas.” Bakit sa labas pa? Hindi ba niya narinig yung sinabi ng Mommy niya kanina, ipinagluto daw siya diba?Sinunod ko na lang ang sinabi niya, ilang sandali lang ay lumabas na ulit siya ng kwarto. Nagulat pa ko nung hawakan niya yung kamay ko. Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod naman ako.
Napanganga na ko, dahil nakita ko na ang kabuuan ng bahay nila grabe ang ganda! Napapanood ko lang sa mga TV yung mga ganitong tipo ng bahay eh, ngayon nakikita ko na sa personal.
Nang makababa kami ng hagdan ay sinalubong kami ng nanay ni sir.
“Jasmine, anak, gising ka na pala!” Nakangiting sabi ng nanay niya, mas lalo pang lumawak ang ngiti niya ng dumapo ang tingin niya sa kamay namin ni sir na magkahawak. Kaya naman tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakahawak ni sir.
“Sigurado akong gutom ka na, halika madami akong niluto----”
“We are not eating here, let’s go!” Putol ni sir sa sasabihin ng nanay niya, at muling hinawakan ang kamay ko, bigla niya naman akong hinila dahilan para mapabitaw yung mama niya sa pagkakahawak sa braso ko.
➪TO BE CONTINUED..........
✍︎✍︎✍ By: CN-writes
BINABASA MO ANG
My Future Engineer
RomanceRoses are red Violets are blue You're my professor but I can call you my Boo. Roses are not all red Violets are never be blue Gusto kong maging Engineer pero kung di papalarin... maging future na lang ng Engineer. (Date Started: July 21, 2022 Date...