CHAPTER 3

5 1 0
                                    

ROSEMARIES’S P. O. V.

Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang eksena namin ni mama sa hospital. Dahil nga pinalayas ako ni mama, hindi ko pa kayang umuwi sa bahay, papalamigin ko muna ang ulo ni mama bago ako umuwi sa bahay.

Inalok pa nga ako ni sir, na kung gusto ko daw ay doon muna ako sa kanila
tumuloy dahil wala naman daw kasama ang mommy niya sa bahay nila, pero
tumanggi ako. Siyempre may hiya pa rin naman akong natitira sa katawan ko.
Nakakahiya kaya ma-meet ang future mother-in-law mo na sobrang haggard ng itsura mo, charot!

“Mariesissy! Bumangon ka na diyan anong oras na oh!” Malakas na sigaw ni Joseph sa umaga, Josephine sa gabi, mula sa labas ng kwarto, na sinabayan niya pa ng malakas na pagkalabog sa pinto. Hinayaan ko lang siya, masira niya sana ang pinto, oks lang yan pintuan naman nila yan eh, palitan niya na lang pag nasira, gusto niya ‘yan eh.

Nandito ako sa bahay nina Joseph. Dito ako nagpahatid kay sir, pero hindi ko
sinabi na bahay to nina Joseph. Baka kase ma-issue, parang ang laki-laki pa naman ng galit ni sir kay Joseph. Dito ako sa bahay nila napunta kapag pinapalayas ako ni mama, tapos uuwi lang ako pagkatapos ng isang linggo. At ayos lang din naman sa mama niya, sabi nga ng mama niya kahit dito na daw ako sa bahay nila tumira at nag-aalok pa na magpaampon na daw ako sa kanya, pero tutol naman si Joseph sa suhestiyon na yun ng mama niya, ewan basta sabi niya ayaw niya daw akong maging kapatid.

Pero sana ganun din ang mama ko, mabait.

Hindi ko nga alam kung uuwi pa ba ako sa amin o hindi na? Hindi ko din alam kung dapat ba akong maniwala kay mama sa sinabi niya, na hindi niya daw ako anak. Pero ayaw kong maniwala. Galit lang naman si mama nun, baka dahil sa sobrang galit, hindi niya na nalalaman ang mga lumalabas sa bibig niya.

Pero paano kung totoo nga? Sino naman ang totoo kong mga magulang? Paano naman ako napunta kay mama? Bakit hindi ko kasama yung totoo kong mga magulang? Totoo ba yung inaasar nina ate sa akin dati na, napulot lang ako sa tae ng kalabaw?

Hays, bahala na, tatanungin ko na lang ulit si mama mamaya pag uwi ko. Buo na ang desisyon ko. Uuwi ako.

Hindi pa rin tumitigil sa kakakalabog ng pinto si Joseph.

“Hoy, Hosepina! Tigilan mo na yan, lagot ka talaga sa nanay mo kapag nasira yang pinto!”

“Pinapagising ka na ni mama, bumaba ka na daw at mag-almusal!” Pasigaw niyang sagot, mapaos sana siya.

“Maliligo lang ako!” Padabog ko ring isinara ang pinto ng CR hahaha, hindi ko na siya narinig na nagsalita pa kaya malamang nakaalis na ‘yon.

Pag katapos kong maligo ay dumeretso na ako sa kusina nila, naabutan ko naman silang masayang nagkwe-kwentuhan, nang maramdaman nila ang presensya ko ay inaya na nila akong makisalo sa kanila.

Mapapasanaol na lang talaga ako sa kanila, kapag kase nandito ako sa kanila hinding hindi na nawawala ang mga ngiti ko. Masaya kase sila kasama. Hindi katulad sa bahay namin, utos diyan utos dito, tapos lagi pang nanenermon si mama na sasabayan pa ni papa at ate. Bakit hindi kaya sila bumuo ng sarili nilang banda ‘no? Baka umase-asenso sila, edi napagkakitaan pa nila ang mga talent nila.

Nang matapos kaming kumain ay nagkusa na akong mag hugas ng mga kinainan, pagkatapos nun ay inihinada ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na uuwi na.

Isang oras din ang ginugol ko sa byahe ng makarating ako sa bahay. Kanina pa ako katok ng katok, pero mukhang walang tao sa loob.

“Naku, hija, wala na diyan ang mga magulang at ate mo, umuwi sila ng
probinsiya. Ang sabi ay dalawang buwan daw muna sila doon. Saan ka ba kase nanggaling?” Sabi ng chismosa naming kapitbahay, hindi niya na nahintay ang sagot ko kase tinawag na siya ng kumare niya haha.

Meron naman akong duplicate ng susi ng bahay kaya iyon na ang ginamit ko.

Wala man lang silang iniwan na kahit ano sa’kin. Paano na ‘ko nito?


---------------ONE YEAR LATER-----------------


Halos mag i-isang taon na, pero hindi pa rin sila bumabalik.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon, pauwi ng bahay kagagaling ko lang ng
school, graduating na ako. Nairaos ko ang buhay college life ng wala sila, ume-extra-extra ako ng trabaho para kahit papaano ay may magastos ako para sa pagkain at mga projects sa school. Hindi na ako namroblema sa tuition fee, scholar kase ako. Yes, naman! Kahit ganito ako, ano?! Matalino at madiskarte ang lola niyo.

Medyo nawalan nga ako ng gana mag aral, kase nawala ang inspirasyon ko. Haha, charot! Sa kalagitnaan kase ng school year, umalis na sa pagiging teacher si prof. Seb, marami kase siyang natatanggap na project, mas mahal niya ang pagtatayo ng mga gusali kaysa ang pag tuturo. Pero mas mahal ko siya. Kimi! Kaya naman
nalungkot ang beshy niyo nung nawala siya.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita kong nakabukas ang bahay, nakita ko rin na may nakalabas ng bag.

Teka bag ko yun ah? Napasukan ba kami ng magnanakaw?

Napawi ang mga iniisip kong iyon ng makita ko si mama. Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya para sana yakapin siya, nang itulak niya ‘ko kaya napa-upo ako sa semento.

“Hindi ba sinabi ko ng lumayas ka? At talagang nakuha mo pang bumalik, ha?” Akala ko pagbalik nila magiging ayos na ulit kami.

Napaiyak na naman ako ng ikalat niya ang mga damit ko.

“Ayan dalhin mo na yang mga damit mo, lumayas ka na at ‘wag na ‘wag ka ng babalik!”

“Ma, wag naman kayong ganyan! Anak niyo po ako!” Lumuhod ako at niyakap ang binti niya.

“HINDI KITA ANAK! NAIINTINDIHAN MO BA YUN? NARIRINIG MO BA AKO? HINDI KITA ANAK!”

“Mama! Huwag niyo pong sabihin yan anak niyo po ako! Bakit po ba kayo ganyan sakin? Ano po bang nagawa kong mali sa inyo? Bakit parang kahit kailan hindi niyo ako itinuring na anak? ” Umiiyak kong tanong.

“ALAM MO BA NG DAHIL SAYO, PWEDE KAMING MAPAHAMAK, SANA TALAGA HINDI NA KITA BINUHAY, PASALAMAT KA TALAGA AT NAAWA PA AKO SAYO NOON. PURO KAMALASAN ANG DALA MO SAMIN!”

“Ma, ano po’ng sinasabi niyo? Hindi ko po kayo maintindihan!”

“UMALIS KA NA LANG AT ‘WAG KA NG BABALIK!” Sigaw niya at pabagsak na sinarhan ako ng pinto.

Humihikbi-hikbi kong pinupulot ang mga damit ko at isinilid sa bag, nang biglang umulan. Pvtnginang yan.

Nung umulan ng kamalasan, nasa taas ako namimigay.

Nagsimula na ‘kong maglakad lakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta, tumawid ako ng kalsada kahit malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko.

Biglang may malakas na pumreno sa may bandang gilid ko, nagulat ako at
natigilan sa aking kinatatayuan. Napapikit na lang ako, sa pag-a-akalang mahahagip ako nito. Napamulat na lang ako ng aking mata ng may humawak sa aking balikat. Isang babaeng pamilyar na may kaedaran na, isinukob niya ako sa payong na hawak hawak niya.

Pamilyar siya sakin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

“Jasmine ikaw na ba yan? Ayos ka lang ba anak?” Anak? Siya ba ang totoo kong nanay?

Pagkarinig ko sa kanyang boses, ay biglang sumakit ang ulo ko. May mga
malalabong mukha ang pumapasok sa isip ko. Sinubukan ko siya tingalain, ngunit nandilim ang buong paligid ko, unti-unti na akong nawalan ng malay.

➪TO BE CONTINUED..........

✍︎✍︎✍ By: CN-writes

My Future Engineer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon