CHAPTER 7

2 0 0
                                    

ROSEMARIE/JASMINE’S P. O. V.

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Madilim at tanging ang kaunting liwanag lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbi kong ilaw. Napakatahimik rin ng paligid, tanging mga kuliglig lang ang naririnig ko.

Anong nangyari?

“MA?! PA?! Na saan po kayo? Naririnig niyo po ba ako?” Sigaw ko pero walang sumasagot. Sinubukan ko ring tumayo mula sa pag-kakaupo ko, Pero, teka nakatali ako?! Sinukan kung itaas ang mga kamay ko pero nakatali ang kamay ko, pati ang dalawa kong paa. May kumidnap ba sa’min? Bakit naman nila kami ki-kidnapin? Wala naman silang makukuha sa’min?

OMG! What if kinidnap kami para kunin yung mga lamang loob namin?!

Pinipilit kong magpumiglas mula sa pagkakatali sa’kin nagbabakasakaling
maputol o lumuwag pagkakatali, pero sumasakit lang ang mga braso ko. Sinubukan ko rin gamitan ng ngipin, kase ganito yung mga napapanood ko sa mga T. V. eh. Kaso ang sakit pala sa ngipin, nakakangalay din sa bibig.

Nasa gitna ako ng pag-iisip kung paano ako makakatakas mula sa pagkakatali.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang ilaw, at iniluwa sina Mama at Papa. May
mga kasama silang mga malalaking tao, may isang patpatin para siyang si palito, ang itsura nila mga mukhang tambay sa kanto. Gumilid sila at may pumasok na isang babaeng mukhang yayamanin.

Nakita ko na rin ang kabuan ng lugar kung nasaan ako, nasa loob yata kami ng abandonadong building.

“Oh, gising na pala siya. Great timing!” Sabi nung babae.

“Ma, Pa! Ano pong nangyayari? Ano pong meron? Bakit po tayo nandito?
Bakit po ako nakatali? Sino po sila?” Sunod-sunod kong tanong. Habang
kinakabahan at natatakot. Hindi ko kase gusto yung aura nung babae, mukha siyang papataƴ.

“Huwag mo na nga kaming tawagin na ‘Mama at Papa’! Dahil hindi kami
ang mga magulang mo!” Inis na sabi nila, na animo’y nadikitan ng isang
nakakadiring bagay.

“Ano pong nangyayari? Akala ko po ba ayos na tayo kanina? Bakit sinasabi niyo na naman po na hindi kayo ang magulang ko?” Naguguluhan kong tanong. Kase hindi ko talaga ma-gets! Bakit ba ganito ang buhay ko? Ang gulo-gulo.

“Palabas lang ‘yon para sumama ka sa’min.”

“Poor, innocent, young lady! Huwag na nating pahabain pa ito. To summarize the whole story, your mother owe us something big, and you’re here, dahil ikaw ang magiging kabayaran ng ginawa niya sa anak ko! Pag-singit nung babae.

“Kung noon pa lang pinataƴ ka na ng mga ito...” Turo niya kina mama at papa. “Tapos na sana ang lahat ngayon.” Dugtong niya pa. Nagawa niya pang sumide eye sa gawi nina mama at papa na para bang nagpaparinig.

Bigla naman siyang may kinuhang malaking kutsilyo at gunting.

“Kukunin ko rin sa’yo ang kinuha ng nanay mo sa anak ko!” Pagkasabi niya
nun ay unti-unti siyang lumapit sa akin at itinutok sa akin ang kutsilyo, dahilan ng mariin kong pag-pikit.

“AGHHHHHHHHHH!” Napadaing na lang ako sa naramdaman kong biglang
pag-guhit ng kutsilyo sa aking pisngi.

“'WAG! TAMA NA PO! MAAWA PO KAYO SA’KIN!” Umiiyak kong pagmamakaawa nang akmang susugatan niya rin ang kabila ko pang pisngi.

“BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Tumawa siya na para bang wala na
sa tamang pag-iisip. Napadaing ulit ako sa sakit ng idiin niya ang daliri niya sa sugat sa aking pisngi. Nandiri naman ako ng dilaan niya ang dugo ko mula sa daliri niya.

“Lumayo ka sa'kin! Baliw ka! Baliw!” Hindi niya na nga muling itinapat ang
kutsilyo sa aking pisngi. Pero naramdaman ko ang malamig at matalas ng dulo ng kutsilyo sa aking leeg. Dahil sa gulat at takot ko ay nagawa kong maiangat ang dalawa kong paa na nakatali para masipa siya. Sa pagkatumba niya dahil sa pagsipa
ko ay sumabay din ang pagtumba ng upuang kinauupuan ko.

“Wrong move, Rose or should I say, Jasmine! Mas lalo mo lang pinapadali
ang trabaho ko! Sa tingin mo ba makakatakas ka sa pagsipa mo sa’kin?” Tama siya, ang hirap ng pwesto ko ngayon, lalo ko lang pinahirapan ang sarili ko, nauntog pa ang ulo ko ng matumba ang upuan. Ang pwesto ko ngayon ay para na akong nakahiga. Gumalaw-galaw ako nagbabakasakaling makakaya kong itayo ang upuan pero mukhang imposible.

Lumuhod siya sa may gilid ko. Akmang sasaksakin niya ako ng kutsilyo ng may
umagaw nito sa kanya. Pulis! Meron na ring pulis na nagkalag ng mga nakatali
sa’kin. At inalalayan akong makatayo. Pinosasan na rin sina mama at papa at iba pang mga kasama nila.

“Hindi! Hindi! Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko! Kung makukulong na rin lang ako gagawin ko na kung anong gusto ko gawin!” Habang nagpupumiglas siya sa pulis na may hawak sa kanya ay tinalikuran na namin siya.

Napaiktad ako ng may biglang humigit sa buhok ko. Nakatakas siya sa pulis na
may hawak sa kaniya at ngayon hostage niya na ako. Hawak-hawak niya ang buhok ko, at ako naman ay makapigil hininga dahil sa matulis na kutsilyong nakatutok na naman sa leeg ko, at parang isang paghinga ko lang ay masusugatan na ako nito.

Lahat naman ng pulis ay nakatutok ang baril sa direksyon namin.

“Sige! Iputok niyo ‘yan, pero sisiguruhin kong nagilitan ko na ang babaeng ito, bago pa tumama sa’kin ang bala niyo!

Nanlaki naman ang mata ko ng may narinig nga akong putok, hinanap ko kung saan banda nanggaling yun. Pero huli na ang lahat naramdaman ko na ang pag-guhit ng kutsilyo sa aking leeg. Ngunit bago pa man ako nawalan ng malay ay naaninag ko ang patakbong pagpasok ng pamilyar na pigura. Si Sir…

➪TO BE CONTINUED..........

✍︎✍︎✍ By: CN-writes

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Future Engineer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon