Chapter 15:
"Love sorry na." Patuloy na pagmamakaawa ni Jeremy sa akin. Ngunit ako ay nagmistulang walang imik. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang ng tigre na papalapit na sa amin. Agad na hinatak ng tigre ang aking kamay na parang walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin. Agad na tumabi ang mga estudyante upang mag bigay daan sa para kanya.
"Love!" tawag ni Jeremy sa akin na may halong pag aalala. Akmang hahabol na siya ngunit pinigilan siya nila Dominic.
"K-khurt n-nasasaktan ako... S-san mo ba ko dadalhin?"
Niluwagan ni Khurt ang hawak niya sakin ngunit hindi niya ko sinagot sa tanong ko. Patuloy siyang naglakad habang ako'y hatak hatak hanggang sa makarating kami sa...
"A-anong ginagawa natin dito?"
Imbes na sagutin ako, binitawan ako ni Khurt at nagsimula na siyang maglakad at umupo sa ibaba ng puno. Agad akong sumunod at umupo sa swing at napatingin sa wrist ko na namumula dahil sa pag kakahawak ni Khurt.
"L-love s-sorry, hindi ko naman sinasadya." Sabi ni Khurt habang hawak ang wrist ko na halatang nag aalala.
"O-okay lang. P-pero bakit mo ba ko hinatak papunta rito Khurt?" naiilang na sabi ko.
"Wala ka ba talagang naaalala rito?" tanong ni Khurt.
Tumingin ako sa paligid. "W-wala eh."
"Pasensya na Loraine kung nagkakaganito ako. Sorry kung nasasaktan kita. Hindi ko rin kasi talaga alam kung anong nangyayari sakin. Sa tuwing may kasama kang iba nasasaktan ako, hinihiling ko na sana ako na lang yun. Sa tuwing nakikita ko na may ibang taong nakakapag pangiti sayo, naiinis ako sa sarili ko kasi dapat ako ang gumagawa nun. Sorry Loraine." Sabi ni Khurt na napatayo at inis na inis sa sarili at sinusuntok ang nag iisang puno sa Rooftop.
Bakit ganun? Hindi pa kami ganun katagal na magkakilala pero bakit siya nagkakaganito ng dahil sakin? At hindi ko rin maintindihan tong sarili ko. Biglang bumagsak ang mga luha ko at napayakap kay Khurt na naging dahilan ng paghinto ng pagsuntok niya sa puno at napayakap na rin sa akin. Bakit ganito? Ang isip ko'y nalilito kung anong nangyayari ngunit ang puso ko'y parang alam ang dahilan kung bakit nagkakaganito ngayon...
~~~ X ~~~
Hi! Musta na readers? Sorry sa sobrang tagal na update TT^TT Super busy eh. Pero wag kayo mag aalala, gagawa ako ng paraan para makapag UD agad. ^^
~~~~
Please VOTE and leave COMMENTS!
~Nyckieo23