Chapter 1
[Kriiing! Kriiiing!]
Argh! Ano ba tong alarm clock na to! Anong oras na ba?!
[3:15am]
3:15am?! Sino nag set nito?! Haisxzt! Bahala na nga! Inaantok pa ako eh! Humiga ulit ako at natulog…
After 5 minutes…
“Bunso gising na! Malalate na tayo sa flight natin!”
Hmm… Flight? Anong pinagsasabi nito ni Kuya? =_=”
“Ui Bunso gising na kasi…“ Ang kulit naman nito ni Kuya.
Bumangon na ako.
“Kuya alam mo bang 3:20am pa lang? Ano ba kasing meron? At anong flight flight pinag sasasabi mo?” =_=”
“Ano kasi… Luluwas tayo ng Manila.”
“Huh?! Joke ba yan? Bakit hindi ko alam?”
“Biglaan kasi…”
“Eh pano yan? Hindi pa ako naka impake.”
“Bunso ayos na lahat. Inayos na namin ni Mama kagabi.”
“What?! Argh! Hindi pa ako nakakapag paalam sa mga friends ko. Lalo na kay Bestie. Kailangan ko muna silang kausapin. Saka pano pag bumalik siya?” TT^TT
“Anong pakinabang ng cellphone at computer? At Bunso, wag ka nang umasang babalikan ka pa niya.”
“Babalikan niya ako! Hmpf!” >_<
“Sana nga. Bilisan mo na nga Bunso. Malalate na tayo. Maligo ka na at MAGHILAMOS! Kadiri oh! May Panis na laway!” :p
Alam kong babalikan niya ako… Pag kasabi ni Kuya nun, tumakbo na siya. Alam niya kasing yari siya sakin pag naabutan ko siya. At FYI, wala akong panis na laway noh! Makuwento lang talaga yun si Kuya. Isip bata kasi. xD
At wala na akong nagawa pa, pumunta na ako sa CR at naligo. Naghanda na rin ako ng mga gamit ko at syempre ng sarili ko. Bumaba na ko para kumain. Naaamoy ko na kasi ung niluluto ni Mama eh. Whahaha!
“Baby kain ka na oh! Pinagluto kita na pancakes!” *^_^*
“Whaaa! Pancakes! I Love You Ma! :* Hihi. Ai! Mama bakit hindi niyo sinabing luluwas tayo ng Manila?” :3
“Nak wag mo nang tanungin si Mama mo. Baka umiyak pa yan dahil mahihiwalay ka samin.” Sabi ni Papa na bigla na lang sumulpot.
“What?! Hindi kayo sasama?!”
“Nak pwede ba? Wag kang sumigaw, nandito lang ako sa tabi mo oh.”
“Eh kasi naman Pa, binibigla mo ko eh… Bakit hindi kayo kasama?” TT^TT
“Nak nandito ang trabaho namin ni Mama mo. Hindi namin yun pwedeng iwan.”
“Bakit ba kasi kailangan namin pumunta ng Manila?”
“Malalaman mo rin pag nandoon ka na.” Ngumiti si Papa. Pero pilit… Hmm, bakit ganun? Parang kinabahan ako…