Chapter 9:

84 18 0
                                    

Chapter 9:

   *Knock* *Knock*

   “Bunso?”

   Psh! Ano ba yan si Kuya. Ang aga mang gising. Wala namang pasok ngayon eh. Tss!

   *Knock* *Knock*

   “Bunso!”

   At dahil naiirita na ko sa kuya ko tumayo na ako at pinag buksan siya ng pinto.

   “Kuya naman, bakit ang aga mo mang gising? 8 pa lang kaya. Wala naman kaming pasok ngayon. TT^TT”

   “Wag ako ang sisihin mo Bunso. Yung bisita mo.”

   “Huh? Bisita?”

   “May bisita ka. Nasa baba. Mag ayos ka at harapin mo na yun.”

   “Sino yung bisita ko Kuya?”

   “Tingnan mo para malaman mo.”

   Wiw! Bakit parang kinabahan ako? Geez! Sino ba yung bisita ko? Si Kuya kasi ang arte, ayaw pang sabihin.

   Pag katapos kong mag ayos ng sarili bumaba na agad ako para harapin yung bisita ko DAW.

   “Kuya bakit hindi mo sinabi sakin?!” sigaw ko habang inis na inis kay Kuya. Argh!

   “Pag sinabi ko sayo edi hindi ka na bababa.”

   Psh! Totoo yung sinabi ni Kuya. Hindi talaga ako baba kung alam ko na siya ang bisita ko.

   “Loraine… Please talk to me.”

   “Carlo wala naman tayong dapat pang pag usapan eh. Ok lang sakin yun.”

   “Kung ok lang sayo yun bakit lagi mo kong iniiwasan? Bakit hindi mo ko pinapansin? Kung ok lang talaga sayo, hahayaan mo kong maka usap ka…”

   Hindi ako umiimik. Madaling sabihin na ok lang ako pero mahirap itong panindigan kasi hindi naman totoo at lalong hindi ko kayang maging ok.

   “Please Loraine?”

  “Lets talk outside.” Hindi ko alam kung tama ba yung desisyon ko na pagbigyan siyang kausapin ako. Sa totoo lang, gusto ko talagang malaman yung dahilan niya kaya lang natatakot ako. Natatakot akong malaman at masaktan sa mga dahilang iyon…

   Umupo kami sa isa sa mga bench sa park. Malapit lang to sa bahay saka onti lang ang taong namamasyal dito kaya napag pasyahan ko na dito na lang kami mag usap.

   “Sorry Love.” Panimula ni Carlo.

   “Yan lang ba ang gusto mong sabihin? Kung ayan lang aalis na ko.”

   “No Loraine… Marami akong gustong sabihin sayo… Hindi ko naman ginusto na siraan yung promise ko sayo eh. Hindi ko yun ginusto.”

   “Then, tell me kung bakit hindi mo ko binalikan Caloy.” Mangiyak ngiyak kong sabi.

   “Dahil kay Inah Loraine…”

   Dahil kay Inah??? Anong ibig sabihin ni Caloy?

   “S-si Inah?” mautal utal kong sabi.

   “Oo Loraine. Si Inah.”

   “Do you love her Carlo?”

   “Yes Loraine…”

   Sa sagot na iyon ni Carlo, nag unahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Masakit… Masakit malaman na yung taong mahal mo ay may mahal nang iba.

   “Lorain I’m sorry.”

  Pinilit kong ngumiti para naman mag mukha pa rin akong malakas kahit umiiyak na ko. Mukha nga lang akong tanga.

   “Ano ka ba Carlo, Ok lang yun noh. Ha-ha-ha. Atleast sinabi mo sakin diba? Sana sa susunod wag kang mangako kung hindi mo kayang tuparin. Una na ko Carlo ha? May gagawin pa kasi ako eh.”

   Nagkulong agad ako sa kwarto ko pagdating ko sa bahay. Yung mga plano ko ngayong araw ay hindi ko na nagawa, nawalan na kasi ako ng gana. Nangulit naman si Kuya kung anong napag usapan namin ni Carlo, syempre hindi ko sinabi. Ayokong mag kwento. Haist! Yung mga panahon na pag hihintay ko sa kanya ay nasayang lang… Sana nung una pa lang hindi ako nag stick sa promise niya. Sana nalaman ko na nung una pa lang na masisira yung pangako niya... Bakit kasi may mga taong nangangako pero hindi naman kayang tuparin? Haist! Pangako... Pangakong agad na naglaho.

~ ~ ~ X

Hi! Oh ayan na po Readers. Bumawi agad ako, sorry nga lang sa sabaaaaw na chapter. ^_^V

   ~~~X

   Please VOTE and leave COMMENTS! ^_^

                                                                        ~Nyckieo23

Promise is a Promise...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon