Chapter 8:
“Hoy! Tinatanong kita, ano bang ginagawa mo sa kanya?!”
Sigaw uli niya. Nakaka bingi na siya ha. Bakit ba siya sumisigaw? Malapit lang naman siya kay Cloud. Tsk!
“Nakikipagharutan. Nag seselos ka ba Khurt?” –Cloud
“Hindi noh! Argh!”
Sigaw niya sabay gulo sa buhok niya at nag walk out. Ano ba talagang problema nun?
“Hahaha. Nagseselos nga.”
“Huh? May sinasabi ka Cloud?” -ako
Hala? Baliw na ata to si Cloud, nagsasalita mag isa. =_=”
“Hahaha. Sabi ko ang ganda mo. Oh siya, alis muna ko ha? Baka kasi mamatay ako dito kakatingin nung taong seloso. Bye!”
Huh? Mamatay? Taong seloso? Ang gulo rin nito minsan ni Cloud noh?
Oh yes! After 1234567 boring years, recess na.
“Tara na Loraine. ^_^” –Kylle
“Sige. wait-“ -ako
“Hindi siya makakasama sa inyo.”
Huh? Pinagsasasabi nito?
“At bakit naman Khurt?” -ako
“Kasi samin ka sasama.” –Khurt
“At bakit? Kila Kylle ako sasama.” –ako
“Ayaw mo ba kaming kasama Loraine? TT^TT”
“H-hindi naman sa ganun Lila.” –ako
“Eh bakit ayaw mong sumama samin? TT^TT”
“A-ano kasi eh… S-sige sasama na ko.”
“Talaga? Yehey! Tara na. ^_^” –Lila
Bakit pakiramdam ko nauto ako? =_=” Nag paalam na ako kay Kylle na hindi ako makakasama sa kanila. Buti na lang at naintindihan niya ko. Haist! Sino ba naman kasi ang makakatanggi kay Lila? Ang cute niya kaya. Ang sarap niyang ilagay sa bag at ipang display sa bahay. Haha.
“Lila?” –ako
“Bakit Loraine? ^_^”
“Hindi ka ba naiilang?” –ako
“Huh? Bakit naman ako maiilang?”
“Kasi pinagtitinginan tayo kanina pa.” –ako
Tumingin naman siya sa paligid upang tiyakin yung sinabi ko.
“Nung una naiilang ako pero ngayon hindi na. Sanay na eh.” –Lila
“Sanay na?”
“Oo. Simula kasi nung grade school kami ganito na. ^_^” –Lila
“Talaga?”
“Yah.”
Wiw! Sikat ba sila???