Chapter 17:
Loraine's POV:
"Loraine!" tawag sakin ni Jeremy ng makarating kami sa parking lot.
"Okay ka lang?" tanong nito na may halong pag aalala
"Oo naman. Bat mo naman natanong kung okay lang ako?"
"Sino ba kasi yang kasama mo? Bakit bigla ka na lang niyang hinila kanina habang galit na galit?" bulong nito sa akin.
"Ahh! Jeremy si Khurt nga pala at ito naman si Ate Krista Ang principal natin. Khurt, Ate Krista si Jeremy nga po pala."
"Good eveni-" naputol sa pagsasalita si Jeremy ng biglang nag salita si Khurt.
"Ano mo siya?" walang emosyon na tanong nito.
"Manliligaw." Taas noong sagot ni Jeremy
"Ano?!" sabay na sabi ni Ate Krista at Khurt
"Jeremy! Pasensya na po. Mapagbiro lang po talaga yan si Jeremy." Depensa ko
"Ganun ba..." -Krista
Hinatak ko si Jeremy na nakikipaglabanan ng tingin kay Khurt.
"Jeremy tara na." Bulong ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.
"Mauna na po kami ate Krista."
"Oh sige. Mag iingat kayo." -Krista
"Opo. Bye po. Bye Khurt."
"Bye." Sabi ni Khurt sabay talikod. Napaka moody talaga nun. Tss
"Kilala mo siya?" pagtatanong ni Jeremy
"Sino? Si Khurt o si Ate Krista?"
"Khurt."
"Ahh. Oo naman. Kaklase natin siya. Bakit mo natanong? Magkakilala na ba kayo?"
"Hindi."
"Bat ang tipid mo mag salita? :3"
"Wala."
"Kainis ka. Tss" Hindi na muli nagtanong o nagsalita si Jeremy. Naninibago tuloy ako sa kanya. Tsk!
Sa wakas. Nakarating na rin sa bahay. Natapos na rin ang tahimik na biyahe.
"Anjan na pala kayo. Kain na." -Louie
"Kuya! Hindi ka man lang nagulat na nandito si Jeremy?! Huwag mong sabihing mag kasabwat kayo?"
"Bunso ang O.A mo. Kala mo naman pinagtaksilan ka namin." -Louie
"Eh bat kasi ndi mo sinabi sakin? TT^TT"
"Pag sinabi ko edi hindi na yun surprise. Tara na nga. Kumain na tayo." -Louie
"Sige Kuya Louie. Kayo na lang. Masama pakiramdam ko." Sabi ni Jeremy at umakyat na papunta sa kwarto niya. Napatingin naman sa akin si Kuya.
"Anong nangyari dun?" tanong nito
"Hindi ko rin alam."
Nagtungo na si Kuya sa Dining Table at sumunod naman ako.
"Anong nangyari sa school? Bat nag kaganun yun?" -Louie
Nasamid naman ako sa tanong ni Kuya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi ko alam, malalaman niya na nag cutting ako kasama si Khurt. Mayayari ako nito kila Papa. TT^TT
"O-okay naman Kuya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Bigla na lang siyang nagkaganyan nung nasa kotse na kami."
"Ganun ba? Kakausapin ko na lang siya bukas."
"A-ako na lang ang kakausap sa kanya Kuya!"
"Ok. Chillax ka lang Bunso. Wag kang sumigaw. Huwag kang mag alala hindi ko aagawin sayo si Jeremy."
Napabuntong hininga na lang ako at hindi na pinansin ang pangangasar ni Kuya. Pero bakit nga ba nagkaganun si Jeremy?
~
★★★★★★
Bakit kaya nagkaganun si Jeremy? Alam niyo ba guys? ^^
~
Don't forget to VoMment (Vote and Comment)
Thanks :*
~Nyckieo23