Sehun birthday special and for selu day! 150412 and 150416
--
Masaya ngayon si Sehun dahil pang anim na nilang pinang panalo ang Call Me Baby nila sa Inkigayo. Sobrang thankful sya sa mga EXO-L dahil binigay sa kanya itong birthday gift na ito, akala nga nya hindi sila mananalo. Syempre, hindi naman sya bibiguin ng mga EXO-Ls no.
Pagdating nila sa dorm, kahit pagod, ayos lang. Syempre masaya sila. Kanya-kanyang update ng SNS accounts ang iba, habang yung ibang members eh nagpapahinga na rin. Pero sya, naupo muna sya sa kusina habang kumakain at tinititigan ang phone nya. May hinihintay kasi sya. Gusto nya kahit simpleng bati lang sa kanya ng 'happy birthday' eh magawa nung taong hinihintay nya. Kahit parang napaka imposible. Kahit ang tagal na nilang di nagkakausap. Miss nya na siya.
Tulala parin sya sa phone nya nang biglang pumasok si Junmyeon sa kusina, aba nakatopless lang. Hawak din ang phone nya, e. Kumuha ito ng nakakartong gatas sa ref at nginisian si Sehun, "Hinihintay mo talaga siya, ano?"
Ngumiti ng malungkot si Sehun, "Baka sakali lang, hyung. Baka sakaling maalala niya yung birthday ko kahit di na kami masyadong nag uusap. Miss ko na siya, e."
Tinusok ni Junmyeon ang straw sa karton at sinimulang sipsipin ang gatas, tsaka nagsimulang pindut-pindutin ulit ang phone nya, "Siya pa. Makakalimutan ka ba niya? Hintayin mo lang, Sehun. Hindi rin kasi dapat padalos dalos ang pag uusap nyo lalo na't naghigpit si CEO Kim." Napatigil sya sa pagpipindot nang may maalala syang di kanais-nais, pero nagpatuloy parin sa pagpipindot at ibinaba ang karto ng gatas sa mesa.
"Hyung, selca tayo~" sabi ni Sehun at mabilis na nilabas ang camera ng phone nito.
"Hoy, Sehu--" Mabilis na napatingin si Junmyeon kay Sehun para pigilan sana ito kaso nakuha na ni Sehun ang litrato. "Gago ka talaga, Sehun! Topless ako, oh!" Pagpoprotesta pa ni Junmyeon kaso ang bilis mag type ng caption at mag upload tong si Sehun kaya ayan, di na nakapalag si Junmyeon.
"Para ka namang babae, hyung. Hindi ka naman nila ihaharass! Papyepyestahan ka lang nila at gagawing life-sized poster ang picture mo tsaka pagnanasaan araw-araw! Okay lang yan!" Tumawa pa si Sehun dahil kunot na kunot ang noo ng nakatatanda. Umiling nalamang ito at bumalik sa pagkakalikot sa phone nya. Pati sa Weibo ay ipinost nya ang nakuhang litrato. Syempre, as expected, nagkaroon ng mental breakdown ang mga EXO-Ls.
Nagulat nalang sya nang makita nya ang bagong follower nya, yung DaLing account sa Weibo na minsan ay siya ang naghahandle.
Si Sehun naman ang napakunot ng noo. Bakit naman kaya sya finollow ng account na ito? Wala naman siyang sinasabi tungkol sa kanya. Baka naman... Siya ang may gamit ng account ngayon at siya ang nagfollow kay Sehun?
Naexcite bigla tuloy ang maknae.
Pumunta si Sehun sa Weibo profile niya at sinimulang magcompose ng message:
Hyung, ikaw ba yung nagfollow sakin?
Pero napatigil siya sa pagtatype. Ayaw nga pala ni Sehun na magmessage muna sa kanya, gusto kasi ni Sehun na siya ang maunang magmessage. Pabebe kasi tong lalaking to e. Hihintayin niya nalang na siya ang una magmessage.
Pero nagawa nyang makatulog sa kusina, ni walang 'happy birthday' na naligaw sa inbox nya.
Alas siyete na ng gabi. Lahat ng members ay busy na nagluluto at naghahanda para sa birthday celebration ni Sehun. May mga party poppers pa sila at mga party hats, akala mo naman kid's party.