Pinoy Big... OPPA?! (kim junmyeon) PART 2/3

20 0 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising kahit di naman talaga ako nakatulog ng maayos. Nauna pa ako dun alarm namin. Tumambay muna ako sa may sala habang nagpapainit ng tubig pangkape. Kroo kroo. Medyo madilim pa, pero keri na yan.

Actually, natatakot ako ngayon. Baka may multo e.

Halos mahimatay ako sa gulat nang may kumalabit sakin.

Si Junmyeon!

"Good morning..." Sabi nya habang kinukusot ang mata at nakangiti pa ang hinayupak sakin. TAKTE IYAN!!! WAG GANYAN GAGO!!!!

"Uh... Morning..." Sabi ko ng wala sa sarili.

"You're an early bird, I see." Sabi nya at umupo sa tabi ko. OO PUTA SA TABI KO. TANGINA SINO BANG SANTA SANTITA ANG NAGBIGAY SAKIN NG GRASYANG GANITO. DATI SA EXOLUXION, LOWERBOX LANG AKO NON AT KAILANGAN KO PA MAGPAPANSIN PARA MAPANSIN LANG NILA AKO, NGAYON ASDGDJSKLSK NASA TABI KO NA SYA, KINAKAUSAP PA AKO TANGIN--

"Gwaenchana?"

"Ne."

PUTRAGIS.

PUTGDNSNFMFM. NADULAS YUNG DILA KO!

"You can... understand Korean..." Medyo nanlaki pa ang mata nya. SHIT SHIT SHIT NOOOOO YUNG WEEKLY TASK KO!!!

"Ah... actually, no. My friend, the one who is your fan, kept on asking me that phrase and she said if someone asks me the same thing, I have to answer them, ne." Nanginginig yung ngiti ko sa labi sa sobrang kaba. PAKSHIT.

"Ahh.. Jinjja... asdfghjkll..." May sinasabi sya sa Korean kaso di ko naman naiintindihan. English subs please!

Tumayo ako para makaiwas na pero pinigilan ako ng mababang boses nya, "If ever you get to talk to your friend, tell her that I love her."

Napakagat ako ng labi, nangiti pero napaiwas parin ng tingin, "She always knows."

Bandang alas siyete y media ng umaga nang nasa hapagkainan na kami para mag-umagahan. Sa kabisera ng mesa si Junmyeon, sa kanan nya ang EXO-K, kaliwa naman nya kaming EXO-M. Daldal netong si Raine, e. Di nalang ako nakibo, pero halos magpakain ako sa lupa nang sakin mapunta ang usapan.

"Uy, Chesca! Hindi ba ikaw yung nakikikpop din last month? Di ba? May nababanggit ka pa nga nun about sa korean na yan, e." Ngingiti pang sabi ni Raine. Dafq?

Naalala ko yung sinasabi nya. Andito pa nun si ate Mia, Carat kasi iyon (Seventeen stan) na may pagka-EXO-L. Kaming dalawa lang nagkakaintindihan sa feels, kaya walang masyadong girls ang nakikipag usap samin dahil una, hindi nila kami naiintindihan, pangalawa, wala naman silang pake samin. Ewan ko ba rito kay Raine bat naalala nya po yung mga kalokohan namin ni ate Mia bago pa maevict ang nakatatanda.

"Ah... Oo, pero sinasamahan ko lang naman si ate Mia magfangirl nun e." Palusot ko pa. kinakabahan nako! Buti nalang di naiintindihan ni Junmyeon.

"Weh? Sure ka? Magkaiba kayo ng gusto ni ate Mia di ba?" Putragis ang kulit!

"Oo kaya. Kaunti lang naman ang nagugustuhan ko riyan sa kpop na yan e, malay ko ba.." Kunot-noo kong sabi. Sinusundan ng mga housemates ko pati si Junmyeon ng tingin ang kung sino mang nagsasalita samin ni Raine, yan tuloy parang nag aaway kami.

"Kung ganon, sino ba yung gusto mo sa kpop na yan? Parang naalala ko may nabanggit kang XO ata last month? Tas tanda ko pa non nahuli ko kayo ni ate Mia na naghihikgikan sa isang tabi dahil dun sa suha na sinasabi mo..." Paksyet to. Suho yon, gaga! Wag mokong ilaglag!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO stuffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon