"...thank you." Yan ang closing remarks ni Yifan sa mga tao pagkatapos ng kanyang interview kasama si Xu Jing Lei sa Sina Interview. Masaya sya dahil sa kabila ng mga nangyari sa kanya at sa EXO nitong mga nakaraang buwan, marami parin ang nagpapakita ng suporta at pagmamahal sa kanya.He made his way out of the hall. Sobrang crowded doon kasi gustong magkaroon pa ng ambush interview. Pero Yifan being Yifan, he ignored them and just escorted Jing Lei through the buzzing crowd. Ayaw nyang sumagot ng isa sa mga tanong ng mga reporters dahil siguradong pati yung iba magtatanong din. At isa pa, ang tungkol sa EXO lang naman ang itatanong nila. Wala pa syang balak sagutin ang mga iyon dahil wala naman talaga syang maisasagot.
And that's true. Simula nung umalis sya sa puder ng SM entertainment, wala na silang koneksyon ng EXO. Sigurado'y sirang-sira na sya sa mga kaibigan nya, knowing how their industry works. Well, except nga pala kay Luhan.
Noong umalis Yifan, dalawang beses nyang nakausap si Luhan. Yung una nilang pag uusap ay noong August, sa Weibo iyon na private message. Kinumusta ni Luhan si Yifan at sobrang nagulat si Yifan noon. Sino ba mag-aakala na may kakausap pa sa kanya na miyembro ng EXO? Tinanong pa ni Luhan noon kung ano ang pakiramdam nang maging malaya mula sa impyerno na kinabibilangan nila. Akala ni Yifan eh sarkastiko ang kaibigan, ngunit nagkakamali ito. Gusto na rin pala ni Luhan na umalis na sa EXO.
Hindi pwede, ani Yifan sa sarili. Pinigilan nito si Luhan dahil ayaw nyang masaktan pa ulit ang mga tagahanga nila. Kung maraming nasaktan at nadismaya noong umalis sya, di malayong magkaroon din kay Luhan. Kung sabagay, dagdag nito sa sarili, naisip din ni Yifan na kaya sya umalis sa pamamahala ng SM Entertainment ay para maprotektahan ang EXO. Siya nalang ang unang aalis para pag gustong umalis ng iba, hindi na masyadong masasaktan at magalit yung mga fans.At ito ang advantage na nakuha ni Luhan.
Pangalawa nilang pag uusap ay noong unang araw simula nang umalis si Luhan. Since nasa iisang bansa na sila, napagpasyahan ni Luhan na makipagkita kay Yifan, at di na ito tumanggi dahil gusto nya rin itong kumustahin at tignan ang kalagayan ng kaibigan. At di ito nagkakamali--parang nakita nya lang ang sarili nya kay Luhan na halos anim na buwan na ang nakakaraan. Sinuportahan nila ang isa't isa nang patago, at patuloy na namayagpag ang magkabilang panig.
"So... Anong plano mo para bukas sa birthday mo?" Tanong ni Jing Lei kay Yifan nang makarating na sila sa sasakyan. Nangiti ang binata at sumagot kay Jing Lei, "Wala naman. Balak kong magcelebrate kasama si mama. Madami na kasing kaarawan ko ang nagdaan na hindi ko kasama si mama."
"Oh.. Naku, sayang naman. I have this friend kasi... His daughter is a fan of yours. And it's also her birthday tomorrow. 7th birthday, to be exact. Humihingi kasi ng pabor yung anak nung kumpadre ko na bisitahin mo lang siya saglit.." Sabi ni Jing Lei habang nakatingin sa may bintana habang umaandar ang sasakyan.
Wala naman kay Yifan iyon kung bibisitahin nya yung bata. He would be even honored to. Kaya naman ngumiti si Yifan at sinabing, "Pwede naman akong sumaglit, eh. Anong oras ba?"
**
Kinabukasan...
5PM ang birthday party ni Huizhong; yan ang pangalan nung batang
fan ni Fanfan. Napagdesisyunan nyang magcelebrate ng birthday kanina kasama ang mama at ibang kaibigan nya, syempre nandun si Luhan. At tsaka nya cinlear ang sched nya para lang kay Huizhong. Masaya sya na magbibirthday sya na may mapapasaya sya. Pero may kulang... At alam natin kung sino iyon.Kasama ni Yifan si Jing Lei na pumunta sa exclusive birthday party nung bata, at ang theme ng party ay kpop. Medyo mapaglaro ang tadhana, pero syempre hindi naman pwedeng KJ si Yifan, kaya sinuot nya yung mga damit na ginamit nya noong EXO member pa sya. Nadala nya iyon bilang remembrance. Si Jing Lei naman ay naka-Crayon Pop na may helmet pa talaga.