Pinoy Big... OPPA?!
tags: pinoy big brother au, fluff, crack, slight angst
description: isang EXOluXion at tatlong taon na pagtitiis ni Chesca na hanggang screen lang ang tanaw nya sa pinakamamahal na leader ng EXO bago nya ito nakasama sa bahay ni Kuya.Disclaimer: nakakaloka to. pinag isipan kong mabuti to! Hahahaha. Sorry kung di ko mamemeet ang expectations nyo tsaka may mga scenes na di magkakatugma. Mahahati ito sa 3 parts since medyo mahaba rin naman. Hello nga pala sa mga Suho-biased dyan! This one is for you, guys! xoxo 💓
;;
"Chesca, pumunta ka ng confession room."
Ayan nanaman si oppa-- este si Kuya. Nakakakaba pag ipapatawag ka nya akala mo laging detention ang punta mo. Tumayo ako sa pagkakasalampak sa upuan, pinasadahan ko ng tingin si Gabo, ang co-housemate ko, tsaka nagdire-diretso sa confession room.
Di kaya narinig ni Kuya yung pinag uusapan namin ni Gabo?
Antagal kasi magbigay ng panibagong weekly task ni Kuya e. Anong araw na, dapat nung Tuesday pa sya nagbigay ng weekly task pero magsa-Saturday na wala parin hanggang ngayon. Paubos na rin kasi stocks ng pagkain namin at pag di pa kami nakapagweekly task (at nagsucceed don), wala na kaming kakainin. Diet mode na ba, Kuya?
Minsan di ko rin alam pano ako nagkatagal sa loob ng bahay ni Kuya. Hindi ko rin alam kung mao-overwhelm ba ako o madedepress. Syempre malaking achievement ang makapagstay dito sa loob dahil ibig sabihin, may chance ka makasama sa Big 4. Yun naman dati ang purpose ko e, ang maging Big Winner. Pero ngayon, the more na magtagal ako dito, the more na naleless yung chance ko. Madaming mas deserving sakin (wow kala mo naman sureball na Big Winner ako e 'no). Katulad ni Gabo. Siya yung typical housemate na kakaawaan ng iba, na sa tingin ng lahat ay dapat maging "Big Winner" dahil sa estado ng pamumuhay nila. Deserving naman talaga sya, sa bait at pagiging gentleman nya? Maaalalahanin? Masipag? Madasalin? Gwapo? Nako! I'm sure crush yan sa outside world.
Crush ko kasi sya e. Hihi. Slight lang naman.
Loyal kasi ako. Committed. Nakatakda na hindi lang sa isa kundi sa siyam na lalaki. Dati labindalawa pero yung tatlo ayun no more chances of winning. So, oo, walang iba kundi sa EXO. Ako lang ata dito sa loob ng bahay ni Kuya ang nakakarelate sa sarili ko kaya everytime na maaalala ko sila, nababaliw ako kakaisip. Miss ko na sila. Tatlong buwan and counting ba naman na wala akong balita sa kanila dahil kay Kuya. Hmp! Tsaka walang nakakaintindi sakin dito sa loob, mukha akong mula EXO PLANET pag EXO ang gusto kong topic sa usapan. I wonder if na-air na ang pagiging EXO-L ko? Wag naman sana. Ayokong maging center of attention ng ibang EXO-L e.
Basta. Miss ko na yung mga ulupong na yun. Si Sehun. Si Chanyeol. Si Yixing. Ang holy trinity ko... ㅠㅠㅠㅠㅠㅠ
"Chesca... Kumusta na?"
Ayan si Kuya o, mysterious na nga, pamysterious pa ang boses.
"Okay lang naman po, Kuya, medyo namimiss na ang outside world.." Sabi ko. Not that nagpaparinig akong magvoluntary exit, pero... eeeeeh. Ayoko na.
"Alam mo bang may chance kang makita ang outside world sa isang kondisyon?" Napatingin ako sa screen na nasa harap ko at nanlaki ang mata. Weh? Kuya, di nga? Dahil ba may concert ang EXO dito at pagbibigyan mo ko?
"Pag nagfail ka sa weekly task mo, pwede ka nang makaalis ng bahay ko." Teka, weekly task KO?? As in akin lang?
"Ano po ba yung weekly task ko?"
"May darating tayong bisita. Kilala ka nya at kilala mo rin sya. Pero sa oras na magkita kayo, kahit anong approach ang gawin nya sayo, o ano mang pagpapakilala nya, kailangan mong magpanggap na hindi mo sya kilala. Sa oras na mahalata at malaman nya na tama ang pagkakakilala nya sayo, your weekly task will fail at walang kakainin ang co-housemates mo. The worse is, papatawan kita ng automatic eviction."