Chapter 2

6 5 1
                                    

Chapter 2: Cat
      Sound: Girl like you by using a flute

"Aww!" Nalasog nga talaga! Pinalo-palo ko ang lupang saksi kung paano ako nalaglag.

"Ering!" Humahangos na mabilis ang lakad na lumapit ang Tatay sa akin. May dala itong payong na sira-sira, may butas pa. "Ay juskong bata ka o, bakit ka naman naging uod diyan!" Napatigil ako sa paggalaw dahil sa nadinig.

"Anong Ering Itay? Ginawa niyo naman akong pusa sa tawag niyo. Erik po 'Erik'." Pagdidiin ko pa tinatama ang sinasabi niya.
"Atsaka Tay, woah! Masakit ang kuwan ko sandali-" Hindi ko muna tinapos dahil sa nanginginig ang dalawang paa ko habang tumatayo. Narinig ko pang umingay ang buto ko. Napangiwi ako bago nagsalita ulit. Hindi uod ang anak niyo. "Tanga lang ako hindi uod, sa ganda kung to ginawa niyo akong uod. Nadulas kasi ako sa puno niyong yan na mas matibay pa sa inyo. Kayo, nerarayoma na habang yang punong ang tandang-tanda na na pinag-iwanan na ng panahon ay buhay pa. Lumalaki pa nga at tumataas pa." Angil ko habang kinoclose open ang dalawang paa para mahimasmasan.

Inalog ko na lang ang ulo ko ng binatukan ako ni Itay. Piningot niya pa ang tenga ko habang papasok ng bahay. Aragoy!
"Aray, a-aray tatay... b-baka po maputol." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Hawak ko ang tenga ng binitawan niya, hinimas ko pa dahil masakit at kumakati. Namumula pa.

"Hoy Ering, e kung putulin ko na lang kaya ang punong inaakyatan mong iyan. Siyempre hindi yan mabilis mamatay o mapapagod man lang dahil puno iyan. Nasan ang isip mo. Halika agad sa kusina, humigop ka ng sabaw. Larga na't pumunta ng kwarto baka magkasakit ka pa. Gusto mo bang uminom ulit ng mapait na mapanghing halamang gamot?" Tinaas pa nito ang kilay na bumaling sa akin. Umiling iling kaagad ako. Ayaw ko non ano, naiisip ko pa lang parang lalagnatin ako sa dahilang iyon.

Ngumisi ang Tatay at sinamaan ako ng tingin. Agad akong pumunta at pumasok ng kwarto. Nagbihis ako ng bago, nilagay ko ang ginamit sa lalabhan pa lang. Maayos ang kwarto at nakakatulog ako ng mahimbing puwera na lang pagtumilaok na ang manok bandang alas tres ng umaga. Sarap nga lutuin tapos ay gawing tinola. Tiba-tiba ako don. Ngunit hindi puwede dahil baka ako ang gawing tinola ni Tatay. Tinola de Erica. Napangiwi ako. Ang pangit!

"Ering! Bilisan mo diyan. Mauuna pa yatang magbihis ang pagong sayo! Ke babaeng tao ang tagal-tagal." Umikot ang matang napailing na lamang. Hindi na yata ako masanay-sanay sa tawag nito. Tatay ko naman siya so okay lang. Mahal ko kaya iyon.

"Ayan na!" Balik sagot ko bago lumabas ng kwarto. Kusina at sala na agad ang mabubungaran mo, magkakonekta lang lahat. Kapag gusto mong pumuntang palikuran, kumanan ka lang kung galing kwarto at kung gusto mong pumuntang sala, kusina at syempre labas kumaliwa ka galing ulit kwarto. Nakakaumay na nga pero go lang alangan malito tayo, e ang liit ng bahay. Left and right lang, kung mabagot ka sa left pumunta kang right at kung mabagot sa right ay bumalik ka ng left. Easy right? Yes left, ok right. Ayy! Chaka nalito ako. Yan na nga ba ang sinasabi ko. Pinukpok ko ang ulo na lumuwag na yata ang turnilyo.

Naabutan kong naglilinis ng plauta ang Tatay. He's a platter and a seller of flute. Kada linggo kasi ay may dinadaos na patimpalak dito sa isla. Labanan ng bawat plauta, pagandahan ng musika at tunog. Naeexcite na nga ako e.

"Kain na po tayo." Panghihikayat at may galang na tawag ko. Mahinhin naman talaga ako, mahinhing matigas ang ulo. Hehe, slight lang ano.

Tumingin ito, ngumiti at inayos muna ang mga plauta. Nilagay sa bawat lalagyan bago lumaput sa mesa at umupo. Nilagyan ko ng kanin ang pinggan nito, sinunod ang sabaw na may iba't ibang gulay na sangkap. Inilagay ko iyon sa isang maliit na mangkok bago inilapag sa tabi ng kanin sa harap niya. Naglagay na rin ako ng para sa akin.

Tahimik kaming kumakain ng may marinig kaming sigaw. Napataas ang isang tenga ko. Nabaling ang tingin namin sa labas ng pintuan bago nagkatinginan sa isa't isa.

Mabilis na napatakbo kami ng pintuan. Sabay ng pagkalabas namin ay madidinig ang umalingawngaw na tatlong beses na pagtunog ng tambol senyales na may paparating.

_____

A/n:

Ano na mga cutiepeople, boring? Yan lang muna mag-iisip pa ako. Rate again, bahala kayo kung magkocomment o magfofollow kayo nasa inyo ang desisyon.

Next: CHAPTER 3: TEASER

"Tay huwag  na ngang matigas ang ulo! Sumama kana sa akin." Ama ko nga talaga siya sa kaniya ako nagmana sa katigasan ng ulo. Parang gusto niya na talaga akong paluin at isilid sa sako pagkatapos ay ihagis sa dagat para magpalutang-lutang para ilayo don sa sama ng pagkakatingin at panlalaki ng mata. Ang saklap naman non.

"Ikaw talagang Erica Sabrella Villanueva ay ipapamulto ko sa lola't lolo mo kapag hindi ka nakinig sa Tatay!" Galit na nga talaga. Hindi pa sinama ang nanay. Hay na kong tatay to oh, magtatampo at magagalit ang nanay non.

"Tay! May problema na po ba kayo sa utak at ang pinakakamamahal na Nanay ay hindi niyo na isinama para complete reunion na, hehe"  Hindi ko naexpect ang pag-taas ng kamay niyang hindi niya kanina magalaw at tumama sa batok ko iyon. Binatukan ako!

"Erica Sabrella Prasio Villanueva!" Takbo na! Naging dragon na ang munting ipis.

ThE BaTtLe Of ThE InStRuMeNtSWhere stories live. Discover now