Chapter 3

5 5 0
                                    

Chapter 3: Will/habilin
Sound: The sound of silence by using a flute

Hindi ko naiwasang magulat. Kaagad na tumingin ang aking mata sa deriksiyon ng daungan. Its full of fog, hindi ko na pinansin ang pagkabasa ulit ng damit ko dahil malakas parin ang ulan ngunit hindi na kumikidlat. Tulad ng Tatay ay basa na rin ang damit.

Their is a big and a pirate-like ship ang lumabas sa hamog na iyon. Dinig na dinig ko ang mga tunog ng tambol na siyang ikinabilis ng puso ko. Masakit iyon sa puso kahit ang layo-layo ng bahay namin sa sentro. Na sa itaas ang kubong-bahay namin , so it is above the mountain.

"Ering, kunin mo ang mga importanteng gamit mo. Kumuha ka na rin ng tinapay para sa paglakbay, alam kung dadating ang panahong ito." May bahid ng lungkot ang boses na sabi nito ngunit ng makita niya akong tinitogan ang kaniyang mukha na parang may hinahanap ay umayos iyon at nagkaroon ng ngiti. Kahit naguguluhan ay sumunod na lamang ako, bago iyon ay nakita ko siyang kinuha ang pala sa gilid ng pintuan at pumunta sa likod ng bahay kung saan mayroong iba't ibang klase ng gulay at prutas. Hindi ko alam kong ano ang gagaein niya don. Bahala na.

Pumasok ako ng bahay, deretso ng kwarto. Kinuha ko ang mga importanteng gamit ko. Kumuha ako ng tatlong saya at panloob pati na rin ang nahagip na litrato namin ni Itay at Nanay. Nilagay ko ang mga iyon sa isang bayong pagkatapos ay pumuntang kusina to get a bread as well as fruits na nilagay ko sa isang sisidlan.

Naabutan kong may bitbit na ang tatay na mahaba at isang maliit na baul. Alam kong namamawis siya kahit umuulan dahil na rin sa paghinga niyang mabilis. Ano bang ginawa niya? Nagbungkal ng baul?

"Tay, ayos lang kayo? Mukha kayong tumakbo, ilang kilometro na?" Pagbibiro ko na siyang ikinagulat kong sinakyan niya.

"Marami na." Ngumisi pa sa akin. Nabagok yata ang tatay.

Napangiwi ako. Napatingin ako sa baul na iyon na ikinamangha ko naman kaagad. Hinawakan ko iyon, pinadaanan ko ng palad. Isa iyong metal na nagmukhang darkbrown na kahoy na inukitan. Hindi ko alam kong may mga letra ba iyon o sadyang ganon lang talaga ang ukit.

Nabalik lang ako sa dati ng yumanig ang aking paanan. Lumilindol ba? Napasigaw ako ng nagkaroon ng crack ang siyang tinatapakan ko mismo. Mabilis akong hinila ni Itay at itinakbo, itinakbo niya ko ng mabilis!

Tinanaw ko ang daungan na siyang ikinaluwa at ikinalaki ng mata ko. May nagpapasabog! Hindi yong sabog talaga, gamit ang mga naglalakihang tambol at bawat palo ng mga taong nasa barko ni Jacks sparrow. Nagcrecreat ng lindol, ang lakas din ng hangin. Mahangin eh abot dito.

Alam niyo idol ko yang si jack sparrow e. Mantakin niyo ba naman, aanhin na siya ng malaking pugitang iyon winewelcome pa niya.

Marami na rin ang nagsibabaan sa napakalaking barko na mukhang mga pirata ng caribbean gamit ang lubid na naging toothpick sa ngipin dahil nandito ako sa malayo. Yon ang tingin ko. May mga pana pa, posible ba yon? Piratang may pana. Siguro, basta ewan ko na lang.

Nagkandakandapilok at tisod pa ako sa mga batong humaharang at butas. Katapusan na ba ng mundo? Kung oo huwag lang sana ako matakluban ng malaking bato okay na ako don. Joke!

Rinig ko na rin ang sigawan at iyakan kahit malayo at tumatakbo kami. Natanaw ko rin ang na pa kalaking fall kung saan tinututuruan ako ng patago ni Tatay lumayag. Nakarinig na rin ako ng mga yapak na sumusunod at papunta sa deriksiyon namin.

(SoundBambooFlute by 陳悅)

Pakiramdam ko ay hinahabol ako ni kamatayan dahil sa biglang pagsulputan ng mga hamog. Hindi ko rin alam na napana pala kanina si Tatay dahil hindi ko na masiyado makita ang daan at ang mga katawan namin dahil sa kapal ng hamog. Doon ko lang napansin ng bumigat at napabitaw ang tatay sa pagkakahawak naming dalawa.

Napatigil ako sa pagtakbo. Nagtubig ang gilid ng aking mata.May tama ang Itay sa balikat at likod.

"T-tay, tay huwag kang pipikit. Aalis pa tayo. Huhu Itay! Tutuslukin ko ng toothpick yang mata mo pag hindi kana mumulat sege ka" panakot ko pa kahit naiiyak. Wala akong paki kung uhugin na ang itsura ko.

Tinablan nga dahil minulat-mulat pa niya ang mata. Salamat naman.

"E-ering, anak umalis kana. Dalhin mo ang baul na ito. Para sa iyo ito, regalo sayo ng Lolo't lola mo pagdating nang iyong kaarawan k-kung saan nasa tamang edad kana. Ingatan mo to at pakahalagahan, isa itong bagay na yaman at matagal ng iniingatan ng mga ninuno natin." Nahihirapan na siya. Umuubo na ng dugo pati ilong ay nilabasan na. Itay!

"I-itay?" Papalayasin niya ako? Pinapaalis niya ako e!

"A-anak makinig ka, gam-mitin mo ang bangka papuntang bayan. Hanapin mo si Panyang na tinaguriang mangagamot doon. Sabihin mo sa k-kanyang nandito na ang itinakda, p-papatuluyin ka niya ng walang bayad at tanong pa." Ano daw?

"Tay huwag  na ngang matigas ang ulo! Sumama kana sa akin." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ama ko nga talaga siya sa kaniya ako nagmana sa katigasan ng ulo. Parang gusto niya na talaga akong paluin at isilid sa sako pagkatapos ay ihagis sa dagat para magpalutang-lutang para ilayo don sa sama ng pagkakatingin at panlalaki ng mata. Ang saklap naman non, nawala yata ang sakit sa katawan niya.

"Ikaw talagang Erica Sabrella Villanueva ay ipapamulto ko sa lola't lolo mo kapag hindi ka nakinig sa Tatay!" Galit na nga talaga. Hindi pa sinama ang nanay. Hay na kong tatay to oh, magtatampo at magagalit ang nanay non.

"Tay! May problema na po ba kayo sa utak at ang pinakakamamahal na Nanay ay hindi niyo na isinama para complete reunion na, hehe"  Hindi ko naexpect ang pag-taas ng kamay niyang hindi niya kanina magalaw at tumama sa batok ko iyon. Binatukan ako!

"Erica Sabrella Prasio Villanueva!" Takbo na! Naging dragon na ang munting ipis. Tumakbo ako ng kay tulin at sa huling lingon ko ay nagsilabasan na nga ang maraming luha. Nakatingin ang itay sa akin habang nakangiting naka dapa sa lupa bago ako tumalon papunta sa likod ng naglalaglagan na tubig kung saan ay may kuwebang daan patungo sa bangkang aking sasakyan. Para umalis, sa lugar na aking kinamulatan. Paalam.

____

A/n:

Malungkot ba? Sadyang ganyan lang talaga ang buhay ano. Sege next na chapter na.

Next: CHAPTER 4: TEASER

Kinuha ko sa bayong ang larawan naming Tatlo.Pagkatapos ay nilagay ko sa aking dibdib bago niyakap at tinitigan ang langit kung saan makikita ang napakalaking buwan katabi ng mga bituin.

"Mabuti pa kayo magkakasama, ni di ko nga kayo mabilang. Ako nandito nag-iisa, hindi na kasama ang pamilya. Walang kaibigan o makakapitan. Siguro kumanta na lang kaya ako ng basang basa sa ulan tutal naulanan naman ako kanina e."

--
Tao,hayop at iba't ibang nilalang. Mga instrumentong di tulog at natutulog ay nabulahaw. Dahil sa dala ng bagay na iyon ay sobrang nagbigay ng impact sa lahat ng nabubuhay.

Ang lakas ng hangin yong tipong bumabagyo na may dalang hangin pero ito ay wala. Liwanag na naglikha ng hangin, parating sa lahat na magsisimula na ang labanan na sana ay natupad noon.

--
Isang matandang lalake at isang batang lalake ang papalaot na sana ng makatanaw sila nang isang maliit na bangkang walang sakay na kahit sino.

Ng malapit ay inabot nila iyon bago tinignan kong ano ang nasa loob at dala ng bangka.

Isang dalagang nakasayang damit na butas butas at tulog na tulog. Sobrang ganda, hindi ito maputi ngunit tan naman ang kulay nito senyales na ilang araw ng nasa dagat.

ThE BaTtLe Of ThE InStRuMeNtSWhere stories live. Discover now