Chapter 4

7 5 0
                                    

Chapter 4: The Lady
Sound: BambooFlute by 陳悅

Sagwan dito, sagwan doon. Para maabot ang sinabing patutunguhan ko, nagpapahinga lang ako kung nagugutom. Wala ng tubig tubig dahil sa katangahan ay wala man lang akong nadala.

Bago ako umalis kanina ay tinanaw ko ang isla. Ang paraiso at tahimik na kinamulatan ko ay naging impyerno na, mausok at mga sigaw ng mga taong nasa loob na nasa kamay ng mga hudas na iyon ay dinig na dinig ko kanina pa. Kasama na ang siyang nagpalaki, nag-aruga at buong pusong minahal ako, ang Tatay.

Nangilid ang luha ko. Bago pa yon bumagsak ay kaagad ko nang pinunasan ng dalawang palad ko. Nagngingitngit ang kalooban na sumigaw ako. Wag na kayong magtaka kung hindi mag-eeco yong boses ko. Nasa dagat ang inyong drama queen, kaya wala. Hindi ako si Tarzan.

Naabutan ako ng gabi at hindi ko alam kong makakaabot pa ako sa bayan, na hindi nauubusan ng tubig sa katawan.

"Itay! Huhuhu... pagbabayarin ko sila. Mamatay man ako tiyak na babalik at babalik ako. Isinusumpa ko! Ipaghihigante ko ang lahat na kinuha niyong mga impakto kayo." Humagulgol ako. Ang sakit! Pano na lang ako, mag isa na lang ako sa buhay.

Binitawan ko ang sagwan na nasa magkabilang gilid ng bangka. Kampante naman ako e, kampanteng hindi mawawala iyon. Nakakabit e.

Kinuha ko sa bayong ang larawan naming Tatlo. Humiga at tinitigan iyon, nangilid na naman ang luha ko. Hinaplos ko ang mukha nilang dalawa ni Nanay at Tatay, na parang pisngi nila iyon. Pagkatapos ay nilagay ko sa aking dibdib bago niyakap at tinitigan ang langit kung saan makikita ang napakalaking buwan katabi ng mga bituin.

"Mabuti pa kayo magkakasama, ni di ko nga kayo mabilang. Ako nandito nag-iisa, hindi na kasama ang pamilya. Walang kaibigan o makakapitan. Siguro kumanta na lang kaya ako ng basang basa sa ulan tutal naulanan naman ako kanina e." Baliw na ako. Mababaliw na nga talaga. Bumalikwas ako pa tagilid. Eksaktong na tignan ko ang baul, sa tulong ng buwan ay may nakikita akong kahit kaonti lang.

Pinadaanan ko ulit iyon ng aking palad. Kaarawan na kaarawan ito pa ang binigay. Nawalan ako ng pamilya at nawalan ako ng tahanan. Nakita ko yong bayong na may letrang nakaukit at aksidente kong naitulak kaya nag-iba ng pwesto, dahil doon ay nacurious ako kung ano ang maging resulta pag nabuo.

Pinagtutulak ko bawat letrang nakikita ko. Sinunod ko lang ang instinct ko, bawat letrang naaayos ay nagiging pamilyar sa akin kong ano ang magiging resulta non.
Villanueva. Yon ang nabuong letra.

Pinasadahan ko iyon ng palad at namangha ako ng umilaw iyon. Napakurap at nabigla  dahil nawala ang mga letra pero napalitan naman ng isang ibong may bitbit ng sanga na may malilit na dahon ang naukit doon.

Hahaplusin ko sana ulit ng naging totoo ang ibon at sobrang puti ng kulay niyon, isang kalapati. Kasabay ang pagbukas ng baul at nasilaw ako kasabay ay napakapit na din sa bangka dahil sa lakas ng pwersa nanggaling doon. Itutumba pa yata ang bangkang ito.

***

Siyudad at bayan

Tao,hayop at iba't ibang nilalang. Mga instrumentong di tulog at natutulog ay nabulahaw. Dahil sa dala ng bagay na iyon ay sobrang nagbigay ng impact sa lahat ng nabubuhay.

Ang lakas ng hangin yong tipong bumabagyo na may dalang hangin pero ito ay wala. Liwanag na naglikha ng hangin, parating sa lahat na magsisimula na ang labanan na sana ay natupad noon.

"Kung sino man ang taong makakalaban ko, I will surely cut the head and rule the world. Maghanda ka na kung sino ka man dahil if I see you, you'll gonna regret it in the rest of your life. Titiyakin kung ako ang mananalo sa huli." Isang pigura ng isang nilalang ang makikita sa itaas ng malapalasyong bahay. Mangingilabot ka talaga, hindi sa itsura niya kundi sa mapanganib na instrumentong pinapatugtog ng gabing iyon.

"Magsisimula na ang hinihintay ng lahat, kung saan ay dapat ng naganap noon. Isang babae, na siyang may sinumpaan at ipinaglalaban. Babaeng may kakayahang hindi kayang pantayan ng kahit sino man." Sa gabing iyon ay nakaharap sa balon ang isang matanda. Nagmamatiyag, tinitigtan ang ginagawa ng lahat.

***

Umaga pa lang ay marami na ang nagkakasiyahan. Sa alak, babae, sayawan at kantahan. Marami na ang nag-iingay. Mga tagalako, tagabenta at mga nag-aaway. Marami na rin ang nagtratrabaho. Katulad ng mga mangingisda, hindi pa lumalabas ang haring araw ay papunta ng laot.

Isang matandang lalake at isang batang lalake ang papalaot na sana ng makatanaw sila nang isang maliit na bangkang walang sakay na kahit sino. Mabilis silang pumunta sa tabi ng dagat at inabangan iyon.

Ng malapit ay inabot nila iyon bago tinignan kong ano ang nasa loob at dala ng bangka. Namangha ngunit kaagad din naman iyon nawala ng nahawakan ang na sa loob niyon. Isang dalagang nakasayang damit na butas butas at tulog na tulog. Sobrang ganda, hindi ito maputi ngunit tan naman ang kulay nito senyales na ilang araw ng nasa dagat. Hindi man kataasan at  hindi man kaliitan, nasa 5,4 ang height. Mainit ang noo nito ngunit  nanlalamig naman ang nga kamay. Napakaputla na ng mukha at parang wala ng dugo na naiwan.

Sa pag-aalala ay mabilis nila iyong kinuha pero bago iyon ay kinuha nila ang mga gamit nito baka kapag magising ay hanapin iyon. Ipinabitbit sa anak ang mga dala sa bangka at ang matanda naman ang bumuhat sa dalaga.

Dinala nila ito sa kanilang bahay. Nabigla pa ang nanay at ang babaeng kapatid ng batang lalake. Sino ba naman ang hindi mabibigla kung ang inaasahan mo na isda ay naging dalaga. Hindi ito serena ha, remember that. Kaagad nilagay ng matandang lalaki ang dalaga sa isang higaan, lumapit naman ang ina ng mga bata. Sinapo ang nuo.

"Eltom! Ikuha mo ko ng bimpo at mainit na tubig. Mamamatay ang batang ito pag hindi naagapan. Jusko! Ang taas ng lagnat. Putlang-putla na." Pagpapanic pa nang babae. Tumalima naman kaagad ang batang lalaki, kinuha ang kailangan ng ina.

"Ito na po Ina.."

"Lumabas muna kayo. Pagkatapos ko dito ay pag-uusapan natin ang nangyari." Nang makalabas ay binihisan niya ang dalaga. Wala na man iyon sigurong malisya babae siya ano. Dinampian niya ito ng bimpo sa noo at kinumutan bago lumabas.

A/n:

Sino yong babaeng natagpuan? Alam niyo na siguro, basta yon na muna ok? Mag-iisip muna ako. Mahirap mag isip guys kaya cutiepeople, maghintay muna ng konte at dederetso tayo kaagad. Basahin niyo na din yong ecocontinue kong Elites moon academy, tiyak maeenjoy niyo din yon.

Next:CHAPTER 5:TEASER

"Tao po! May tao po ba?" Ilang beses na akong katok ng katok, wala yata ang tao dito. Hay nako umuwi na lang kaya ako. Ok last na lang, kakatok ulit ako at pagwala larga na agad dahil kanina pa ako nagugutom.

"Ay garapatang sunog!" Halos lumuwa ang mata ko sa aking nakita't bumungad sa akin. Akma pa lang sana akong kakatok ulit kanina ng bumukas iyon at lumuwa ang isang matandang babae na kaedaran lang ni Tatay. Hindi lang siya matanda ha. Isa siyang maitim na mangkukulam I mean kamukha lang pala.

Napangiwi na lang ako dahil sa sobrang pagkakasama ng tingin nito. Mas naging garapata ang mukha niya! Hehe. Haleluyah, bless be with you.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ThE BaTtLe Of ThE InStRuMeNtSWhere stories live. Discover now