"Holy cow!" Ako na gulat na gulat.
"Cow? Ako baka?"
Si Tristan. Si Tristan na crush ko. Shems. Lagot ka talaga sa akin Ryan.
Shems. Kakahiya.
"Tol. Anyare sayo? Pinag ibigan ba yang nasa noo mo?" tanong ni Luke. Si Luke na laging kasama ni Tristan.
Ano ba Luke? Wag mo nang gatungan at magliliyab lalo.
"Naku. Sorry Tristan. Di ko sinasadya. It was an accident. Nadulas kasi---"
"Yes. I know. Nakita ko." sabi ni Tristan.
"Ah. Nakita mo naman pala. Ano?????!!! Nakita mo??" medyo sigaw kong sabi
"Bakit ka ba sumisigaw? At oo nakita ko kalampahan mo." sabi niya sabay ngisi.
"Huy! Di porke crush kita, maaari mo na akong sabihan ng lampa"
Huli na ng narealize ko ang sinabi ko.
"Ha? Ano yun?" sabi ni Tristan.
"Hotdog. I mean. Wala. Sorry ulit. Sige. Maiwan na namin kayo" sabi ko sabay hila kay Ry na tatawa tawa.
Shems. Kakahiya. Nakakahiya talaga. Una, nakita niya kong nadulas. Pangalawa, sinigawan ko siya. Pangatlo, nagconfess ako sa kanya nang di sinasadya. Gusto ko na lang maging kabuti.
"Xu. Ang epic nun. The best. Hahaha."
"Kasalanan mo ito. Bakit kasi ang lakas mong tumapik. Alam mo namang mas manipis pa sa papel ang katawan ko. Huhu. Wala na. Wala na kong mukha na maihaharap kay Tristan."
"Ayos na rin yan Xu. Atleast nasabi mo diba?"
Sinamaan ko nga ng tingin.
"I mean, ang tagal mo na siyang crush. Baka nga di na crush ang tingin mo sa kanya. Lagi mo lang siyang tinitingnan sa malayo. Mabuti na rin siguro ang nangyari."
"Paano ba ako aamin? Helloooooo. Look at me. I'm just a nobody. I'm nothing special. Ay si Tristan? Oo hindi siya ang pinakasikat sa campus natin pero masasabi kong isa siya sa mga elite students. Kapag itinabi mo ako sa kanya, mukha akong ewan."
"Huy! Grabe siyang idown ang sarili oh. Sinong may sabing you're nothing special? Sino at aking gegerahin? Look at yourself Xuyen. You're beautiful inside and out. Alam kong may mga insecurities ka sa sarili pero lahat ng tao may ganun. Kahit ako. Kaya okay lang yan. Wag kang masyadong magpakastress, okay? "sabi ni Ry na seryosong seryoso.
Ito rin ang isa sa hinahangaan ko kay Ry. Oo gaga yan pero once na magseryoso yan, mapapa wow ka na lang sa mga advices niya.
" Don't worry Xu. I got your back"
"No, thanks Ry." sabi ko sa kanya
"Ha? Bakit??" siya na malungkot
"Baka tapikin mo na naman likod ko at madulas na naman ako" sabi ko na natatawa
"Luka ka talaga Xu. Kinabahan ako dun. Akala ko ay galit ka talaga sa akin."
" Alam mo namang di ko kayang magalit sayo. Tama na ang batok sayo"
"Siya tara na at kumain na tayo. May klase pa tayong sunod."
Lumipas ang araw nang di ko naaalala ung nangyari kanina. Nag aayos na ko ng gamit ko para umuwi.
"Xu. Una na ako sayo ha. Sinundo ako ni bf. Hihi."
"Harot101. Siya layas na ikaw. Shoo."
"Bye. Kapit ka sa hawakan sa hagdan ha. Hahaha." sabi ni Ry sabay takbo.
Ang babae talagang yun. Palabas na ko ng room nang may nakita akong anino sa may pinto. Nanindig ang buhok sa katawan ko. Naglakas loob akong tingnan yung anino.
"Anak ng tipaklong!"
YOU ARE READING
Nostalgia
RandomI used to believe in fairy tales. Yung tipong may prince charming and knight in shining armor with matching white horse. But in reality, walang ganun. Xuyen is a girl waiting for her one and only. Someone who will save the damsel in distress. Someon...