Bigla akong kinabahan nung makita ko ang message niya."Xu. May part time job akong nakuha ngayong academic break. Kasama ko nga pala sa job si Trixie" ito ang laman ng message ni Tristan.
"Saan naman ang part time job mo? Para mabisita kita minsan" sagot ko
"Medyo malayo Xu. Message na lang kita"
"Sige. Ingat ikaw lagi sa work." sabi ko
Ilang araw after magsimula ang academic break. Kasama ko sa kwarto ko ang pinsan ko. Konting bonding lang.
"Musta lovelife pinsan kong maganda?" sabi ko
"Okay lang naman pinsan kong maganda" sagot niya.
"Kuh. Buhatang buhatan ng bangko ang magpinsang ito." sabi ng inay. Di namin napansin na nasa kwarto pala ang inah at nagdala ng juice.
"Hahaha. Tita. Nasa lahi po kasi" natatawang sagot ng pinsan ko.
"Sabi po sa inyo inay. Maganda ako. Hahaha" gatong ko kay pinsan
"Oo na lang" sagot ng inay sabay labas ng kwarto
"Mabalik tayo pinsan. Okay lang means may bf ka? Tama ba ako?" paglilinaw ko
"Ha? Wala. Single ako pero happy kaya okay lang ang sagot ko."
"Aaah. Akala ko kasi may bf ka na"
"Wala. Ikaw? Diba may bf ka? Ano ngang name nun?"
"Ay oo. Meron. Si Tristan Mendoza ang bf ko" sabi ko kay pinsan. Napansin ko naman na medyo nag iba ang facial expression niya. "Bakit pinsan? May problema ba?"
"Wala naman. Patingin nga ako ng picture ng bf mo"
Kahit na nagtataka ako sa ikinikilos ng pinsan ko, ipinakita ko ang picture ni Tristan. Nanlaki ang mata ni pinsan kaya lalo akong nagtaka sa ikinikilos niya
"P-pinsan." Nauutal niyang sabi
"Bakit? Anong problema?"
"May sasabihin sana ako. Wag ka sanang mabibigla"
Kinakabahan ako lalo. Naisip ko na baka may gf na iba si Tristan. Naisip ko rin na baka pinsan ko yung gf na yun base sa ikinikilos niya.
Kahit na kinakabahan, sumagot ako sa kanya.
"Ano yun?"
"Si Tristan. Yang bf mo. Ah. Eh. May gf na iba" sabi niya.
Yung bigat na nararamdaman kanina pa, lalong bumigat. Ramdam ko rin na ang sakit ng puso ko. Kahit na nasasaktan, nagsalita pa rin ako.
"S-sino? Sino siya?"
"Si Trixie." Nagpakita rin siya ng picture ni Trixie. "Kabarkada siya ng kabarkada ko. Nakasama ko siya minsan. Noong panahon na yun, di ko alam na bf mo si Tristan. Hinatid at sinundo niya si Trixie nung araw na yun. Tinanong ko yung kabarkada ko kung sino yung sumundo kay Trixie. Sabi niya, bf daw ni Trixie at mag aanim na buwan na sila. Sorry Xu. "
Nadurog ang puso ko sa nalaman at narinig ko. Hindi ko alam ang gagawin. May kutob na naman ako noon pero dahil nga sa may tiwala ako sa kanya, hindi ako nagduda. Ang sakit lang. Anim na buwan nila akong niloloko. Tatlong buwan palang kami ni Tristan nung maging sila ni Trixie. Tama nga pala si Ry. Tama nga pala mga kaklase ko.
Tunay nga palang love is blind. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko nakita na naging tanga na ako. Ang tanga tanga ko. Ang daming nagsabi sa akin pero di ako naniwala sa kanila. Bakit? Bakit ganito?
Bigla akong napaluhod. Nanlambot ang tuhod ko. Hindi ko na rin napigilang umiyak. Ang sakit. Ang sakit sakit. Nagkulang ba ako? Saan ako nagkamali?
Biglang nagring ang cp ko.
"Xu. Si Tristan. Natawag" sabi ng pinsan ko.
YOU ARE READING
Nostalgia
RandomI used to believe in fairy tales. Yung tipong may prince charming and knight in shining armor with matching white horse. But in reality, walang ganun. Xuyen is a girl waiting for her one and only. Someone who will save the damsel in distress. Someon...