Maaga akong gumising dahil first day of work ko. Naeexcite ako na kinakabahan. This is it!

Nag open muna ako ng social media ko. Wala namang bago. Mga taong nagpaparamihan lang ng likes sa kanilang posts at profile picture.

Hinagis ko ag phone ko sa kama at nagpuntang cr para maligo. After kong maligo at kumain, naghanda na ako para pumasok sa trabaho.

"Inay. Tatay. Aalis na po ang maganda niyong anak."

"Wala pa ring pinagbago." Sabi ng tatay.

"Ingat ikaw." Sabi ng inay.

"Opo."

Sumakay na ako papunta sa work. Pagkarating sa work, nanlamig lalo ang kamay ko. Natatae ako sa kaba. Ano ba yan!? Ayaw kong maglahok. Shems. Kakahiya. Baka maging first day of work, resigned agad.

Hoooo. Xuyen! Happy thoughts. Happy thoughts lang ang isipin mo.

After ipakilala kaming mga bago, nagsimula na kami sa work. Mabait naman sila. I think mag eenjoy ako dito.

Tama nga ang sinabi ko noong first day ko. Magtatatlong taon na ako sa trabaho ko. Napromote din pala ako.

Lunch time.

Nagcheck ako ng social media ko. Nakita ko na may nag friend request sa akin.

"Teka. Kilala ko ito ah. Diba may girlfriend ito?" Sabi ko sa sarili ko.

So ini stalk ko muna profile niya. Ganito kasi ang ginagawa ko bago ko iaccept mga nagrerequest sa akin. Iniiwasan ko lang ang gulo kaya ginagawa ko ito.

Since kilala ko nga siya, ilang beses kong sinigurado kung sila pa ng gf niya only to find out na wala na pala sila. So, ako naman ini accept yung request niya.

After kong iaccept siya, ibinalik ko na phone ko sa bag at nagsimula na ulit magwork.

"Goodbye po!" Sabi ko bago umuwi

Sa biyahe, naisipan ko ulit magcheck ng social media ko. May message yung ini accept ko kanina.

"Thank you for accepting." Yan yung nakalagay sa message niya.

"No worries." Sagot ko naman.

Nabanggit ko na kilala ko siya. We used to be neighbors pero di kami close. Di nga kami bag uusap. This is the first time na nag usap kami at sa social media pa.

"Pede bang makipagkaibigan?"

Hayst. Mga linyahan nga naman. By the way, i decided to open my heart again. I mean matagal na rin simula nung nangyari yun.

"Oo naman."

"Can I ask for your number?" Tanong niya. Aba! Mabilis ang taong ito.

"Why?" Siyempre, pasungit effect tayo. Baka isipin niya easy to get ako. Pati bakit yun ang itinanong mo. Opkors oara itext ka. Gaga.

"Ahmmm. Di kasi ako malimit online kaya balak ko sanang itext ka kapag di ako online." Pag eexplain niya.

Yun naman pala.

"09*********". Ibinigay ko ang number ko.

"Yun naman. Salamat." Sabi niya. "Akala ko masungit ka?"

"Tunay yun. Masungit talaga ako." Pagkukumpirma ko sa sinabi niya. "Paano mo naman nasabi na masungit ako? First time palang natin nag uusap at dito pa sa social media?"

"Kilala kita. I mean we used to be neighbors, right?" Sabi niya.

Shems. Bakit napangiti ako nung sabihin niyang kilala niya ako. Harot101.

"Oo. Naging kapitbahay kita."

"Malimit kitang makita. Bihira ka lang ngumiti."

Aray! Tinamaan naman ako. Nagtataka siguro kayo kung bakit naging magkapitbahay kami. I mean kanila pa rin naman ang bahay pero tiyahin na niya ang nakatira. Minsan umuuwi sila para magbakasyon. Unlike noon na dito talaga sila natira at natigil.

"Alam na alam mo ah."

"Ikaw kasi. Di ka marunong lumingon sa likod mo." Sabi niya. Shems. Kinikilig ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NostalgiaWhere stories live. Discover now