"Tristan"

Nung nagtama mga mata namin, bumalik lahat ng sakit na akala ko ay wala na. Hindi ko na lang ipinahalata 'cause i don't want to give him satisfaction.

"Ikaw palang ga--" Pinigilan ko si Ry sabay hila. Ayaw ko lang makahatak ng atensyon. I don't want drama.

"Xuyen." Banggit ni Tristan.

"Tara na Xu. Nawalan na ako ng ganang kumain. Uwi na tayo." Pag aaya ni Ry. Aalis na sana kami nang pigilan kami ni Tristan.

Napataas ang kilay ko nung hawakan niya ako. Napansin ito ni Tristan kaya napabitaw siya.

"Xuyen. Sorry. I know that this is not enough. Alam kong hindi ito sapat para mapatawad mo ako. Sobra ang tiwalang ibinigay mo sa akin pero anong ginawa ko? Sinira ko lang ito and i'm really sorry."

"..." Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya.

" Wala na nga pala kami ni Trixie. Ilang araw after nating magbreak, nalaman ko na may iba rin siyang bf. Xu---"

" I don't care." Sagot ko. "I don't care about you and that girl. Siguro naman, you don't expect me to get back to you after hearing those? I have nothing to do with you anymore. So, get lost." I told him then turned my back at him. Alam kong medyo hard pero mas masakit ang ginawa niya sa akin.

Kasalanan niya kung bakit ako naging ganito. Kasalanan niya kung bakit may pagdududa ako lagi. Kasalanan niya kung bakit may trust issue ako. He made me into a monster.

Ilang hakbang palang humarap ulit ako sa kanya.

"Can I ask you a question?" Tanong ko.

"Y-yes." Sagot niya. Kita kong nabuhayan siya ng loob.

"How come na ngayon ka lang nagpapaliwanag? Bakit hindi ka nagpaliwanag noon?" Tanong ko.

"Kasi alam kong galit ka kaya i didn't bother to talk to you."

"Bullshit! It's normal na magalit sa sitwasyon yun. Ang sabihin mo hindi mo naman talaga ako minahal. Na ginawa mo lang akong trophy girlfriend. Na nachallenge ka lang sa akin. Na nagtake advantage ka lang. Kasi kung mahal mo ako or kung may respeto ka man sa akin, magpapaliwanag ka kahit na alam mong galit ako. " Galit pero mahina kong sabi sa kanya.

"Please Xu. Patawarin mo na ako. I still love you."

"Naririnig mo ba ang sarili mo Tristan? I'm not a fool. Not anymore. I'm not the same old Xuyen you knew. I've changed. Thanks to you." Sabi ko kay Tristan. "Okay. Forgiven but not forgotten. So, simula ngayon wag mo na akong kakausapin. Never again." Dagdag ko.

Umalis na ako after kong sabihin yun. Ang sakit na kasi. Sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik lahat.

Napansin ko na kasunod ko na pala si Ry. Tahimik lang siya. Siguro pinakikiramdaman niya ako.

"Alam kong may sasabihin ka. Go."

"Okay ka lang Xu?" Nag aalalang tanong ni Ry.

"Never better. Atleast nawala ang bigat ng nararamdaman ko kahit papaano."

It's true. Though masakit pa rin, iba iba na ang pakiramdam ko. Hindi na siya kasing bigat tulad ng dati. Maybe because nailabas ko ang matagal ko nang kinikimkim.

Ang natitira na lang ngayon ay to move forward. Pag aaral muna priority ko ngayon. May tamang panahon para sa mga bagay na yan.

NostalgiaWhere stories live. Discover now