Biglang nagring ang cp ko."Xu. Si Tristan. Natawag" sabi ng pinsan ko.
Kahit na nangangatal ako, sinagot ko ang tawag niya. Si Tristan ang unang umimik.
"Hello Xu?" Panimula niya.
"..."
"Hello? Xuyen ikaw ba ito?"
"Totoo ba?" tanong ko. Gusto kong marinig mismo sa kanya.
"Totoo ang alin? Anong ibig mong sabihin?" Di ko alam kung hindi niya ba alam o nagtatanga tangahan lang siya.
"Totoo bang kayo ni Trixie matagal na?" I told him coldly.
"X-xu. L---"
"Don't call me Xu!" Pagalit kong sabi. "Just answer my goddamn question Tristan! Totoo bang kayo ni Trixie?!"
"Oo pe---" sago niya pero pinutol ko na kung anuman ang sasabihin niya. Enough with his lies.
"Break na tayo." Sabi ko sabay baba ng tawag. I didn't wait for his reply.
"Xu." tawag sa akin ng pinsan ko.
"Galit ako. Galit na galit ako. Galit ako kay Tristan pero mas galit ako sa sarili ko. Hinayaan kong lokohin nila ako. Pinagmukha nila akong tanga. They took advantage of me." hagulhol kong sabi.
Hinayaan lang ako ng pinsan kong maglabas ng sama ng loob.
"Marami namang nagsasabi sa akin noon pero mas pinili kong panghawakan ang i love you niya. Akala ko sapat na na may tiwala ka sa partner mo. Nakalimutan kong it takes two to tango."
Iniiyak ko lang lahat. Iniiyak ko ang sakit na nararamdaman ko.
"Xu. Alam kong masakit pero tama na. He's not worth it." sabi ng pinsan.
Tama siya. Nung marinig ko ang sinabi niya. Pinahid ko ang luha sa mukha ko. He's not worth it. He's a trash. A good for nothing two-timer.
Sinabi ko sa sarili ko na sa simula lang masakit pero time heals all wounds ika nga. Mawawala rin ito.
Nung hapon ay umuwi na rin ang pinsan ko. Naghilamos ako para di mahalata ng family ko ang nangyari. Hindi ko pa nga pala naipapakilala sa family si Tristan. All they know is that he's my close friend. Mali kasi lagi ang timing. Di rin naman niya ipinilit. Siguro dahil naglalandian na sila ni Trixie noon. My family don't need to know that trash. Sorry. Bitter. Initindihin niyo na lang.
Days passed pero ni hindi siya nagtext o tumawag sa akin to explain his side. Well, i didn't expect him to do that and I'm not interested too. Siguro busy sila ni Trixie.
Enrollment na ulit.
"Xuuuuuuu!!!!" sigaw ni Ry.
"Sshhhh. Wag ka ngang sumigaw. Baka mapagalitan tayo." sabi ko sa kanya
"Wag ka nga. Miss lang kita. Nasaan nga pala si Tristan?" tanong niya habang palinga linga at hinahanap si Tristan
Siguro nagtataka kayo. Yes. Hindi alam ni Ry ang nangyari. I opted not to tell her about it. Ayaw kong masira ang bakasyon niya. Pati knowing Ry, for sure kawawa si Tristan sa kanya lalo na si Trixie.
"Xu. Ano na? Nasaan na si Tristan? Buong academic break siyang di nagparamdam. Buti pa si Globe, nagpaparamdam." Tanong niya sa akin.
"Ry. May sasabihin ako pero sana wag kang mabibigla." Panimula ko.
"Don't tell me... Preggy ka? Juntis ka? Ninang na ako?" Exaggerated niyang sabi.
"Araaaay!" Binatukan ko kasi. May makarinig akalain nila totoo.
"Baliw. Hindi." Maikli kong sagot.
"Ay ano?"
"Wala na kami ni Tristan." Plain kong sabi.
"Aahh. Wala na pala kayo ni Tristan." Pag uulit niya. "ANO?????!! Wala na kayo ni Tristan?
YOU ARE READING
Nostalgia
RandomI used to believe in fairy tales. Yung tipong may prince charming and knight in shining armor with matching white horse. But in reality, walang ganun. Xuyen is a girl waiting for her one and only. Someone who will save the damsel in distress. Someon...