Lumipas ang isang taon at kalahati simula nung paghaharap namin ni Tristan. After that day, wala na akong narinig about sa kanya. Well, wala naman na akong pakialam sa kanya. Bahala siya sa buhay niya.

"Hayst." Rinig kong buntong hininga ni Ry.

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya.

"Haaayyyssst." Buntong hininga ulit ni Ry.

"Ano ngang problema mo? Ang lalim ng buntong hininga mo." Tanong ko ulit sa kanya. Ang hitsura niya kasi ay akala mo'y pasan niya ang daigdig.

"Xuuuyeeeennnn. Tulungan mo ako." Mangiyak ngiyak niyang sabi.

"Ano nga kasi yun? Kanina pa ko tanong ng tanong pero di ka naman sumasagot." Sabi ko sa kanya.

"Thesis. Defense." Yan lang ang sinabi niya pero nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin.

"Tumulong ka ba sa paggagawa ng thesis niyo?"

"Oo naman. Ako pa. Ayaw kong maging pabuhat no." Pagmamalaki ni Ry.

"Yun naman pala. As long as alam mo ang ginawa niyo sa thesis niyo, masasagot mo lahat ng itatanong sayo sa defense." Tama naman ako diba? "Isa pa maghain kayo ng polboron bilang snacks pero walang tubig." Natatawa kong dagdag.

"Gaga ka Xu. Gusto mo ba kaming bumagsak? Paano kapag nabilaukan panelists at walang tubig?" Natatawa niyang sagot.

"Biro lang naman yun. Nasa inyo naman kung susundin niyo yun. Pinapatawa lang kita."

Graduating na kasi kami. Kaya need namin na maipasa ang thesis para sure na makakatapos kami.

"Nga pala Xu. May napipisil ka na bang pasahan ng resume mo?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman. Ikaw ba?" Pagbabalik tanong ko.

"Meron na rin." Masaya niyang sagot.

Hindi na kami nagsama sa trabaho. Nakakasawa na kasi ang mukha ni Ry. Hahahaha. Pati baka magchikahan lang kami sa trabaho kapag nangyari yun.

Lumipas ang ilang buwan at nagpapraktis na kami ng graduation. Nakapasa kami ni Ry sa defense at final exams. Naaalala ko pa hitsura ni Ry before and after ng defense nila. Sobrang putla niya bago ang defense. Sabagay kahit sino naman nenerbiyosin sa defense. After naman ng defense, napayakap na lang siya sa akin sa sobrang tuwa.

Graduation day.

"Congratulations Graduates!"

Pagkasabi ng MC ng mga salitang yun, hinagis namin ang hat namin kahit na bawal. Ano ba?! Masaya kasi kami. Napangiti na lang ang dean namin.

Nakita ko ring palapit na sa akin si Ry.

"Xuuuuuuu! Congratulations sa atin!" Masaya niyang sabi.

"Congratulations sa atin Ry!" Sagot ko sabay yakap sa kanya. Mamimiss ko ang babaeng ito. Wala nang sasalubong sa akin tuwing umaga. Well, andiyan naman ang social media.

"Mamimiss kita Xuyen!" Mangiyak ngiyak niyang sabi

"Mamimiss din kita Ry." Sagot ko. "Oh! Wag kang iiyak. Di bagay sayo."

"Ano ba yan Xu!? Panira ka naman ng moment iih. Papatak na sana yung luha ko." Natatawa niyang sabi.

"Gusto ko lag maging masaya ang araw na ito."

Nagcelebrate lang kami with our families. After that, naghiwa hiwalay na kami para umuwi.

Humiga na ako sa kama ko para magpahinga. Napaisip ako. Ang daming nangyari sa college days namin. Pero sa mga pangyayaring yun ako natuto at natutong maging matatag. New chapter na ulit ako ng buhay ko. Kaya ko ito!

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

NostalgiaWhere stories live. Discover now