"Aahh. Wala na pala kayo ni Tristan." Pag uulit niya. "ANO?????!! Wala na kayo ni Tristan?"Sakq nagsink in sa kanya ang sinabi ko.
"Kailan pa? Bakit? Anong nangyari?" Sunud sunod niyang tanong.
"Kalma girl. Noong academic break. Two timer. Trixie." Yan lang ang sinabi ko.
Knowing Ry, alam kong makukuha niya ang whole story given only these words.
"P*ta. Nasaan yang trixie na yan?! Kakalbuhin ko. Pati yang Tristan na yan. Akala mo kung sinong napakatinong lalaki. Gago pala. Nag enroll ba yun? Hahanapin ko lang Xu."
Pinigilan ko si Ry.
"Ry. Kalma lang pede ba?" sabi ko. Kumalma naman siya nang konti. "Tapos na yun. Wala akong planong harapin o kausapin siya. Not today nor in the future." Sabay ngiti ko sa kanya.
"Fine! Pero di mo ako mapipigilan kapag nakasalubong ko mismo sila."
"Salamat Ry."
So yun! I told her the whole story. She's mad as hell. Mas galit pa siya kaysa sa akin. Akala mo ay siya itong naloko.
Nalaman din naman na di nag enroll si Tristan at lumipat na ng school. Well, i don't care kung sang lupalop siya pumasok. Mas maigi nang nagkusa siyang umalis dito. Masyado nang maliit ang mundo para sa amin.
Ang goal ko ngayon ay pagbutihan pa lalo ang pag aara.
Lumipas ang mga buwan. May ilang mga nagpapakita ng motibo sa akin pero di ko pinapansin. Minsan nga narinig ko silang pinag uusapan ako. Tawag nila sa akin ice queen.
Yes. Eversince nangyari yung kay Tristan, nagbago ako. Hindi na ako tulad ng dati na palangiti at binabati ang mga nakakasalubong. Maliban kay Ry at sa ilang classmates namin, wala na kong pinapansin. Alam ko namang kakaawaan lang nila ako. I don't need their pity. I want peace of mind.
"Xuuuu!" Sigaw ni Ry malapit sa tenga ko.
"Ay poootek! Ano ba Ry!?" sagot ko.
"Kanina ko pa kasi kitang tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo. Hindi ko na mahukay sa sobrang lalim." Pagpapaliwanag niya sa akin.
"Bakit ba kasi?" Irita kong sabi. Goodbye peace of mind.
"Ito oh. May nagpapabigay na NAMAN."
"Iyo na lang." Sabi ko kay Ry. Tulad ng sabi ko, maraming nagbibigay motibo sa akin pero di ako interesado kaya itong isang ito ang swerte lagi.
"Thank you Xu! Wala nang bawian ha?"
"Oo. Iyo na yan."
"Bat ba kasi ayaw mong tanggapin? Kahit itong mga bigay nila?" Tanong ni Ry.
"Kasi once na tinanggap ko yan, they'll think na may pag asa sila sa akin and I don't want that."
"Sabagay. May point ka. Kahit kailan, napaka straightforward mo."
"Maganda na yung diretsahan kaysa paligoy ligoy ka pa."
Napansin naman ni Ry itong ginagawa ko.
"Diba sa isang araw pa ang pasa niyan? Bakit ginagawa mo na agad?"
"Bakit ko pa ipagpagpabukas kung kaya ko naman gawin ngayon."
"A philosopher once said. Xuyen, 202x." Tatawa tawa niyang sabi.
Sakto namang dumating na ang sunod naming prof. Habang nagkaklase, hindi ko mapigilang hindi lumipad ang isip ko sa ibang bagay. Ewan ko ba. Naging overthinker na ako.
Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase. Pauwi na pala kami ni Ry nang may nakita kaming di kaaya aya.
"Tristan"
YOU ARE READING
Nostalgia
RandomI used to believe in fairy tales. Yung tipong may prince charming and knight in shining armor with matching white horse. But in reality, walang ganun. Xuyen is a girl waiting for her one and only. Someone who will save the damsel in distress. Someon...