Revenge 5: Esshey Salazar

2.6K 74 1
                                    

"Kumusta lakad nyo?" tanong ni Mommy pagkarating naming tatlo.

"Okay naman po tita. Nagpaalam na po kami sa school and the other requirements para makapag drop eh ipapaasikaso ko nalang sa abogado namin." Sabi ni Darren.

"So, magbabakasyon nga ako dito tapos pupunta naman kayo ng Korea?" nakapout na sabi ni Jay.

"Sumama ka nalang kasi." sabi ko.

"Talaga? Pwede?"

Tumango lang ako.

"Yess! I'll call ate Precy na to asikaso my flight for Thursday." Tuwang tuwang sabi Jay at saka umalis para tawagan ang kanyang personal assistant.

Bigla naman akong nalungkot dahil masakit isipin na ang mga taong itinuring mong tunay na kaibigan ay mga manggagamit lang pala at mas nakakalungkot isipin na nagpakatanga ako ng ilang taon sa pagsunod sunod sakanila.

Sa malalim kong pag iisip ay hindi ko namalayan na tumabi na sakin si mommy.

"Okay lang yan baby. Everything will be fine. Ipakita mo sakanila na hindi ka yung taong inaapi api lang. You're a Salazar and we are known to be one of the richest family in Luzon kaya wag ka nang mag alala." Sabi ni mommy at niyakap niya ako. Totoo nga ang kasabihan na "Mother knows best".

***

Thursday

"Baby, be a good lady huh. Alam mo naman siguro ang purpose kung bakit ka pupunta sa Korea. Make them regret na inapi api ka nila. Don't worry, bibisitahin ka naman namin doon." Sabi ni mommy habang nagpapaalam sakin.

"Opo my." Sabi ko at niyakap siya. Sa pagyakap kong iyon kay mommy ay may nakita akong pamilyar na mukha.

"Wilson?"

"Wilson? Yung baliw mong ex boyfriend?" tanong ni mommy tsaka umalis mula sa pagkakayakap sakin.

Si Wilson, nandito siya. Sinundan niya kaya ako?

Magsosorry kaya siya?

"Baby.." tawag sakin ni mommy pero di ko lang siya iniintindi. Nanatili akong nakatingin kay Wilson na abalang abala sa cellphone nya.

Aaminin ko. Kahit na ginawa nya sakin yon ay mahal ko pa rin siya. At baka kung humingi siya ngayon ng tawad ay papatawarin ko agad siya.

"Babe!" napatingin ako sa babaeng tumawag. Si Daianna.

Lumingon naman si Wilson at niyakap si Daianna. Parang nanonood lang ako ng love story ah. Kaso nga lang, hindi ako kinikilig. Nasasaktan ako.

Naramdaman yata nila na may nakatingin sa kanila kaya tumingin sa direksyon ko si Daianna at bigla nyang hinalikan si Wilson.

Aray! Hindi ko namamalayan na sunod sunod na pala ang pagpatak ng mga luha ko.

"Ess, let's go na." yaya sakin ni Jay.

"Bes, wag mo na silang tingnan. Ang isipin mo, ang pagpunta mo sa Korea at ito na ang simula ng pagbabago mo. Ipakita mo sa loka loka kong pinsan na walang wala siya kumpara sayo." sabi naman sakin ni Eloisa.

"Bes, halika na. Tinatawag na yung flight natin." tawag sakin ni Darren.

"Baby, you'll be fine. Ingat kayo dun lagi." mommy said at dumiretso na kami sa loob ng eroplano.

***

After 8 years..

"Ma'am, everything is already settled. The show will start after 10 minutes."

Ms.Chubby Nerdy's Great Revenge (Under Editing ^_^V)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon