Revenge 7: Meeting the Past

2.5K 60 1
                                    

"Bes!" salubong saakin ni Eloisa pagkarating na pagkarating ko sa bahay. Aba eh hindi man lang ba ako nito pagpapahingahin?

"Wala ka bang balak pagpahingahin man lang muna ako?" tanong ko sakanya.

"Eh binati lang naman kita eh." Ay ganon? Nga naman Ess, binati ka lang nya.

"Samahan na kita sa kwarto mo. Si manang na bahala jan sa mga bagahe nyo." sabi niya sabay kuha nina manang sa mga dala ko.

"Salamat po manang." pagpapasalamat ko sa matanda.

"At ikaw Loise, bakit kailangan mo pa akong samahan sa kwarto ko eh bahay namin to? Ano bang sasabihin mo? Tara na nga sa kwarto." binati lang daw. Sus! May gusto pa yata tong sabihin eh. Palusot pa kanina.

"Eh ako?" tanong ni Darren. Oo nga pala. Kasama ko nga pala sya. Nakalimutan ko eh.

"Sumunod ka nalang doon sa kwarto ko."

"Sama na ako. Di ko alam kung saan jan ang kwarto mo eh. Hindi mo man lang kasi ako nasabihan na ibang bahay pala ang uuwian natin. Aba, nakakapagod kung hahanapin ko pa kayo kung saan ang kwarto mo." sabi nya. Oo nga pala. Di nga pala kami umuwi sa tunay naming bahay. Sa bahay bakasyunan namin ng pamilya ko sa Baguio ang pinuntahan namin. Di kasi to alam ni Darren eh. Si Eloisa lang kasi ang napagkwentuhan ko nito nung high school kami. Alam nyo na, nahiwalay nga kasi kami kay Darren dahil sa pagsali namin doon sa grupo ng baliw na pinsan ni Eloisa. Anyways, wag nyo nang isipin yon. Di na yun mahalaga.

"Sige na. Dami pang satsat eh." sagot ko sakanya at dumiretso na kami sa kwarto.

***

"Loise, ano na? Ano nang sasabihin mo?" naiinip na tanong ko kay Eloisa. Aba, gusto ko nang matulog eh. Babyahe pa kami bukas papuntang Camarines Sur.

"Eh kasi..." akala ko itutuloy nya na yung sasabihin nya. Paasa huh. Ang sakit talagang umasa eh no? Nagmumukha kang tanga. Anyways, highways, hindi ako bitter. Hindi talaga promise! Pasuspense pa kasi tong si Eloisa eh.

"Kasi ano? Pasuspense pa eh. Gusto ko nang matulog!" pag iinarte ko.

"Hindikopanaaasikasoyungpartymo" pikit mata at mabilis nyang sagot. At dahil magaling ako, naintindihan ko kung ano yung sinabi nya pero dahil LOSER si Darren.....

"Huh?" nalito. Sabi sainyo eh, loser yan.

"Walang ulitan sa bingi." sagot naman ni Eloisa .

"Psh." bored na sagot ni Darren.

"Loser talaga." mahinang sabi ko at bumuntong hininga pa. Kunwari naiistress sa pagiging loser ni Darren.

"Hindi ako loser no!" defensive na sabi ni Darren.

"I didn't say a name. Defensive." sabi ko at umiling iling pa. HAHAHAHAHAHA! Kdot Happiness.

"By the way Loise, mabuti na yun. May naisip kasi akong mas magandang plano. Kilala naman ako bilang Esshey Salazar eh kaya I think, hindi pa to ang time para ibunyag ang true identity ko. Mas maganda pag may thrill." nakangiti kong sabi kay Eloisa habang iniimagine ang magiging mukha nina Wilson at Daianna's group pag naisakatuparan ko na ang aking revenge. Essence Hershey Salazar version 2.0's Revenge. *evil laugh*

"Hay salamat. Akala ko, magagalit ka eh." nakahinga ng maluwag na sabi nya.

"So ngayon naman Ess..." pasuspense nanaman. Sakit ba nya to? Ba't ngayon ko lang nalaman? Super mayaman na ako compared sa dati kaya kayang kaya ko syang ipagamot. --,

Ms.Chubby Nerdy's Great Revenge (Under Editing ^_^V)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon