Revenge 1: The Rumor

3.3K 77 1
                                    

Revenge 1:

Bigla nalang nagring ang cellphone ko..

Sinagot ko naman agad..

I was about to say hello when..

(What?! That chubby nerdy?! hello! Wala kang pakialam kung ano ang dapat namin gawin sakanya Eloisa! Sya ang sumisira sa image ng grupo natin, like hello! ang Pangit kaya nya..) hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Daianna..

(Pero wala syang ginagawang masama sainyo.. mabait sya at hindi nyo na kailangan pang husgahan ang itsura nya. Saka hindi sya pangit. Mataba lang sya at hindi palaayos which is also normal...) I know that was Eloisa's voice.

(Tigilan na nga natin tong usapang ito Eloisa! Wala na tong patutunguhan.. Lagi nalang syang kinakampihan ni Darren.. Basta ang alam ko lang.. WALA AKONG PAKIALAM AT WALA AKONG BALAK MAKIPAGKAIBIGAN SA ISANG CHUBBY NERDY) after that, the call ended.

Umiyak ako noon at tinapon lahat ng unan at maglalaslas na sana nang...

Hinihingal akong napaupo sa kama ko. Panaginip lang pala. pero teka, bakit parang totoo? Umiyak nga talaga ako eh.. Matingnan nga ang ce------

"Essence, what happened? bakit ka nagdadabog at bakit nagkalat ang mga unan dito?" tanong ni mommy..

Ay naku, nasa bahay nga pala kami nina lola kaya rinig na rinig kung nagdadabog ka. Wrong timing!

"Wala po my, sige, tulog na po tayo. May pasok pa po kasi ako bukas." naka ngiti kong sabi Kay mommy.

***

Nasa eskwelahan ako ngayon at kasalukuyan kong kinukwento kay Eloisa ang nangyari pero parang namumutla yata sya.

"Eloisa, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko sakanya..

"Ah-eh, medyo nahihilo kasi ako." Sagot ni Eloisa habang hinihimas ang sentido nya.

"Gusto mo, samahan na kita sa clinic?" tanong ko sakanya ulit.

"Hindi! Ah-eh ang Ibig kong sabihin, wag na. May dala naman akong gamot. Tara na sa classroom?" parang umiiwas na sagot nya. Parang may something pero di ko nalang pinansin. Baka talagang masakit lang ang ulo nya.

"Sige, Tara na.." sagot ko nalang.

Papalapit na kami noon sa classroom nang marinig namin na nag-uusap usap ang mga classmate namin at sina Daianna..

"Alam nyo ba guys, si Essence, na ano na daw yan nung boyfriend nya at tuwang tuwa pa syang kinukwento yun saamin.. Like hello! It's so nakakadiri kaya when you tell the whole kaganapan when you are doing that. Painosente lang yan pero grabe naman yan. Tsk.. Diba girls! kaya nga ayaw namin sakanya at si Eloisa lang ang kakampi nya. Sinabihan na rin nga namin si Eloisa pero gusto nya pa rin makipagfriends sa malanding yon. Ayaw ko sanang nakikipagfriends sya sa mga bad influence katulad nyang si Essence pero ayaw nya magpaawat eh kaya bahala na silang dalawa." maarteng pagkukwento ni Daianna. Sinang-ayunan pa nina Jeisa. Hindi ko alam kung bakit nya sinabi ang mga yon. Alam kong alam nya na walang katotohanan ang lahat ng sinabi nya. Ni hindi nga kami nagkikiss ni Wilson eh dahil alam kong nirerespeto nya ako bilang girlfriend nya. Kaya hindi ko matatanggap lahat ng mga sinabi ni Daianna pero ang masakit sa lahat, hindi ko kayang tanggapin lahat ng sinabi nya pero alam kong wala pa rin akong kayang gawin para ipagtanggol ang sarili ko dahil wala akong lakas ng loob.

Hindi ko na napigilang umiyak at tumakbo nalang ako papalayo..

"Essence!" tinawag ako ni Eloisa pero hindi ko sya nilingon. Gusto ko mapag-isa pero teka lang. Na kakapagod palang Tumakbo Pababa ng hagdan noh!

Ms.Chubby Nerdy's Great Revenge (Under Editing ^_^V)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon