Revenge 13: First Step

1.8K 33 1
                                    

Nasa mall ako ngayon. Anong ginagawa ko, nagshashopping syempre. Wapakels ako sa mga paparazzi jan. Di naman ako dudumugin nila pero syempre, todo disguise pa rin ako. Mahirap na. Masyadong uso ang Kpop sa Pilipinas.

At dahil nga napagdesisyunan ko na ituloy ang aking beautiful and challenging revenge ay sisimulan ko na ngayon. Tss. Kung totoo ang sinasabi nya, bakit hindi pa rin sya married until now at pumunta pa sya sa Paris kasama si Daianna? Psh! Lokohin nya lelang nya. Di ako.

So back to reality, nasa mall nga ako at naghahanap ng plastic. Sina Darren at Eloisa, nasa mall rin pero vinivideohan ang kagandahan ko.

Habang naglalakad papunta sa boutique na wala akong interes sa pangalan, nakita ko na agad na papalabas na ang target ko.

Dirediretso lang ako maglakad like a goddess when she bumped on me.

"Ouch!" reklamo nya habang nakaupo sa sahig. Susuot suot ng mataas na heels tapos di naman pala kayang dalhin.

Dirediretso lang ako and acting like innocent. Confident ako masyado habang naglalakad ng hilahin nya ang braso ko.

"Won't you just say sorry?!" nanggagalaiti nyang sabi. May balak yatang gumawa ng eskandalo.

"Excuse me? Why would I say sorry to you?"

"You bumped me!"

"Really? I bumped you? I thought I am just walking. I thought may nakasagi lang na plastic sakin?" sabi ko with an innocent tone.

"How dare you?!" Akma na sana nya akong sasampalin ng magsalita ako.

"Sigurado ka bang itutuloy mo yan? Ikaw lang naman ang mapapahamak kapag ginawa mo yan. Maraming CCTV sa mall na to, baka bigla kang magtrending."

"Wala akong pakialam!" Sabi nya at tinuloy ang pagsampal sa akin.

Hinawakan ko lang ang pisngi ko saka kinuha yung panyo ko.

"Ay, ano ba yan? Nadumihan yung pisngi ko." Sabi ko sabay punas ng panyo.

"Bakit hindi ka gumanti?"

"You know what missy? I will not do the same act with you because I don't want to be a clone of your action. Tsaka ayaw kong bumaba sa pwesto kung nasaan ka. Hindi ko ibababa ang sarili ko para lang makaganti sayo at tsaka ayaw kong madumihan pati kamay ko.... Goodbye, Kryneline." yun lang at dumiretso na ako sa CR para maghilamos ng mukha. Nadumihan nga diba?

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay tinawagan ko sina Eloisa at sinabi kong magkita nalang kami sa kotse. Siguradong napakaganda nung videong nakuha nila.

Pag naaalala ko yung mukha ni Kryneline kanina, natatawa ako bigla. Gulong gulo kasi ang itsura nya. Hindi nya magets kung pano ko nalaman yung name nya. At dahil nga todo disguise ang itsura ko, di niya malaman kung sino yung kinalaban nya. Hindi pa rin pala sya nagbabago. Kaya nya pa ring magtaray kahit na mag isa lang sya hindi tulad ni Daianna. Tsk. Sa old/plastic kong friends, si Kryneline ang pinakamatapang kaso padalos dalos. Matalino naman sya eh. Naimpluwensyahan lang talaga ni Daianna.

Lumabas na ako ng CR para pumunta sa parking lot kung saan kami magkikita nina Darren. Syempre, todo disguise pa rin ako. Mahirap na, baka makita ako ng isa sa mga tatargetin ko.

Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse at naabutan kong nagtatawanan sa loob sina Darren at Eloisa.

"HAHAHAHAHAHAHA! Parang nanonood lang ako ng confrontation ng bida at kontrabida ah. Kaso kailangan nating tanggalan ng sounds." tumatawang sabi ni Eloisa.

"Syempre, hindi yan magiging ganyan kaganda kung di maayos yung pagkuha natin ng angle." sabi naman ni Darren.

"Hindi mo talaga maipagkakaila na magaling na actress ang bespren ko." proud na sabi ni Eloisa.

Ms.Chubby Nerdy's Great Revenge (Under Editing ^_^V)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon