Revenge 21

1.8K 23 11
                                    

"Kale! Namiss kita!" sabi ko at yumakap ng mahigpit sa kakambal ko. Bwiset na 'to! Nasurprise ako masyado.

"Pwede ba? Ang baho mo! Dumiretso ka na sa banyo mo! Magsusulat pa ako ng explanation na 5 pages back to back diba? Tsaka aayusin ko pa ang higaan mong burara na babae ka!" naiiritang sabi nya.

Bwiset to! Kala mo naman, di nya ako namiss. Imposible yun!

Hinampas ko nga yung braso nya.

"Nakakainis ka naman Ezekale Hizoki Salazar!" pagtatampo ko at tinuloy na ang pagpasok sa banyo. This time, for real na. Tinulak pa ako papasok ng Ezekale Hizoki na 'tong bwiset na 'to!

Nagtoothbrush at madaliang naligo lang ako saka ko naalalang wala akong dalang damit na pamalit. Shocks! Tuwalya lang ang dala ko.

Ipapaabot ko sana kaya Kale yung damit ko kaso naalala kong hindi nga pala ako nakapag handa tsaka sigurado namang di yun susunod saakin eh.

Inabot ko ang tuwalya na dala ko sa loob para itapis sa katawan ko. Lumabas ako ng banyo ata saka dire diretsong naglakad papunta sa walk in closet ko ang kaso, nakita ako ng lalaking ito. Agad syang umiwas ng tingin saka napahilamos ng kamay sa mukha.

"Sus! Ano ba yan Ess! Nakakasuka huh. Nandidiri akong makita ang buto mo! Bakit kasi di nalang nagpakuha ng damit eh. At saka baka mapano ka. Basang basa tapos malalamigan ng aircon. Gusto mo bang magkasakit? Baliw ka talaga! Mabuti nalang di ako kapareho mo!"

Para namang kukunan nya talaga ako ng damit eh. Ang arte naman ng taong 'toh! Ang unpredictable nya na nga, ang gulo pa nya. Tsaka di talaga kami magkapareho kasi mas malala ang tama nya sa ulo.

"Ang arte mo naman. Kunwari ka pa jan na concern. Tsaka ayaw mo akong makita ng nakaganito? Sino pala gusto mong makita ng ganito? Si Eloisa? Duh~ Napaghahalataan ka eh." sabi ko sakanya sabay irap habang kumukuha ng damit na gagamitin ko.

"Ewan ko sa'yo." sabi nya sabay salampak ng earphones sa tenga at humiga sa kama ko. Matutulog yata ang ugok na 'to.

Bumalik na ako sa banyo para doon magbihis. Nakakahiya naman kasi sa napakaarte kong kakambal.

Si Ezekale Hizoki Salazar. Sya ang pinakaclose at pinakakaaway ko sa lahat ng mga kapatid ko. Kambal kami pero mas matanda sya saakin. Oo. Mas matanda sya saakin ng dalawa. Dalawang minuto.

Lumabas na ako ng banyo at naabutan ko sya sa dati nyang pwesto. Ke aga aga tapos matutulog sya? Hindi yan pwede!

Patalon akong pumunta sa kama ko. Binalot ko sya ng kumot at dinaganan saka ko sya inalog alog at pinagpapalo ng unan.

"Hoy! Ang aga aga, matutulog ka? Bumangon ka jan! Magkukwento ka pa sakeeen!"

"Aaaah! Ano ba?! Umalis ka nga jan! Ang bigat bigat mong buto ka! Pag nasira tong earphones ko. Humanda ka talaga saken!" sagot nya saka pilit akong tinutulak.

"Gigising ka na ba? Huh?" tanong ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa kong pang iinis sakanya.

"Oo! Oo! Ah-Fu! Damn! Get off me Hershey! I'm starting to get pissed with you--Ah! Ouch! Hershey-- stop it! Arggh!"

Umalis na ako sa ibabaw nya para makaalis na sya sa loob mg kumot at makabangon na. Mukhang nareach ko yung boiling point nya. Uh-oh?

"You!" dinuro nya ako. Hala!

"Oh? What about me? Kuya Hizoki?" act normal Ess. Act normal.

"Come here! You want scolding party here huh. I'll give want you want!"

"Eeeew! Pawis na pawis ka jan tapos lalapit ako sa'yo? Eeeew huh. Kakaligo ko lang kaya." sabi ko at umarteng nandidiri.

"Hoy! Para sabihin ko sayong buto buto ka, kahit pagpawisan ako, mabango pa din ako." pagmamayabang nya.

Ms.Chubby Nerdy's Great Revenge (Under Editing ^_^V)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon