Revenge 16

1.5K 28 5
                                    

Esshey's POV

Nakarating na ako sa bahay nang may pinaplano sa aking isip.

"Oy! Anyare sayo?" tanong sakin ni Darren.

Hindi ko sya pinansin at nagdirediretso nalang sa kwarto ko. Kailangan ko tong pag aralan.

Nang makita ko na kulang pa ang nasa internet ay umalis ako sa kwarto.

"Oy! Saan ka nanaman pupunta. Ang snob mo kanina ah." tanong ni Darren. Para syang guard kung magtanong eh.

"National Book store." Sagot ko at saka dumiretso sa pintuan.

"Nagluto akong tinola. Ayaw mo?" pahabol nyang sabi.

Oo nga pala, hindi pa ako kumakain. Pero kailangan ko nang makabili noong libro. Ayaw ko nang magpaligoy ligoy pa.

"Tirhan mo ko. Kakain ako mamaya. Isang kaldero ng kanin. Siguraduhin mong marami pa yan mamaya huh." Sabi ko at sumakay na sa kotse.

Sayang yun. Sa sobrang sarap ng tinola ni Darren, pagsisisihan kong hindi ako makakatikim non ngayon.

At dahil malapit lang ang SM saamin, nakarating ako agad dito. Ipinark ko ang kotse sa pinakamalapit na mapaparkingan saka dumiretso sa loob para makapunta agad sa National Book Store.

Iniskim ko ang lahat ng librong pwedeng makatulong saakin bago ko nahanap ang pinakamaganda.

"That would be 2099 pesos madam." sabi nung cashier pagkatapos nyang iiscan yung bar code ng libro ko.

Ibinigay ko na ang hinihingi nyang amount saka ako lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita ko si Sunny na ipinagyayabang ang iphone 6 nya sa kasama nya.

Tss. Mayabang. Magready ka na. Mawawala na yan sayo pagkatapos kong pag aralan ang librong ito.

Knowing Sunny, iiyakan nya ang iphone 6 nya pag nasira ito.

Eloisa's POV

"Are you joking or what?"

"No, I'm not joking Eloisa. I'm dead serious. And I hate that Essence is my half sister."

"But why?"

"I hate her because she is ugly. I hate her because she was born out of love and I am born because Alberto and mom we're just drank, I born out of a mistake. I hate that Alberto chose his family and not me. I hate that they are okay when I'm not. I hate that my daddy still owns me when I'm not. I hate Essence and her family so much! I want them gone! And I did not regret any single bit of what I did to Essence couple years ago. Look, she didn't come back and it makes her feel guilty about it." sabi nya habang umiiyak saka tumawa ng malakas. Tama ba ang desisyon Kong dito kami magkita?

"Y-you did not regret any single bit? But she is your sister for God's sake Daianna."

"No, she is not! They did not bother to check what's going on to me. Alberto did not bother to check on to me. And worst, they didn't even know that I am existing!" medyo napataas na ang boses nya. Kita mo ang galit at hinanakit sa mga inosenteng mata nya. She is also a victim here, but what she did many years ago is not good.

"Do you think, you are not being unfair Daianna? Essence didn't know about this. They didn't give her a chance to know that you are her sister so why did you do that to her?"

"I did that because I envy her! I am being miserable while she is happy with her true friends and her family and with her boyfriend." sabi nya at saka humagulhol ulit. Masyado na kaming gumagawa ng eksena dito.

"You shouldn't did that. You shouldn't let your insecurities control you."

"No. What I did is right. You see? She's miserable now. She is nowhere to found. They will not be happy again like what I am the whole time. They will never be happy." sabi nya na parang baliw. Humalakhak pa sya na parang tagumpay sya sa lahat ng ginawa nya.

Dyos ko! Anong nangyari kay Daianna. Sigurado ba syang okay pa ang pag iisip nya?

"Halika na Daianna." sabi ko at hinila sya patayo.

"What?! We're not done yet! I'm telling you a story. You should listen to what I am saying!" sabi nya habang hinihila ang kamay nya.

"Yes. I will listen to you but we need to go first." mahinahon kong sabi saka sya hinawakan ulit.

Mabuti naman at tumayo sya at sumunod saakin. Masyado na kaming napapahiya dito dahil sa eksenang ginawa ni Daianna.

Agad kong hinanap ang motor ko pagkalabas namin ng McDonald's.

"Are you sure you want me to ride to that motorbike?" parang kinakabahan na tanong ni Daianna.

"We don't have a choice Daianna. You don't have a car and this motorbike is all I have. Iniwan ko ang kotse ko sa bahay." sagot ko. Parang kanina lang sa loob, ang drama nito ah. Bakit parang nasa matinong pag iisip na ulit ito? Nagulat dahil sa motorbike?

Sumakay ako sa motor saka sya umangkas kahit nagdadalawang isip.

Pinaandar ko ang motor nang mabilis hanggang sa makarating kami sa bahay kung saan kami madalas tumambay ni Essence pag may problema. Maraming puno at mahangin dito. Tahimik ang paligid kaya naman nakakarelax.

"Nasaan tayo?" tanong ni Daianna nang makababa sya sa motor.

"Nasa Milaor tayo." sagot ko saka nagdirediretso sa bahay.

Hindi ko na sya narinig na nagsalita at sumunod nalang sya saakin.

"Alam mo bang madalas kami ni Essence dati dito?" sabi ko. Hindi naman umimik si Daianna.

"Madalas kami dito kapag nalulungkot sya. Isang araw nga, sinabi nya na idol ka nya. Maganda, talented at matalino ka daw..."

Maganda, mabait, matalino. Yan ang first impression ni Essence kay Daianna noon. Lagi kasing ngumingiti si Daianna sa lahat ng makasalubong nya. Matalino dahil walang grade na bumababa sa 85.

"Kaya noong inalok mo kaming sumali sa grupo nyo ay naexcite sya. Makakasama nya na palagi ang idol nya." nakita kong may lumandas ulit na luha sa mga mata ni Daianna.

"Gustong gusto ni Ess sa mga lugar na maraming halaman. Maraming bulaklak at puno. Nakakarelax daw kasi at mapresko." nakangiti ako habang nagpapatuloy.

"Parang bata mag isip si Essence. Madali lang syang mapangiti dahil sa mga maliliit na bagay. Masyado syang mabait para masaktan." nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang ginawa nila kay Essence.

"Pero nawala ang lahat nang iyon simula nang mangyari sakanya ang masaktan ng hindi nya deserve. At kagagawan nyo iyon Daianna. Wala syang ibang ginawa kundi ang ituring kayong mga ate. Mga ate na handa syang damayan kapag may problema sya. Mga ate na handa syang ipagtanggol kahit kanino. Mga ateng maituturing nya sa loob at labas ng school. Kung tutuusin, marami naman syang mas nakakatandang kapatid, Ate Euphony, Kuya Evince, Ate Erza, Kuya Ervin, Kuya Ezekale, pero pinili nya pa rin na papasukin kayo sa buhay nya." hindi ko na rin napigilan na lumuha. Bakit nga ba nila yon ginawa?

"At dahil sa pagpapasok nya sainyo sa buhay nya, nasaktan sya at nagbago. Bakit nga ba Daianna? Dahil lang ba talaga yon sa insecurities mo? Ang babaw nyo naman? Ang unfair nyo naman."

"Hindi mo pa alam ang lahat..." nagulat ako sa pag sagot ni Daianna.

Hindi ko pa alam ang lahat?

"Ano nga bang hindi ko pa alam?"
------------------------------------------------------

Ms.Chubby Nerdy's Great Revenge (Under Editing ^_^V)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon